Chapter 13
"Pa’no ba ‘yan, baka p’wede na ‘ko uminom ng alak," mayabang na sabi ni Dani habang nakasandal sa upuan at may hawak na bote ng tequila.
Ngumiwi naman ang napadaan na si Kayi, namumula na. "Tanga, kahit ‘di ka pa naman 18, manginginom ka na talaga. Sige, ubusin mo ‘yan mag-isa nang makita mo ang hinahanap mo."
Tapos na ang party at kami-kami na lang ulit ang natira. The boys were drinking liquor while laughing about something. Matcha lang iyong iniinom namin ni Ate Rae dahil may appointment pa raw siya bukas. As for me, I can only drink mocktails.
Binara ni Dani si Kayi pero nginisian lang siya nito paalis.
We’re still in the garden. Mahina pa ring tumutunog ang speakers pero patay na naman ang party lights.
Binalingan ulit kami ni Dani at saka nilakihan ng mga mata.
"Ano na, Daiyu? Uminom na tayo! Ate! Ano? Para naman kayong dumayo ng café niyan. Matcha, puta," reklamo nito sa amin habang masama ang tingin sa inumin.
"I don’t like the smell, Dani."
"I told you I can’t drink tonight, Dani. Simula na ng clinical internship ko bukas," litanya ni Ate Rae habang nagi-scroll sa phone niya. She’s really busy these past few weeks. Graduating na rin kasi.
Dani’s face crumpled. She put the bottle of liquor on the table.
"Ba naman ‘tong mga ‘to. Do’n nga ‘ko kina Jiro," sabi nito sabay tayo.
"Drink responsibly, Dani," paalala ko pa pero tinaas niya lang ang isang kamay at pumunta na sa table ng mga lalaki.
Napatingin ako ro’n. They were with two other guys from San Pablo. Mga kaibigan nina Rivo at Kuya Aries.
Nagtama ang paningin namin ni Rivo. I looked away. Ilang linggo kaming ‘di nagkita at minsan lang din ako nakakapag-reply sa kaniya.
They drank the whole night while Ate Rae and I took an exit a little bit earlier. Nakapag-wash up na ako sa kwarto ni Dani at nagp-phone lang. Someone knocked on the door.
It revealed Chico. Inaalalayan si Dani na lasing na. May bakas pa ng suka ang damit!
"Oh my god, Dani!"
Ngumiwi naman si Chico at tumingin sa akin. "Ikaw na bahala rito, Daiyu. Shit, bagsak silang apat, e. Patulong!"
I glared at him, but he looked at me defensively.
"What? Hindi ako naglasing d’yan. Pinayagan ni Aries, e. Grabe ka naman po."
Agad kong inalalayan si Dani at tinulungan naman ako ni Chico.
"Kuya Aries won’t allow that. I’m sure you, guys—No! Hindi sa kama, sa couch!"
"Wait lang kasi!"
Pumihit kami palapit sa couch at nilapag si Dani doon nang may biglang nagsalita.
"Daiyu, d’yan mo nga rin ‘to. Hahatid ko ‘yung dalawa," tatawa-tawang bungad ni Kuya Aries na pulang-pula na rin habang nakasampay ang braso ni Rivo sa kaniya.
Napamura si Chico at saka nilapitan ang kaibigan niya.
"Sa kama ba-"
I cut Chico off. "Sa carpet! He stinks! Kuya... you’re almost drunk, too. Hindi ka na pwede mag-drive."
Nilapag nila si Rivo sa carpet. Rivo groaned and embraced Chico’s leg.
"Putangina naman..." bulong ni Chico, inangat pa ang leeg para huminga nang malalim. Kuya Aries chuckled but he stopped midway because Tita Daisy showed up. Humingi ito ng pasensya kay Chico at pinagsabihan si Kuya Aries.

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...