Chapter XV: Live For The Night

877 69 47
                                    

Chapter Theme:
Live For The Night by Krewella

-

L O R A

Napatingin ako sa relong nakabaligtad na nakasuot sa aking kaliwang pulsuhan. It's already three o' clock in the morning. Still got two hours to go 'clubbing'.

Ito ang unang beses na pupunta ako sa ganitong klase ng lugar ngunit alam kong hindi sila nagpapapasok ng minor de edad sa loob. Habang naglalakad ako papalapit sa bouncer ay dinukot ko mula sa aking dala-dalang itim na pouch ang isang pekeng ID na nagpapakita na ako'y nasa tamang edad na. I'm seventeen, anyways. It won't hurt him if he let me in.

"Pasok," maawtoridad niyang sabi nang makita niya ang aking ID. Napairap na lang ako sa pagkairita. May sarili akong utak at alam ko ang susunod kong gagawin kaya hindi niya na kailangan akong diktahan.

I live for the night
I live for the light
I live for the high
'Till I'm free fallin'

Agad akong napatakip sa aking mga mata nang matapan ito ng makukulay at kumikislap na mga ilaw. Ang amoy ng mga alak at usok ng mga sigarilyo ay naaamoy ko sa buong paligid. Sobrang tapang ng amoy; nakakasakit ng ulo.

Nang masanay na ang aking paningin ay dahan-dahan kong tinanggal ang nakaharang na kamay sa aking mga mata ngunit agad din akong napapikit sa aking nakita.

I am tryna holla
Got that ink upon my collar
Drink until it's nada
Isn't whiskey, I don't bother

Halos ang mga tao rito'y wala sa kanilang tamang pag-iisip. Animo'y mga hayop na nakawala mula sa kanilang mga kulungan. Panay ang kanilang paghahalikan na para bang gutom na gutom. Ganito ba ang nangyayari kung ang utak ay lunod na sa alak?

"Hey, beautiful! Are you alone?" tanong ng isang lalaki. Base sa kaniyang pananalita at paggalaw, isa siya sa mga taong nalulong na sa alak. Halos lahat ng dugo sa aking katawan ay umakyat sa aking ulo nang maramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin.

"Get your filthy hand off me!" sigaw ko't tinulak siya, dahilan upang bumagsak ang kaniyang katawan na namamanhid at nanghihina na gawa ng alak.

"Ooh, sassy. I like that," kumento niya't makasalanan akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Ooh, jerky. I hate that," I replied and step on his foot before moving on. He's just wasting my time.

Ring, ring, hit that up
Show that universal love
If you bleed that red blood
Dance until you get enough

"Can I get you a drink?" tanong naman sa akin ng isa pang lalaki. Saan ba sila nanggagaling? But unlike the other one, he's more sober.

"I'm sorry, I don't drink," mabilis na sagot ko sa kaniya bago siya nilagpasan.

"Hey, wait up!"

"Leave me alone!"

Ima do what I want, whatever
Ima rage 'till the dawn, all nighter
Don't hold your breath
You know I'll sleep when I am dead

Umaliwalas ang aking mukha nang makita ko ang isang pinto ng kwarto. Walang pakudangan ko itong binuksan, inaasahang makikita ko na ang taong hinahanap ko subalit nabalibag ko nang sara ang pinto nang iba ang aking makita. Napakuyom na lang ako ng aking kamay sa inis.

"Yzra... you, queen of mischief! I'll make sure you'll pay!" Kung bakit ba kasi sa dinami-dami ng lugar na pwede niyang pagtaguan ay dito pa ang napili niya?

I live for the night
I live for the light
I live for the high
'Till I'm free fallin'

Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid. Sinubukan kong ilapat ang aking tainga sa susunod na pinto na aking nakita ngunit wala akong masyadong marinig dahil sa malakas na patugtog. Paano ko na hahanapin ang babaeng 'yon sa maingay na lugar na ito?

Habang nagpapalinga-linga, nanlaki na lang ang mata ko nang may isang kamay na nagtakip sa aking bibig. Sisikuhin ko na sana siya at papangahan nang marinig ko ang kaniyang boses.

"It's me, foolish. Don't ever try to freaking hurt me." Nanatili na lang ako sa aking kinatatayuan at hinayaan siyang hilahin ako papasok sa isang silid.

"Don't call me foolish, witch. You still got a lot of bills to pay. Madaming nawala sa akin sa pagpunta ko rito. Paano mo nasikmura ang lugar na 'to, Yzra? You're even younger than me," hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Stop overreacting. You're just a month older than me." Imbis na mainis sa kaniya ay masuri ko siyang sinuri mula ulo hanggang paa. Halos ang buong katawan niya ay balutin sa benda. Idagdag mo pa ang puro hiwa niyang mukha.

"Bakit sa damitan mo iniwan ang sulat? Matagal na sana namin ikaw natulungan kung agad kong nabasa ang liham," tanong ko sa kaniya. Pinanatili kong kalmado ang aking sarili kahit na kanina ko pa gustong ipakita sa kaniya kung gaano ako nag-aalala sa sitwasyon niya.

"I just want to make sure you're all okay before rescuing me. You won't change your clothes until your wound already healed. I'm happy that you didn't brought her with you."

"You seem noisier than the last time I saw you."

"Oh, please. Don't brought that up." Napangiti na lang ako sa kaniyang naging reaksyon. Nanatili mang walang emosyon ang mga salitang nanggagaling sa kaniyang bibig kahit papaano ay natututo na siyang ipahayag ang kaniyang sarili.

"How did you survive?" tanong ko sa kaniya. But this time, I showed her that I'm concerned.

"I got this blood of mine."

"Then why did you hid away?"

"I lost control. If I stay, I'll be punished." Napabuntong-hininga na lang ako. It's just unfair. Bakit si Yzra lang ang napaparusahan? Si Arima ang dahilan kung bakit nagbago ang reaksyon ng Curtain Fall sa katawan ni Yzra. Kung hindi lang siya ipinanganak na premature ay hindi niya kailangang magdusa sa sumpang dala ng Keres' Blood.

"Wanna drink?" aya ko sa kaniya upang gumaan ang hangin na nasa paligid namin.

"I don't drink cheap alcohols," tipid na sagot niya sa akin na hindi ko naman pinakinggan.

"Oh, c'mon! It wouldn't hurt if we taste it," pamimilit ko sa kaniya pero isang iling lang ang natanggap ko mula sa kaniya. "You're such a kill joy."

"I shouldn't be drinking in my state, you, fool."

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now