Chapter XXI: First Move Lose

563 81 29
                                    

L I B B Y

Napakagat na lang ako sa aking kuko habang pabalik-balik na naglalakad sa tapat ng kuwarto ng aking tiyo't tiya. Tsaka ko na lang ipapaayos ang kuko ko kapag naibsan na ang kabang nararamdaman ko. Nasaan na ba kasi si Niana? Bakit ang tagal nilang dumating ni Loris?

"Anna, wala pa ba sila?" takang tanong ko't lalong bumilis ang tibok ng puso nang makita sa relong suot kung ilang minuto na ang nakalipas. Hindi maaaring maulit ang mangyari.

"Inyong ipagpaumanhin ngunit wala pa rin po akong balitang naririnig mula-"

"Libby!" Mabilis akong napalingon sa likuran ni Anna nang marinig ko ang boses ni Niana. Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin. Kasunod niya ang ilan sa aming mga tauhan na may bitbit-bitbit na briefcase.

"Hindi nakita ni Niana si Loris sa mansion ng mga Saiz pero nagkusa si Ate Cadenza at nagsabing tutulungan niya si Niana," pamamalita ni Niana habang habol-habol ang kaniyang hininga. Mula sa kaniyang likuran, lumitaw ang babaeng kaniyang tinutukoy. Ang nakakatandang kapatid ni Loris, si Ate Cadenza.

"Nasaan ang mga pasiyente?" tanong niya habang inaayos ang suot na guwantes. Agad naman akong kumilos at dinala siya sa loob ng silid nila tito't tita.

"Ilang oras na lang ang natitira?"

"Saktong sampung minuto po," sagot ko't pinipilit na iniiwas ang aking tingin mula sa mga magulang ni Niana dahil bumabalik sa aking isipan ang malulungkot na alaala.

"Blood type?"

"Pareho po silang Curtain Fall." Mabilis niyang kinuha ang dalawang bag ng dugo mula sa briefcase na dala-dala kanina ng aming mga tauhan. Ituturok niya na sana ang suwero sa cubital fossa ngunit mukhang hindi yata siya sanay nang may nanonood sa kaniya't tinapunan niya ako ng tingin.

"They'll live, I can assure you that. Kaya kung may iba ka pang gagawin, huwag kang mag-alala't asikasuhin na ang mga iyon," wika niya't pinagpatuloy ang blood transfusion.

Nagmamadali naman akong lumabas ng kuwarto nang matandaan ko ang tungkol sa aklat na parating binabasa sa akin ng aking ina noong ako'y bata pa. Naglalaman iyon ng mga kaganapan noong unang panahon at kung saan nagmula ang lahat. Nakasisigurado akong doon ko matatagpuan ang sagot na hinahanap ko.

"Libby, kumusta raw sina mom at dad?"

"Sumama ka sa akin," pagbabalewala ko sa kaniyang tanong at hinatak ang kaniyang braso.

"Sandali! Saan ba dadalhin ni Libby si Niana?" Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang tapat ng aking silid-tulugan. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ano bang balak ni Libby? Bakit kailangang sumama ni Niana kay Libby?" naguguluhang tanong ni Niana't tiningnan ang pinto ng aking kuwarto.

"Handa na akong ibahagi sa inyo ang nalalaman ko," malabong sagot ko sa kaniya bago binuksan ang pinto't pumasok sa aking silid.

"Maghahalungkat sina Libby at Niana? Hindi ba't laging sinasabi ni Libby na masyadong maganda si Libby para sa ganitong mga gawain?" Napakamot na lang ako sa aking noo.

"Puwede ba tigilan mo muna ang katatanong? At hindi tayo maghahalungkat dahil sa iisang lugar ko lang nilagay ang libro na iyon," sagot ko sa kaniya't nagtungo sa istanteng napapagitnaan ng dalawang malaking aparador.

Frontier HorizonWhere stories live. Discover now