Chapter XLV: Duty of an Empress

190 36 51
                                    

L O R A

Kung nakamamatay lamang ang pag-iisip, kanina pa sana ako walang buhay rito. Masyado nang maraming nangyayari—sa sobrang dami ay parang puputok na ang utak ko para lang maproseso ang lahat. Sa katunayan, nais ko na lamang maging avarie nang makatakas na ako sa magulong mundong ito.

Una, ilang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nasosolusyunan ang problema namin tungkol sa mga cannibal. I've been in Area 77 for just a few hours, but a lot of news regarding the cannibal attacks already flooded my mail. Maraming mafia ang binawian ng buhay at marami rin ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ngayon.

Pangalawa, hindi pa man ito kumpirmado ngunit unting-unti na ring nasisira ang Frontier Horizon. Based on other reports, there are more than three cannibals that managed to pass through the protective barrier. If this continues, we'll completely lose our hold to balance. The Dijon Island will be in pure chaos.

Pangatlo, kung totoo nga ang sinabi ni Uncle Izeno, nasa malaking peligro si Yzra. And since it's an order from the Pantheon, we can't do anything unless we've decided to break the codex.

I'm just as lost as Arima. I don't know what to do anymore.

"Lora." Agad akong nahatak pabalik sa realidad nang tawagin ako ng kagigising pa lang na si
Arima. Matapos ang komprontasyon niya sa kaniyang ama ay nawalan siya ng malay. Siguro ay dahil na rin sa labis niyang pag-iyak. "Where's Cyllan? Is he okay?" tanong niya gamit ang kaniyang namamalat na boses.

"You don't need to worry about him," I said, trying to calm her down.

"What about his punishment?" Ang kaniyang noo ay nakakunot habang ang kaniyang mga mata ay nababalot ng pag-aalala.

"He can't set foot on to the Alvarezes' ground again, unless the punishment is lifted. But that's all, like I told you, you don't have to worry about him," paninigurado ko sa kaniya.

Inilibot niya ang kaniyang mata sa kuwarto. Sinuri niya itong mabuti, mula sa apat nitong pader hanggang sa kamang kaniyang kinahihigaan ngayon. Ang kaniyang pag-aalala ay agad napalitan ng pagkalito. "This is not my room. Where am I? Where are we?" takang tanong niya sa akin.

"You're on our base, The Parliament's headquarters," panimula ko. "You're banished from Deathstalkers's HQ. Like Cyllan, you can't also set foot on Alvarezes' ground," pagpapaliwanag ko sa kaniya, dahilan upang lumiwanag ang kaniyang mukha.

"That means I'm free from my father's orders, right?" she exclaimed. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago sinagot siya ng isang iling. Mabilis namang napawi ang kaniyang saya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"After you lost your consciousness, Uncle Izeno knew I was listening through your earpiece. Your effort wasn't put in vain, he told me what happened to your sister—" Hindi natapos ang aking sasabihin dahil mahigpit niya akong hinawakan sa aking braso at marahas na hinatak papalapit sa kaniya.

"Where is she? Tell me, where is she?" apuradong tanong niya sa akin. Pinigilan ko ang aking sariling mapairap. This girl still gets on my nerve.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. "Your father told me that the Pantheon ordered Yzra to infiltrate the Lair."

"And he agreed?!" Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga at agad na bumangon.

Frontier HorizonWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu