Chapter XVIII: Back to Where It Started

452 60 32
                                    

"BAKIT ANG tagal mo? Saan ka ba galing?" naiiritang tanong ni Lora sa nakatatandang pinsan nang makasakay ito sa passenger's seat. "Ganoon ka na ba katanda at uugod-ugod ka na?"

"Kung may matanda man dito, si Cyllan 'yon. Bakit ba nagmamadali kayo? Wala naman tayong pupuntahan," tanong naman ni Arima pabalik habang inaayos niya ang pagkakasuot ng seat belt sa katawan.

"Bakit nadamay ako?" takang tanong ni Cyllan at tiningnan ang magpinsang kasalukuyang nagtatalo.

"At sino nagsabi sa'yo na wala tayong pupuntahan? May nahanap akong p'wede nating paglibangan mamayang gabi at maghahanda na tayo para roon ngayon," wika ni Lora, dahilan upang mangunot ang noo ni Arima.


"P'wede ba, Lora? Tigilan mo na ang mga libangan na 'yan dahil tayo lang ang nalalagay sa alanganin. Hindi pa nga natin napapagtanto kung sino ang may kagagawan ng aksidente pero heto ka ngayon at gusto mo na agad pumasok sa isa na namang gulo?" pagtutol ni Arima bago tuluyang nilingon ang pinsang nakaupo sa likuran. "Wala tayong pupuntahan mamayang gabi. Tapos ang usapan."

"Patakbuhin mo na ang kotse," utos ni Yzra sa lalaki nilang kasama.

"At sino ka para sundin ko? Hindi ikaw si dad, Arima. Isa pa, anong gusto mong gawin ko? Magkulong sa kuwarto't aralin ulit ang mga napag-aralan na natin noong bata pa tayo?" protesta naman ni Lora at matalim na tiningnan si Arima sa mata. "Pati ang dalawang araw ng pahinga ko'y ginugol ko na sa pag-iimbestiga tungkol sa nangyari tatlong araw nang nakakalipas. Give me break!"

"Saan po ba tayo pupunta, Mahal na Prinsesa?" tanong ni Cyllan sa bunsong Alvarez.

"Sa mall!"

"Sa penthouse!"

"Manahimik kayo. Ako ang kinakausap," sita ni Yzra sa kapatid at pinsan nang sabay nilang sagutin ang tanong ng binata. "What the hell exactly are we going to do at the mall, Lora?" walang emosyong tanong niya sa dalagang nakaupo sa kaniyang tabi.

"To buy a mask, what else?!"

"Mask? Para saan ang mask?" nakataas-kilay na tanong ni Arima sa pinsan.

"In order to join the underground battle later, we are required to wear a mask for secrecy of our identity. We can't afford to be recognized. I mean, you even dyed your hairs. It'll all go to waste if we'll get busted, don't you agree?" pagpapaliwanag ni Lora.

"Underground battle?"

"A fight between gangsters. It's Combat of Superiority in our language."

"To the mall, marquess."

"Yes, Your Highness," tugon ni Cyllan bago sinimulang paandarin ang kotse papunta sa pinakamalapit na mall. Napailing na lang si Arima habang isang ngisi naman ang gumuhit sa labi ni Lora.

"Thanks for your cooperation, couz'!"

"Who's cooperating? I'm only choosing the best choice," malamig na sabi ni Yzra bago nagsuot ng earphones sa magkabilang tainga.

"Bago ko makalimutan, kumusta ang pinapagawa ko sa'yo, Arima? May nakuha ka na bang impormasyon?" baling ni Lora sa pinsang kasalukuyang hindi maipinta ang mukha.

"Wala pa. Hindi ko pa nakakausap nang maayos si Libby. Mukhang hindi siya mapakali pagkatapos makatanggap ng tawag," nakasimangot na sagot ni Arima.

"Tawag? Anong sabi?"

"Hindi ko alam. Hindi ko narinig."

L I B B Y

"Ano bang nangyayari, Libby?" takang tanong sa akin ni Niana nang hatakin ko siya papalabas ng bahay. "Saan ba pupunta sina Niana at Libby? Gabing-gabi na."

"Just get in!" bulyaw ko sa kaniya't pilit siyang pinayuko at pinapasok sa kotse. Napahinga na lang ako nang malalim nang lumungkot ang kaniyang mukha. "Sorry, Yana. Papaliwanag ko na lang sa'yo sa daan. Sa ngayon, kailangan na nating bumalik sa Area 77." Hindi ko na hinintay ang sagot niya't nagmamadaling sinara ang pinto ng kotse.

Mabilis akong umikot at sumakay sa driver's seat. Nang mabuhay ko ang makina ay agad kong pinaharurot ang sasakyan at tinahak ang shortcut papalabas ng Frontier Horizon.

"Maaari na bang ipaliwanag ni Libby kung anong nangyayari kay Niana?" Bahagya kong nilingon si Niana at nakita siyang nakitingin sa labas ng bintana. Hindi ko siya masisisi kung masama ang loob niya sa akin dahil ngayon ang unang beses na nasigawan ko siya.

Binalik ko ang aking tingin sa daan. "Tumawag si Kathnyce kaninang tanghali sa akin. She told me that the culprits behind the massacre are no other than the cannibals," panimula ko habang binubuo sa aking isipan ang mga susunod kong sasabihin.

"Libby's talking nonsense. The mafias are untouchable."

"Not anymore. Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa'yo noon? About my mom's last words?"

"Niana does remember. It's about the ritual dedicated to Shantrini, the sister of Ashanti, right?"

Mabilis akong napaapak sa preno nang isang hayop ang biglang tumawid sa daan. Napamura na lang ako nang malakas.

"Ayos lang ba si Libby?" alalang tanong sa akin ni Niana habang hinahawi niya ang ilang hibla ng kaniyang pulang buhok na nagulo dahil sa biglaan kong pagpreno.

"Yeah, I'm fine," tipid na sagot ko't muling pinatakbo ang aming saksakyan. "Pagpatuloy na lang natin ang ating pag-uusap kapag nakarating na tayo sa headquarters," wika ko na sinang-ayunan niya naman.

Maya-maya pa't nagtapos na ang aming tahimik na biyahe. Inihinto ko ang kotse sa harap ng mansion na ibang-iba na kumpara sa aking kinalakihan.

"Kazumi-neechan! Ribi-neechan!" Hindi pa man kami nakakatuluyang makababa ni Niana, isang batang babae ang nagmamadali't sumalubong sa amin.

"Nande mada oki teru no, Megumi?" tanong naman ni Niana sa nakakabatang kapatid.

"Eto..." Napayuko na lang siya. Agad naman akong yumuko upang makapantay siya.

"Anong problema, Nikolai?" tanong ko sa kaniya. Inangat niya naman ang kaniyang tingin sa akin at doon ko nakita ang kaniyang mga mata na punong-puno ng pag-aalala.

"Hahaoya to chichioya wa mada ie ni imasen," malungkot na sagot niya sa tanong ko na ikinagulat naman ni Niana.

"Nani?!"

"Nik, alam mo ba kung saan sila nagpunta? Anong oras pa sila umalis?" kalmadong tanong ko sa kaniya na sinagot niya naman ng sunod-sunod na iling.

"Anna, bring Nikolai back inside. Libby, come with Niana," saad ni Niana bago umikot sa sasakyan at umupo sa driver's seat.

"Neechan, dokoe ikimasuka?" takang tanong ni Nikolai habang inaakay na siya papasok ni Anna, isa sa aming mga tauhan.

"Niana and Libby will go back to where it started," sagot naman ni Niana sa kapatid habang sinusubukan niyang paandarin ang makina ng kotse.

"E?" Punong-puno ng pagkalito ang kaniyang mukha. I smiled to lessen her bemusement.

"Babalik din kami agad. Get some sleep, okay?" I reaasured her as I disheveled her hair. "Let's go."

-

The Japanese phrases or sentences in this chapter are fetch from more reliable sites than Google translate.

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now