Chapter XLII: The Pantheon

204 38 49
                                    

"WHAT'S TAKING them so long?" pagrereklamo ni Kathnyce habang pabalik-balik ang kaniyang tingin sa kaniyang suot-suot na relo.

"I told you already. If you can't wait anymore, you can leave," ani Loris. Kita sa kaniyang mukha at halata sa kaniyang tono ng pananalita ang pagkairita. Sa katunayan, rinding-rindi na siyang marinig ang hinaing ng dalaga niyang kasama.

"I see. . ." Napatingin ang binata kay Kathnyce dahil sa dalawang salitang kaniyang tinuran. "You really want me to go, don't you? Just what are you hiding from us, Loris?" tanong ni Kathnyce at pinaningkitan ng mata ang binata.

"I have no idea what you're talking about," simpleng sagot ni Loris at nilabas mula sa kaniyang bulsa ang isang balisong at sinimulan itong paglaruan. Isang ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Kathnyce na tila siya'y nanalo sa isang pustahan.

"You know what I'm talking about. That's why you're getting nervous right now," nakangiting sabi ni Kathnyce at tinuro ang balisong na pinaglalaruan ng binata. "So tell me, what's your plan with Alvarezes?"

"You don't need to know," pag-iwas ni Loris sa tanong.

"Seems like you're forgetting something, Loris. Your investigation is part of our plan. And I'd like to clarifyour plan. That means you have to tell us any progress you have made," pagpapaalala ni Kathynce sa binata. Tumikhim si Loris.

"Sasabihin ko sa inyo kapag nalaman na natin kung nasaan si Yzra Alvarez."

Natigil ang kanilang pag-uusap nang dumating ang sasakyan ng kanilang kaibigang si Galen. Kapansin-pansin ang madungis nitong itsura. Nababalot ito ng alikabok at ng mantsang tila putik.

"What happened?" takang tanong ni Kathnyce kay Galen nang makababa ito mula sa kotse. Hindi naman sumagot ang binata at binalingan ng tingin ang tatlong taong kasama niya. Agad namang napansin nina Loris at Kathnyce ang mga kalagayan nito.

"Sinong umatake sa inyo?" tanong ni Kathnyce at sinimulang suriin ang kanilang mga sugat na natamo.

"Cannibals," sagot ni Arima. "Hindi ko alam kung paano. But they already managed to pass through the barrier. They already broke the Frontier Horizon."

"Are you alright?" nag-aalalang tanong naman ni Loris. Tumango naman si Arima bilang sagot.

"I. . . I got scared. Galen stayed with me. Only the two of them fought the cannibals."

"Did they manage to scratch you with their claws?" tanong ni Kathnyce. "If that's the case, we have an infection to deal with."

"No," tugon ni Lora. "They're armed. Gumamit sila ng maliit na patalim," dagdag pa niya, dahilan upang mabalik sa isipan ni Kathnyce ang sinabi ni Libby noon.

'There's something odd about the cannibals that Niana and I fought. Somehow. . . they can talk. They can speak.'

"At least we've got one less thing to worry about," ani Kathnyce. Alam niyang darating din ang panahon na kailangan nilang sabihin sa mga Alvarez ang kanilang nalalaman. Pero hangga't 'di pa dumadating ang panahon na iyon, ititikom niya muna ang kaniyang bibig.

"And we've finally meet, Schaeffer," nakangising sabi naman ni Lora. Matagal niya nang gustong makilala sa personal ang tagapagmana ng Bloodcatchers dahil bukod sa natatangi nitong kaugalian, mayroon itong nakaraan na nababalot ng misteryo. "I really appreciate you being here and the time you've given us."

"There's no need to be formal, Miss Bourbon. But I must admit, I almost regret coming here, for I thought it's just a waste of time."

"We don't have time. We better get moving," pagputol ni Loris sa humahaba nilang usapan at sinimulang ipamahagi ang mga baril na magsisilbing kanilang mga armas sa pagpasok nila sa Pantheon.

"I don't think this is a good idea," kinakabahang saad ni Arima. "Mahirap ang mga taong babanggain natin at aanim lamang tayo."

"Well, do you have a better idea?" Bakas ang pagkairitable ni Loris sa kaniyang boses.

"Actually. . ." singit ni Lora. "I think I do."

- X -

"We're really sorry for coming here in a short notice, Miss Nyrele," saad ni Lora habang sinusundan nila nina Loris at Kathnyce ang isang dalagang halos kaedaran lamang nila. Nakasuot ito nang pangpormal na damit, ngunit ito'y paniguradong armado.

"It's completely fine," sagot naman nito sa kaniya. "Unfortunately, my dad's pretty busy right now, so you'll only be able to meet my eldest sister today. Is that alright with you?" tanong nito sa kanila.

"Of course."

"We know about the cannibal sighting within the Frontier Horizon, right? We're going to use that information in our advantage," panimula ni Lora.

"Do you think that will let us in?" may pagdududang tanong naman ni Loris.

"Yes. But since there's no event happening, we'll be likely be escorted."

"Are you suggesting to divide our team?" tanong naman ni Kathnyce habang nanatili ang kaniyang tingin sa suot-suot na relo.

"Exactly. Besides, six of us reporting one incident will be surely suspicious." Nagsimulang magpabalik-balik ng lakad si Lora. Napahawak siya sa kaniyang baba. "When I was younger, I noticed a breach in Pantheon's security system. If they're still not fixing it, we can infiltrate their building by going to the side. You think you can check that, Da Silva?"

Tinanguan nilang tatlo ang isa't isa.

"Well, here we are," pamamalita ng dalaga nang matapat sila sa pintuan ng opisina ng pinakamatandang tagapagmana ng mga Ansatsu. Kumatok muna siya nang tatlong beses bago binuksan ang pinto. "You have visitors, Acelet."

"What brings you here?" Isang malamig na boses ang bumungad sa kanila. Mula sa kinatatayuan nilang tatlo ay matatanaw ang anino ng isang dalagang nakatalikod.

"Greetings, Miss Acelet," pagbati ni Lora, dahilan upang humarap ang babaeng nakatalikod. Itinuon nito ang kaniyang tingin sa kaniyang kapatid na naghatid sa kaniyang mga panauhin.

"You may leave, Nyrele." Matapos makaalis ang kaniyang kapatid sa kaniyang opisina, binaling niya ang kaniyang atensyon sa tatlo. "You may speak."

"We're here to report about a cannibal sighting within the Frontier Horizon," ani Kathnyce at lumapit sa mesa ni Acelet upang ilapag doon ang flashdrive na nalalaman ng kanilang report tungkol sa nabanggit na insidente.

"I see. Rest assured that the Pantheon will take a look on it," sagot naman ng pinakamatandang tagapagmana ng Ansatsu at tinago ang flashdrive sa bulsa ng suot niyang amerikana. "But I presume you have another reason to visit me?"

"No, that's all. Thank you for your time, Miss Acelet. We'll take our leave."

"Really? But your colleagues here stated otherwise." Natigilan sina Lora, Loris at Kathnyce sa kanilang kinatatayuan nang makita nila ang tatlo nilang kasama na nakaposas.

"Apologies. We got caught."

-

Hi there! It's me, Dakureimi. I know it's been a long time and I want you to know that I really appreciate your patience.

As always, thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

OCTOBER 5, 2021 UPDATE
Not edited

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon