Chapter X: Minari

1.4K 112 41
                                    

A R I M A

"Finally, you're awake." Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Lora. Hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan habang ika-ikang naglalakad papunta sa sofa.

"Maaga ka yatang nagising. Akala ko ba't paghihilumin mo muna ang iyong sugat?" takang tanong ko sa kaniya bago nagtungo sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig.

"Who said I'm going to school? Sinadya kong gumising nang maaga para makausap ka," aniya't sinenyasan akong maupo.

"Ganoon ba ito kaimportante upang mag-abala kang gumising nang maaga? Tungkol saan ba ang nais mong sabihin?" nakakunot-noong tanong ko sa kaniya nang ako'y makaupo sa kaniyang tabi.

"May misyon akong hinanda para sa inyo ni Cyllan ngunit dahil hindi pa rin siya nagigising, mukhang imposibleng matulungan ka niya ngayong araw," panimula niya bago ininom ang kapeng nasa lata. Saan naman kaya niya kinuha 'yon?

"Huwag kang mag-alala. Simple lang naman ang gagawin mo. Kailangan mo lang bantayan ang bawat galaw ng Minari."

"Minari?"

"Yes, Minari. That's the term I use to refer to Libby Thery, Kathnyce Schaeffer, Niana Vignon, Dendrich Varin, Treven Prost, Zachary Da Silva—"

"Okay, I get it. Geez," putol ko sa kaniya at napahilot na lang sa aking sentido. "Pero bakit gusto mo silang pabantayan? May nahanap ka bang impormasyon tungkol sa kanila?" tanong ko sa kaniya na sinagot niya ng isang buntong-hininga.

"C'mon, Lora. You have to tell me every information you got."

"I just want to confirm something," tipid na sagot niya kaya napasimangot na lang ako. Those are not the words I wanted to hear.

"Sasabihin mo o tatanggihan ko ang misyon? Nasa iyo ang desisyon, Lora," saad ko't mapang-asar na pinaglaruan ang ilang hibla ng aking itim na buhok.

"They're my suspects for the accident." Panandalian tumigil sa pag-ikot ang mundo nang maproseso ng aking utak ang sinabi ni Lora. Kung ganoon ay may kinalaman sila sa pagkawala ng aking kapatid?

"I know that look very well, Arima. Kung iniisip mong may kinalaman sila sa pagkawala ng kapatid mo, nagkakamali ka. Parang hindi mo kilala ang kapatid mo."

"Then, why you're suspecting them?"

"Maybe because they're acting suspicious," sarkastikong sagot niya't dumekwatro.

"Look, Lora. Wala akong panahon para makipag-usap sa'yo buong araw, kailangan kong pumasok sa unibersidad. 'Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa," naiinis sa sabi ko sa kaniya.

"Fine," wika niya habang humihikab. "I saw Galen Da Silva hack the school system once. He's pretty good actually. He's looking through our student files and I believe, he's also watching our every move."

"Who's Galen again?" Napairap na lang siya bago kinuha ang isang folder sa kaniyang likuran. Huwag mong sabihin doon niya rin kinuha ang kapeng de lata?

"This guy," sagot niya't binuklat ang folder sa papeles ng isang lalaking may kulay olandes na buhok at berdeng mga mata.

Norbert Galen Da Silva, 18 years old. A black belter in martial arts and a top student in computer programming.

"Is this really his student profile?" hindi makapaniwalang tanong ko. Palagi kaming magkasama ni Lora kaya nakakasigurado akong pareho lang ang mga taong nakikita't nakakasalamuha namin. Kailan niya nakita ang lalaking ito?

"Yep, but oh well, he looks different in personal."

"You mean--"

"He also changed his appearance to blend in this society. He colored his hair black and even wore contact lenses."

"Kung ganoon ay paano mo nakuha ang litratong ito?" tanong ko sa kaniya't tinuro ang larawan ni Galen kung saan kulay olandes pa ang buhok nito.

"I'm a Bourbon, remember? I can get any information in just a snap," pagmamayabang niya na tinawanan ko lang.

"Yet you can't find the whereabouts of my sister," puna ko, dahilan upang mag-iba ang timpla ng kaniyang mukha.

"If you find out something, I want you to inform me as soon as possible," maawtoridad niyang sabi. Well, that's a surprise. Hindi man lang siya gumawa ng dahilan upang para barahin ako. Am I really talking to Lora Francé?

"And why is that?"

"Dahil kung hindi sila ang may kagagawan, isa lang ang ibig sabihin noon..." Napahalukipkip na lang ako. "Another machine tried to sabotage us," pagpapatuloy niya kaya gumuhit ang pagtataka sa aking mukha.

"M-Machine?" Iniisip ko pa lang ay alam ko nang isa itong malaking kalokohan. "I know you're very smart, Lora. Pero mukhang matinding naapektuhan ng aksidente ang utak mo. You're talking crazy!" Napailing na lang siya sa naging reaksyon ko.

"Technology keeps advancing, Arima. Hindi magtatagal, lahat ng sinasabi mong imposible ay magiging posible."

"I should call Duchess Kathmana." Dinukot ko mula sa aking bulsa ang aking telepono at tinipa ang code.

"Stop!" sita niya sa akin at puwersahang kinuha ang aking telepono. "You know what? Forget it. Hihintayin ko na lang na magising si Cyllan," saad niya't tumayo upang umalis.

"Sandali lang!" Mabilis ko siyang hinawakan sa kaniyang kamay at malakas siyang hinatak pabalik sa pagkakaupo.

"Fidgeting horse!" sigaw niya't napahawak sa kaniyang tagiliran. "I'm going to kill you, Arima," pagbabanta niya sa pagitan ng kaniyang pamimilipit sa sakit.

"Oh yeah, I forgot you're injured." Napakamot na lang ako sa aking batok. "Can I get my phone back now?"

- X -

Napabuntong-hininga na lang ako habang mag-isang tinatahak ang maingay na pasilyo ng unibersidad ng Yugen. Sa totoo lang ay nagdadalawang-isip akong pumasok ngayon pero dahil nga sa sinabi ni Lora, kailangan kong bantayan ang Minari.

"Excuse me, miss." Wala akong ibang magawa kung hindi lumingon sa babaeng kumalabit sa akin. Ang kaniyang mukha ay pamilyar na sa akin. At kung hindi ako nagkakamali, nakita ko ito sa listahang ibinigay sa amin ni Cyllan. Isa siya sa walong estudyante na kailangan kong bantayan. Sinong mag-aakala na siya na ang kusang lalapit sa akin?

"You're Arima Alvarez, aren't you?" tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng tango. Mukha namang natuwa siya sa sagot ko at isang malaking ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi.

"Great! I'm Libby Thery, the president of our class," pagpapakilala niya't inalahad ang kaniyang kamay. Walang pagdadalawang-isip ko naman itong tinanggap at nakipagkamay sa kaniya.

"Nice to meet you, Libby."

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now