Chapter XXXIII: Two By Two

338 55 19
                                    

L O R A

"Why did you bring me here? Anong pag-uusapan natin?" tanong ko kay Cyllan nang makarating kami sa malawak na soccer field ng Yugen. Nagtungo kami sa bleachers at doon umupo.

Katutunog lang ng bell, nangangahulugang tapos na ang lunch break. Solo namin ngayon ang field dahil nagbalik na sa kaniya-kaniyang klase ang ibang estudyante.

"I'm really glad Mr. Morales is absent today." Nilagay niya ang dalawang kamay sa likod ng kaniyang ulo at inunat ang kaniyang mga paa.

"Huwag mong iniiba ang usapan. Tinatanong kita, Cyllan," medyo inis na sabi ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Ito ang unang beses na dinala niya ako sa hindi mataong lugar upang kausapin nang pribado kaya't dama ko na magiging seryoso ang aming usapan.

Umayos siya nang upo at humarap sa akin. Tiningnan niya ako diretso sa aking mga mata kaya't agad kong nabasa ang nararamdaman niya. He's guilty about something.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "I'm sorry, Lora."

"What did you do?" seryosong tanong ko sa kaniya. Mahigpit kong kinuyom ang aking kamay. Lalong nadagdagan ang kabang aking nadarama; bumilis ang kabog ng aking dibdib.

"I lost control. I hurt you again last Saturday," tugon niya't umiwas ng tingin. Malakas ko siyang hinampas sa kaniyang balikat, dahilan upang mapapitlag siya.

"Alam mo, nakakaasar ka. Akala ko kung ano nang ginawa mo. I thought you broke a rule written in the codex! Kinabahan lang pala ako para sa wala."

"Lora, I'm serious!"

"You don't have to say sorry about that. It's no big deal."

"You don't understand. You were hurt! It is a big deal!"

"I know you didn't mean it. I know you didn't want to hurt me." Muling bumalot ang kaba sa akin nang mapansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Mas maigi yata kung hindi na lang ako nagsalita.

"That doesn't justify my actions, Lora. I was violent, and I hate that you're completely fine with it," saad niya habang puno ng pagkadismaya ang kaniyang mukha, dahilan upang bumigat ang aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

"I never said it was fine, Cyllan..."

"Then punish me. You have to, Lora."

"But that's not what you need! Can't you understand? Punishing you won't make any difference. You're suffering for ten years and what you need is help." Kinuha ko ang kaniyang kanang kamay at mahigpit itong hinawakan.

"What happened to your parents and sister wasn't your fault; you didn't kill them. If there's someone who should take the blame, that should be the cannibals."

"I should've die with them..." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay at tumayo. "Bumalik na tayo kina Arima," sabi niya't nagsimulang maglakad papalayo sa akin.

"I thought you were sorry? Bakit aalis ka nang hindi pa kita pinapatawad?" Mabilis naman siyang napahinto sa kaniyang paglalakad.

"If you died back then, who will avenge your family? If you died back then, how about me?" tanong ko sa kaniyang habang humahakbang ako papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Nanatiling nakaharap ang kaniyang likod sa akin.

"Cyllan, I'm begging you. Pagod na akong panoorin kang nahihirapan. I'm tired of being useless. Hayaan mo namang tulungan kita." Sa paglapag ko ng aking kamay sa kaniyang balikat ay nagsimula ang kaniyang paghikbi. Unti-unting nanlumo at bumagsak ang kaniyang mga tuhod hanggang sa tuluyan na siyang napaupo sa damuhan.

"I'm here. I'm always here," paninigurado ko sa kaniya habang kami'y nakaupo at magkatalikuran. He rested his head on the back of my head and sighed.

"Back there, I thought I'm going to lose someone important to me again. I thought I'm going to lose you." Bakas pa rin sa kaniyang boses ang pag-iyak. Pumulot ako ng bato at hinagis-hagis ito sa ere.

"Stop being a worrywart, Cyllan. I'm Lora Bourbon, a mafia with a princess rank. You won't lose me easily," turan ko naman habang pinaglalaruan ang batong aking pinulot. Muli siyang yumuko.

"You worry about me, but I can't worry about you? That's unfair." Naramdaman ko ang kaniyang paggalaw kaya pasimple kong sinilip kung anong ginagawa niya.

"Tigilan mo nga 'yang pagbubunot mo ng damo! Makakagalitan tayo kapag nagkataon," suway ko sa kaniya, dahilan upang lingunin niya ako. Sandali lamang siyang umiyak, ngunit hindi maipagkakailang namumugto ang kaniyang mga mata.

"Hindi mo man lang ba ako aasarin dahil sa pag-iyak ko?"

"Bakit? Gusto mo bang asarin kita?" tanong ko sa kaniya pabalik at tiningnan siya nang nakakaloko. Mahina naman siyang napatawa.

"Ang pangit mo," kumento niya. Biglaan naman siyang tumayo, dahilan upang mawalan ako ng sandalan at mapahiga sa damuhan. Napapikit na lang ako nang mariin.

Ikalma mo ang sarili mo, Lora.

"Wala kang balak tumayo diyan?"

"Hahayaan mo na bang tulungan kita?" Bahagya siyang natigilan sa aking naging tanong, ngunit mamaya-maya lamang ay bumalot ang pagkaasar sa kaniyang mukha.

"Oo na! Oo na! Paulit-ulit ka naman, e!"

"Ba't ka nagagalit?" natatawang tanong ko sa kaniya't inabot ang kaniyang kamay upang itayo ang aking sarili. Pinagpagan ko ang aking sarili habang tinulungan niya naman ako sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga damo sa aking buhok.

"Pinapatawad mo na ba ako?"

"Hmm. . . Sandali, isipin ko muna."

"Nang-aasar ka na naman."

"Oh? Parang kanina lang gusto mong asarin kita dahil umiyak ka, ah?"

"Ewan ko sa'yo. Para kang bata."

"Really? Sino ba iyong umiyak? Ako ba? Ako ba?"

"Sagutin mo na lang kasi iyong tanong ko," asar niyang wika kaya't hindi ko na napigilang mapatawa nang malakas. Pagdating sa asaran, mukhang ako pa rin ang kampeon.

"Fine, I'll forgive you. But! You need to go to therapies. I'll call Duke Thunder right away after class."

Napabuntong-hininga na lang siya. "Ano pa bang magagawa ko?"

"Are you scared?" takang tanong ko sa kaniya. Muli siyang napahinga nang malalim.

"I'll probably lose control again. What if I hurt someone on the process?" Agad siyang napadaing nang makatanggap siya ng isang malakas na batok sa akin.

"I told you, I'll be there. I'll stay by your side."

"Two by two?"

"Two by two."

-

Note: Hi there! It's me, Dakureimi. Yes, I'm here to announce something again. I just want to let you know that I'll be publishing a guidebook soon!

There, you'll find more information about the characters and stuff about Frontier Horizon that I didn't get to say in the main story (since it's not that important to the plot). You'll also find special chapters (milestone celebration) there. And speaking of special chapters, I'm planning to write one to celebrate our three thousand votes!

Again, thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

July 6, 2020 UPDATE
Not edited

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now