Chapter 60

2.6K 53 30
                                        

Chapter 60

RIVO

Hindi ako relihiyosong tao, pero walang araw na hindi ko ipinagdarasal ang pagiging maayos ni Daiyu.

Binibisita ko rin si Tita Bella para balitaan siya sa mga nababalitaan ko lang din namang improvement ni Daiyu. Kaya naman nung tinanong niya ako tungkol sa Martial Arts isang araw, para akong bangkay na bumalik sa pagka-buhay.

Hindi alintana sa akin kung malapit siya o malayo, o kung masusuklian niya ba ang nararamdaman ko. Puta, sa sakit ng mga pinagdaanan niya, iisipin ko pa ba ’yon? Gusto ko lang siyang maging masaya ulit.

Pero ako ata ang sumaya nang husto nung nalaman ko ang kondisyon ni Tita Precy sa pagpayag na mag-move out siya. Sa tabi raw ng apartment ko titira. Kapit-bahay ko na. Mas malapit ako, mas matututukan ko ang seguridad niya.

Pinapangako ko talaga na hindi siya makakaramdam ng matinding lungkot at pangungulila habang nasa tabi niya ako. Aalagaan ko siya kagaya ng pag-alaga sa kaniya ni Tita Bella. At sasamahan sa bawat bagay na gusto niyang gawin.

Tinigilan ko ang paninigarilyo dahil bukod sa ayaw kong mamatay nang maaga, parang kasalanan din na dudumihan ko ang hangin na malalanghap niya sa apartment namin.

Hindi sumagi sa isip ko kahit kailan na makakasabay ko siya kumain tuwing umaga at gabi, makakausap ko siya nang mas matagal, matutulungan sa mga gawaing-bahay at masusundo sa school kada uwian. Ang saya pala gumising araw-araw at gawin lahat ng iyon kasama siya.

Humalakhak si Chico. "Daddy duties."

Nabura ang ngisi ko. "Tanginamo."

"O, bakit? Ayaw mo ng daddy? Para ka namang tiyuhin niyan o ‘di kaya mapag-malasakit na kapit-bahay-"

Kumunot ang noo ko. Laging sumusulpot ‘tong kupal na ‘to para lang tarantaduhin ako.

"Deadma lang sa mga inggitero."

Pagak siyang tumawa. "Anong kaiinggitan sa’yo? Paka-tanga mo naman. Ikaw ang pinaka-malapit ngayon kay Daiyu tapos hindi ka pa rin nakakaamin? Dalawang salita lang, puta, parang walang bibig, e. Takot ka ma-basted ‘no?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Saan ba utak mo? Hindi pa siya handa sa mga ganito-"

"Baka ikaw... Excuses mo, huy. Kaya wala kang asenso, e. Ayaw mong subukan muna umamin. Tangina ka, high school pa ‘yan, ah. College na kayo! Kailan ka gagalaw? Kapag pamilyado na? Bobo amputa."

Napatigil ako sa paghihiwa ng baboy. Ngumisi siya. Nag-iwas ako ng tingin.

Ayoko pa talaga umamin dahil baka magmukha lang na pinagsasamantalahan ko na nakatira siya sa tabi ng apartment ko, magkaibigan kami at madalas kaming magkasama. Eh kung tagain ko na lang kamay ko ngayon para hindi na ako magpadala sa sulsol ni Chicago?

"Nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi ikaw ang binasted agad kahit ‘di pa nanliligaw. Iniwasan nga ako ‘di ba? Maiilang siya ulit sa’kin kapag diniretso ko pa. Lalayuan ako no’n..."

"’Di ‘yan, ako bahala sa’yo."

Doon nagsimula ang bulok at walang kwenta niyang plano ng pag-amin ko kay Daiyu. Ang ganda ng pagkakalatag niya ng mga salita kaya na-imagine ko talaga. Sa huli, nauto ako kasi kapangyarihan ata ng taong ‘yon ang mangumbinsi. Syempre, palpak. Bobo ‘yon, e. Pero tangina...

"Gustong-gusto kita, Daiyu. Lahat lahat sa’yo," pag-amin ko. Mahal ko nga kasi. Kaso baka magulantang na naman at iwasan ako.

"Uh..." Tumigil siya saglit. "O-okay. Thanks?" hindi siguradong sabi niya.

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now