Chapter 6

3.1K 75 70
                                        

Chapter 6

"D sagot sa 14 at 15 'di ba? Sabi ni Mayor, C daw sa 15!" sabi sa'kin ng katabi kong si Ron na naka-paglibot agad.

"C nga. Wala sa materials natin, diniscuss lang ni Ma'am last time," sagot ko sa kaniya.

Napakamot naman sa noo si Ron. "'Di ako nakinig!"

Napatikom pa ang bibig ko nang sumigaw si Kayi para hindi makatakas ang cleaners.

"Hoy! Sige subukan niyo umuwi, 'yung mga pumirma lang dito sa papel ang ilalagay ko sa attendance ha! Morales! 'Yung basura!"

Sinenyasan ko lang si Kayi na uupo muna ako sa may unahan habang hinihintay siya. May usapan kasi kami nina Dani na kakain pagkatapos ng exams.

Habang nagre-retouch ako ay tumabi sa akin si Ron na naglalaro ng kung ano sa cellphone niya imbis na sundin si Kayi sa pagtatapon ng basura.

"Daiyu, anong molecular formula ng hydrofluoric-"

"Inang 'yan, Ron. Ano? Nage-exam ka pa rin? Magba-bakasyon na, ah. Kayi, tara na! Papantayin mo pa 'yan isa-isa? Gutom na 'ko!" biglang-sulpot ni Dani galing sa pinto sa harap.

Ron groaned and closed his phone before getting the trash. Ilag kay Dani dahil may gusto siya rito. I grinned when I saw him widened his eyes at me as he exit the room.

"Problema no'n? 'Di na nakikipag-chikahan sa'kin," sabi ni Dani sabay upo sa tabi ko.

"Ang plastic mo raw kasi," sagot sa kaniya ni Kayi.

"O? Sabi sa'yo?" pambabara naman ni Dani pabalik.

Nag-asaran pa sila hanggang sa i-lock na namin ni Kayi iyong mga pinto ng room.

"Pabida na naman 'yung friendship niyo, tinakasan ko nga, e. Bahala siya mag-check do'n, ang dami-dami pa naman," pagrereklamo ni Dani habang nakaupo kaming tatlo sa may waiting shed, hinihintay si Jiro.

"Sumama ka sana tapos sinabi mo na may lakad pa kayo. Ewan ko ba sa'yo, Dani. Common sense, kita mong 'di makatanggi 'yung isa." Umirap ako sa kaniya.

"Ayoko nga! Panay naman ang utos do'n sa faculty. Ba't 'di ikaw?"

"Why would I?"

"Nag-away pa nga. Manahimik na kayo. Pareho naman kayong walang haligi ng tahanan," sabat ni Kayi na nakapagpatahimik sa aming dalawa ni Dani. Where did that come from?

"Minsan, Kayi, gusto kong paputukin 'yang nguso mo," Dani said.

Nang dumating si Jiro ay agad na kaming dumiretso sa sikat na kainan ng mga estudyante malapit sa may school namin.

I ordered a slice of pizza and Chicken Alfredo pasta. They are unhealthy, but I think I deserve to eat something I like after our consecutive hell weeks. Panay java rice naman ang sa tatlo pati burger steak na may unli gravy.

"Wait! Picture-an ko lang. Dani, bakit may kagat agad 'yan? God!"

"Tanginang 'yan, ita-tae rin naman, pipicture-an pa. Bilisan mo!"

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakatulala lang silang tatlo sa akin. Mabilis akong kumuha ng pictures naming apat at ng mga pagkain.

We had a brief catch-up session because we didn't go out together for weeks. Na-bring up na naman ang planong course at school sa college kaya hindi pa ako maka-relate.

Ironic how I was always certain of my scores in my exams but can't envision a future for myself. What program will I choose? What will be my future career? Will I die before I reach the age of 25? Do I have to plan it all out? Will everything turn out just fine? I don't know anything. But God knows I hate being stuck when I've been programmed to move forward all my life.

Running the Risk (Nightfall Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin