Chapter 38
Sumapit ang umaga at pagkalabas ko ng pinto ay agad akong natigilan. Rivo was sitting on the floor while sleeping. In his lap was a first aid kit. I felt something painful attacking my chest.
Napalunok ako at nagsimulang lagpasan na lang siya.
If he wakes up, he’ll insist on treating my wounds. He’ll apologize again. He’ll ask me what happened. I will lose my focus. Matatagalan lalo ako na makapasok.
Nagpatuloy lang ako sa paghakbang.
It’s okay, Daiyu. You are busy. You can’t be bewildered now.
"Shit..." halos manginig kong mura sa sarili.
For a moment, it reminded me of a familiar scene from a local movie.
Napapikit ako nang mariin. Hindi pa ako nakakalayo ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na pabalik sa apartment para kumuha ng kumot. Dahan-dahan ko iyong inilagay sa kaniya bago ako umalis para mag-exam.
Because unlike the female lead from that movie, I will always prioritize my future. Like how I also want him to do so. May ibang araw para mag-usap kami. May tamang araw para magpadala ako sa emosyon.
Pagkatapos ng exams ay dumiretso ako pauwi. Sumabay pa sa akin si Ron kaya nanibago ako dahil hindi naman kami nagsasabay kung wala si Rivo.
Akala ko ay hanggang sa labas lang siya pero sumunod pa rin siya sa’kin hanggang nakapasok na ako sa loob.
My heart hammered in my chest when I heard noises on the 2nd floor. Nagkatinginan kami ni Ron. Nagmamadali akong umakyat at agad na nanlaki ang mga mata nang makitang sinapak ni Dani si Rivo. Nakikiawat ang mga kapitbahay naming units at napapasapo na sa dibdib ang landlady. Kumalat ang lamig sa tiyan ko.
"Tanginamo, Rivo! Pinagkatiwalaan kita!"
Napamura si Ron at pareho kaming patakbong pumunta roon. Tumama ang paningin ni Rivo sa akin. Marami siyang natamong sugat kay Dani. He probably let her punch him.
"Dani!" sigaw ko.
Dani harshly dragged her arm from the people who tried to get a grip of her. Tinanguan ako ng mga ito nang hawakan ko si Dani sa palapulsuhan. Nanginginig ang kamay niya at taas-baa ang dibdib sa paghahabol ng hininga.
Dinaluhan naman ni Ron si Rivo.
"Dani, stop it. Please," bulong ko sa kaniya.
Nang tapunan niya ako ng tingin ay inilingan ko siya. Her eyes were bloodshot. Galit na galit siya at parang hindi makakalama. Her gaze gradually softened when she saw my eyes swarming up with tears.
"Hay nako kayo, Daiyu! Pangalawang araw niyo na ‘tong nagkakagulo rito, ha! Kung hindi niyo pa maaayos ‘yan, mapipilitan akong paalisin kayo rito. Nakakapamerwisyo na kayo ng mga tenants! Ayusin niyo ‘yan, jusko! Sumakit ang dibdib ko..." sabi ng landlady bago umalis habang akay-akay ni Lola Chayo.
"S-sorry po..."
Malungkot lang akong nginitian ni Lola Chayo. Nagsialisan na rin ang mga kapitbahay kaya kaming apat na lang ang naiwan sa hallway. Pinaakbay ni Ron si Rivo sa balikat niya.
"Sa’n?" Ron mouthed.
Rivo tried to moved away from Ron. Tumingin siya sa’kin.
"Ako na..."
Mag-isa siyang pumasok sa apartment niya. Umawang ang labi ni Ron at takang-takang tumingin sa akin at kay Dani.
"Tara na, Daiyu. Ayokong makita ang pagmumukha ng tarantadong ‘yon. Tangina niya. Bilis, doon tayo sa loob ng apartment mo."

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...