Chapter 50

2K 49 12
                                        

Chapter 50

I woke up the next morning with him watching me while I was hugging his chest. I just felt something on my stomach.

Sa pagkakagulat ko ay napalayo agad ako. Bumaba ang tingin ko sa shorts niya. Namilog lalo ang mga mata ko. What the fuck?

May sariling tent siya roon! What’s the purpose of his empty tent platform if his huge tent is right here?

My face turned crimson red when he turned pale as he was covering it.

"‘Wag na tingnan, Daiyu. Please."

"Bring it back to normal, Rivo!"

"Huh? Eh sa ganiyan naman siya. Ginawang filter naman nito."

"‘Wag kang lalabas nang ganiyan ‘yan!"

Dumagundong ang tawa niya kaya binato ko siya ng unan. What a way to start the morning. Sinabihan niya lang ako na bibili muna siya ng breakfast namin at sabay raw kaming uuwi.

Naligo ako kaagad para maghanda sa pagliligpit ng mga gamit. Halos sabay pa kaming lumabas ni Rivo sa C.R., o baka hinintay niya talaga ako dahil nasa labas na siya at nag-aabang.

"Ang ganda mo, Daiyu. Pwedeng pahingi ng number mo?" tanong niya sabay labas ng cellphone.

Umirap ako. "Is this serious?"

"Oo, se-send ko sa’yo picture ng menu tapos pumili ka ng gusto mo. Pagbalik ko, tulungan kita sa pagliligpit. O."

Nilahad niya ang cellphone sa harap ko. I blushed profusely when I saw his lock screen. Picture namin iyon noong graduation niya.

I typed in my number.

"Salamat. Alis muna ako, ‘wag mo ‘kong takasan, ah."

Inirapan ko lang siya ulit bago kami naghiwalay. I started packing my things up. Nang dumating siya ay kumain muna kami.

"How much is this again? Babayaran na lang kita."

Tamad niya akong tiningnan. "Libre lang. Girlfriend kita."

"What? Naintindihan mo ba talaga ‘ko kagabi? I can’t fully commit to you yet."

Nagkibit-balikat siya. "Alam ko, pero para sa’kin, girlfriend kita at magpapaka-boyfriend pa rin ako sa’yo."

I rubbed my temple. "At ano ka sa akin? Friend?"

Umiling-iling siya at umangat ang gilid ng labi. "Kahit ano pa ‘yan, ayos lang."

"Then, you shouldn’t act like my boyfriend yet. Kaya babayaran kita."

Sumimangot siya. "O, e ‘yan ‘yung sa’yo. Iba naman ‘yung akin, ‘di ba? Girlfriend pa rin naman kita. Ako na kasi. Gulo mo, ah."

Natigilan ako dahil biglang sumakit nga ang ulo ko sa label namin. He’s my friend, but he’s acting like a boyfriend.

"‘Wag mo na isipin, basta gawin mo lang ang gusto mo."

"Pero anong sasabihin ko kay Dani kapag nagtanong siya? Ang kapatid ko pa, Rivo..."

Napakamot siya sa noo. "Edi, manliligaw na lang kasi hinihintay pa naman kita."

Napakurap-kurap ako.

"Kahit ano pang tawag d’yan, ayos lang. ‘Wag ka na mag-isip masyado."

Mas lalo akong nahilo sa sinabi niya. Humagalpak siya ng tawa dahil sa pagngiwi ko.

"Okay, then. It might get a little rough with Dani and my brother. ‘Wag kang pupunta lagi rito, ah! I need a lot of ‘me time’ for studying and you, for working."

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now