Chapter XXXVIII: The Good Daughter

227 37 6
                                    

A R I M A

"Gising ka na pala, Arima. How's your sleep?" nakangiting tanong sa akin ni dad nang ako'y kaniyang mapansin. Katatapos niya lang tanggapin ang isang tawag at base sa aking mga narinig, tungkol lang ito sa aming negosyo rito sa loob ng siyudad.

"What are you doing here, dad? Nahanap niyo na po ba si Yzra?" tanong ko pabalik sa kaniya, pagbabalewala sa mga salitang kaniyang tinuran. Nawala naman ang ngiti sa kaniyang labi—sumeryoso ang kaniyang mukha at umigting ang kaniyang panga.

Sa pagkakataong ito, dapat ay kinakabahan na ako't natatakot. Ngunit iba ang araw na 'to. . . Masama ang aking gising at wala akong panahon upang damdamin ang mga negatibong emosyon ngayon.

"Not yet, but I'm already working on it. P'wede bang huwag muna nating pag-usapan ang kapatid mo?" Nagtungo siya sa kusina't umupo sa isang stool. "Halika't samahan mo ako ritong mag-almusal. Ipinagluto kita ng paborito mong ulam," aya niya pa't sinimulan akong ipaghain.

"Hindi na po dapat kayo nag-abala pa, dad. Busog pa naman po ako. . .lalong-lalo na sa mga kasinungalingan niyo." Agad siyang natigilan. Hindi man bakas sa kaniyang mukha ang gulat, alam kong lubos siyang nabigla sa aking mga sinabi. Ito ang unang beses na pinagsalitaan ko siya nang ganito, at hindi man ito isang magandang pag-uugali, nakaramdam ako ng ginhawa matapos kong bitawan ang isang pangungusap na iyon.

"Anak. . .hindi ko nais na magkasira tayo dahil lang sa iyong kapatid kaya pakiusap—"

"Then do something, dad," pagputol ko sa kaniyang sasabihin. "Hindi 'yong pinigilan at sapilitan niyo po kaming pinatulog kagabi tapos hahayaan niyo lang malagay sa alanganin si Yzra."

"Ginawa ko 'yon para protektahan kayo, pati na rin ang tagapagmana ng mga Saiz." Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nagpakawala ng isang sarkastikong tawa.

"You care for other's child while you can't even care for your own?"

"You know nothing, Arima." Tumayo siya mula sa stool at ako'y nilapitan. "I won't tolerate your disrespectful behaviour. I hope you're prepared for the consequence." He was about to leave the penthouse when I spoke again.

"Alam niyo bang pagod na pagod na ako, dad? Lagi na lang akong naiipit. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko laging manimbang sa inyo ni Yzra. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong pumili sa inyong dalawa." Ang boses ko'y nagsimulang pumiyok sapagkat pinipigilan ko ang pag-agos ng aking mga luha. "Why can't I just be a good daughter and a good sister at the same time?"

"Wala kang alam." My father didn't shout, but his tone was enough to make me feel his irritation.

"Kung gano'n ay bakit hindi niyo ipaalam sa akin? Hanggang kailan niyo ba balak gawin akong mangmang at ignorante? Ang dami niyo nang pinagkait sa akin." Ilang beses kong hinampas ang aking dibdib gamit ang aking nakakuyom na kamay, nagbabaka sakaling maibsan nito ang aking nadadamang poot, ngunit wala itong epekto.

"Because of you, I grew up lonely. You took my bestfriend, my partner—my sister away from me." Nanginginig akong humakbang papalapit sa aking ama. "Because of you, I became a weakling. You intervened whenever I trained with Yzra, my only opponent that is worthy."

"That's enough, Arima!" malakas na bulyaw ni dad, at aaminin ko, sandali akong napatigil pero hindi pa ako tapos. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy.

"Because of you, I hate myself. At times like this, you always make me feel so useless, trapped. And because of those reasons. . .I despise you." Halos mawalan ako ng malay sa lakas ng pagtama ng kaniyang palad sa aking kaliwang pisngi. Natumba ang aking katawan sa labis na panghihina.

"I said enough!"

"Why, dad? When I told you to stop hurting Yzra, did you stop? You didn't, right? So why should I hear you out if you don't do the same?" sumbat ko sa kaniya habang hawak-hawak ko ang aking pisnging namimintig pa rin sa sakit.

"This is the end of our conversation. We'll never talk about this again," mariin niyang sabi bago muling tumalikod sa akin. "Velasco, make sure they won't leave this penthouse until I say so. Kapag nagawa nila kayong takasan, alam mo na ang mangyayari," bilin ni dad sa aming tauhang nakatayo malapit sa asensor.

"No, dad!" sigaw ko ngunit nagpatuloy lamang siya sa pagsakay sa asensor. Yumuko naman si Velasco bilang tanda ng paggalang sa emperador ng aming organisasyon.

"As you wished, Your Majesty."

- X -

"Ano naman ang nais ng butihing anak at napadayo ka pa rito sa aking kuwarto? Hindi ba dapat nagtatago ka ngayon sa likod ng iyong ama?" ani Lora nang pumasok ako sa kaniyang silid-tulugan. Kagaya ng aking inaasahan, naabutan ko siyang tutok na tutok sa paggamit ng kaniyang laptop.

"You're looking for Yzra, aren't you?" tanong ko sa kaniya, umaasang sasagutin niya ako ng 'oo'. Sa oras na 'to, siya na lang ang pag-asa ko. Kung pagbabawalan pa siya ni Tito Loren, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"If you're here to stop me, I'd rather break the codex and kill you, your father and that Kathmana," pagbabanta niya habang binabalatan ang isang lollipop. Napailing-iling na lang ako.

Hindi ko siya masisisi kung ganito ang pakikitungo niya sa akin. Bukod sa matagal akong nabubulag-bulagan sa katotohanan at nagsunud-sunuran, alam kong masama ang kaniyang loob sa nangyari kagabi. Knowing Lora, she must have felt cheated and betrayed when they shot us with the only tranquilizer we're not immuned of, Hypnos (made by Duchess Kathmana).

"Why are you still here? Do you badly want to die in my hands?" Sinubo niya ang lollipop at kinuha ang isang desert eagle mula sa ilalim ng kaniyang unan. Walang pagdadalawang-isip niyang itinutok ang baril sa akin. "Leave."

"No, I'm not going anywhere," sagot ko sa kaniya't umupo sa lapag, sa kaniyang tapat. "We're going to find Yzra. I'll help you find my sister."

-

Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

October 26, 2020 UPDATE
Not edited

Frontier HorizonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon