Chapter XIX: The Tragedy

844 96 40
                                    

L I B B Y

Nanatili akong tahimik at nakaupo sa aking kama habang hinihintay ang balita tungkol sa aking mga magulang. Kinakabahan, napayakap na lang ako sa aking dalawang binti. Napanaginipan ko na ang kahihitnan ng araw na 'to ngunit umaasa pa rin akong mag-iiba ang takbo ng tadhana. Na sa pagkakataong ito, hindi magkakatotoo ang pangitain na nakita ko.

"Princess Libby." Napatingin ako sa pintuan nang aking kuwarto nang ako'y tawagin ni Anna. Ang kaniyang mga mata'y halatang galing sa pagkakaiyak: mapula at namumugto. Napalunok na lang ako, pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.

"K-Kumusta sina mom at dad?"

"They're asking for you, Your Highness," tipid na sagot niya sa akin. Nagmamadali naman akong tumayo't nilagpasan siya. Binilisan ko ang aking paglalakad. Wala na akong pakialam kung sinuman ang aking makakabangga.

Nang makarating ako sa harapan ng kanilang silid ay panandalian akong natigilan. Handa na ba ako? Kaya ko na ba silang pakawalan? Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi.

"Libby." Nilingon ko ang aking pinsang si Niana na lumapit na pala sa akin nang hindi ko namamalayan. Ang kaniyang mukha'y puno ng lungkot at awa.

"I-I have to go." Iniwas ko ang aking tingin sa kaniyang mga mata't pumasok sa kuwarto ng aking mga magulang.

"Mom, dad! Nandito na po ako," bungad ko't pilit pinapasaya ang aking boses. Upang maitago ang aking takot, inilagay ko sa aking likod ang dalawang nanginginig kong kamay.

"My princess," nakangiting wika ni dad at tinitigan ako gamit ang kaniyang nanunubig na mga mata. Muli akong napalunok nang magbadiyang bumuhos ang aking luha.

"Come here, sweetie. Mommy got something to say," hinang-hinang ani naman ng aking ina at buong lakas na tinapik ang bakanteng puwesto sa kaniyang tabi. Nanghihina ang mga tuhod, naglakad ako sa kanilang pagitan.

Tuluyan na akong gumuho nang makita ko nang malapitan ang kanilang kalagayan. Daig pa nila ang hindi kumain sa loob ng isang buwan sa kapayatan. Namumutla't nangungulubot ang kanilang mga balat. Wala na rin ang ningning sa kanilang mga mata. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

"I'm so sorry. I should've known," hagulgol ko't lumuhod sa kanilang harapan. "I'm such a failure. I should've known." Galit na galit kong hinampas ang aking dibdib.

"Hush now, my darling. It's no one's fault."

"It is my fault! Kung nakita ko lang sana agad! Kung napigilan ko lang sana kayo..." Sa kakaiyak, nagsimulang manikip ang aking dibdib, dahilan upang madagdagan ang sakit na aking nararamdaman.

"Kakayanin mo naman... nang wala kami sa tabi mo... hindi ba? Manatili kang... malakas, tandaan mo ang mga... tinuro namin sa'yo," saad ni dad sa pagitan ng kaniyang mabibigat na paghinga. Marahas naman akong umiling at hinawakan sila parehas sa kanilang mga kamay.

"No, no, no! I need you and your guidance! I need you tender love and care! You can't just die yet! Live for me, please!" Lalong lumakas ang aking pag-iyak.

Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit nangyayari sa akin 'to? Naging mabuti naman akong anak. Naging mabuti akong mamamayan kaya bakit?

"Don't be silly... my princess. We're not... going to die... We'll just be... far away..."

"Listen to me, sweetie." Mabilis ko namang nilingon si mom para mapakinggan nang maigi ang kaniyang mga susunod na sasabihin. "Kinuha nila halos lahat ng dugo sa aming katawan. Iaalay nila ito sa isang ritwal na ihahandog nila kay Shantrini upang tuluyang masira ang Frontier Horizon. Kailangan niyo silang pigilan."

Gulong-gulo, nilingon ko si dad para pakinggan ang sariling bersyon niya ng pagpapaliwanag pero agad akong natigilan sa aking nadatnan. Tumigil na sa pagtaas-baba ang kaniyang dibdib. Ang talukap ng kaniyang mga mata'y tuluyan nang bumagsak.

Dali-dali akong tumakbo't niyugyog ang kaniyang malamig na katawan. "Dad, wake up! Wake up! Wake up! Wake up!"

"Empress Ranell! Emperor Leo!"

"Hey, Libby. May problema?" Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Niana.

"Mayroon. Masyado akong maganda't hindi ko na alam ang gagawin ko sa dami ng mga nanliligaw sa akin," tugon ko't hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Nagawa pa talagang magbiro ni Libby sa ganitong sitwasyon? Nanganganib ang magulang ni Niana at Megumi!"

"Worry not. Nabasa ko kung saan ang mismong kuta ng mga cannibal sa librong iniwan sa akin nina mom at dad. Nakakasigurado akong doon natin sila matatagpuan."

"Bakit ngayon lang sinabi ni Libby?!"

"We'll infiltrate their lair. We need backup."

- X -

SUOT-SUOT ang mga maskara, nagsimulang makisama ang apat sa mga taong kasalukuyang nasa hostel na matagal nang inabanduna.

"Kung bumalik na lang tayo sa bayan at tumulong sa pagtugis sa mga cannibal, baka mas magkaroon pa tayo ng dulot," bulong ni Arima sa tatlong kasama. Napairap naman si Lora dahil sa sinabi ng pinsan.

"Akala mo kung sinong matapang na handang labagin ang utos ng kaniyang ama kung makapagsalita. Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na malalagay lang tayo sa alanganin kapag tangkain pa nating lumabas ng Frontier Horizon? What an irony," pabalang na sagot ni Lora't pinagkrus ang dalawa niyang braso.

"Tayo ang susunod na lider ng kani-kaniyang organisasyon, kailangan na nating kumilos. Ayokong manatili lang at maghintay sa isang tabi habang nagpapakahirap silang resolbahin ang problema," punto ni Arima. Muling umikot ang mata ni Lora.

"As the only child of my parents, I'm completely aware of that. If you badly want to help them, sure! But my question is, are you really going to risk it and disobey your father?" Napayuko na lang si Arima sa naging tanong ni Lora. Tama ang kaniyang pinsan, isang beses niya nang sinuway ang kanilang ama ni Yzra at hindi niya na ito hahayaang mangyari ulit sapagkat ayaw niyang tuluyang ubusin ang pasensya ng nito.

Napangisi na lang si Lora. "I knew it. As I expected from the goodie-goodie daughter of Uncle Izeno."

"Enough," sita sa kanila ni Yzra. Rinding-rindi na siya sa ingay sa paligid kaya kung magpapatuloy ang pagsasagutan ng kaniyang nakakatandang kapatid at pinsan, tuluyang mauubusan na siya ng bait.

Balak pa sana ni Lora na magprotesta nang mahagip ng kaniyang mata ang taong inaasahan niyang makita. Nagmamadali niya itong sinundan upang hindi ito mawala sa kaniyang paningin.

"Lora, saan ka pupunta?" takang tanong ni Cyllan sa kababata ngunit hindi siya nito pinansin at nagpapatuloy lang sa paglalakad. Napailing na lang siya bago sinundan ito.

Nang sila'y magkaabutan, agad na hinawakan ni Cyllan nang mahigpit ang kanang braso ni Lora upang pigilan ito sa pag-alis. Nakakunot-noo naman siyang nilingon nito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" May diin sa bawat salita nito.

"Akala ko ba't mananatili tayong malapit sa isa't isa?"

"Nandito ang isa sa mga miyembro ng Minari. We need to get a hold of him."

-

Sorry for the long wait, I've been having a hard time writing updates since writer's block felt like it won't leave me.

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon