Chapter 20

2.4K 63 47
                                        

Chapter 20

Tita Precy, Ate Martha and Dani assisted me in packing my things. Kaunti lang naman ang gamit ko rito sa bahay nila pero maingat akong tinanong ni Tita Precy nung nakaraan kung pwede niya raw ba ipakuha ang ibang mga gamit ko sa bahay ni Tita. I thought about it thoroughly before I finally I had the courage to agree.

Nakita ko ang isang picture frame sa kwarto ko. It was a picture of Tita with me and my friends.

Malungkot akong ngumiti. I miss her a lot. Siguro kung nandito siya ay hindi matatahimik ang kwarto sa kapapangaral niya sa’min ni Dani.

"Hoy! Ano ‘to? Love letter? To Daiyu Verity Sy... From Rivo pogi. ‘La! May pa-smiley face pa si bobo!" halakhak ni Dani sabay wagayway ng sobreng gawa sa bond paper at may drawing ng mga hearts gamit ang pulang crayons.

My eyes widened in shock. Natigilan pa ako kaya hindi ako nakakilos agad.

Dumagundong lalo ang lakas ng tawa ni Dani na halos maglupasay na sa kama nang buksan iyon.

"Ano ba ‘yan, Dani! Para kang inaasinang uod d’yan!" saway ni Tita.

Tinakbo ko ang distansya namin ni Dani at inagaw ang letter ni Rivo.

"Putangina! Legit ba—Hoy! Wait lang! ‘Di ko pa tapos basahin!"

Pagkakuha ko ng letter ay agad ko iyong inilagay sa bulsa ng sleepwear ko.

"Dani, ano ba. Grade six pa siya nito. Hindi naman ‘yan seryoso," sabi ko sa kaniya sabay sinamaan siya ng tingin dahil lumolobo ang pisngi niya kapipigil ng tawa.

"Kahit na! Bakit ‘di mo sinabi sa’kin? Ano ngang sabi? ‘Dear Daiyu: Happy Valentiens Days! Gusto ko lang aminin sayo na crush kita sa lahat ng mga babae.’"

Tumigil siya sa pagsasalita dahil nanginig na ang boses sa pagtawa. "Valentiens, ampota! Bobo! Sa lahat ng mga babae raw. Mali pa spelling ng crush! Ang sakit... ng tiyan ko!"

Narinig kong tumawa rin sina Tita Precy at Ate Martha.

"Dani, tigilan mo nga ang kalalait d’yan kay Rivo! Nag-aaral na naman ‘yan nang maayos."

"Ma! Nagka-crush pala kay Daiyu nung elementary kami. Ang lakas ng loob. Pinapahiya niya ang mga Jereos," natatawang sabi ni Dani.

"Oh my god, don’t bring it up anymore."

"Naku, Danielle, parang hanggang ngayon naman..." natutuwang sabi ni Ate Martha na halos ikaluwa na ng mga mata ko.

Nanlamig ang mga kamay ko sa kaba. Why are we talking about this?

Dani puffed her cheeks out. She drew close to me to whisper. "Hanggang ngayon ba? Tangina, ‘di ko napansin!"

Napakurap-kurap ako. "Ano? Hindi ko alam! Ang tagal na niyan, Dani."

Napaupo ako sa couch at napasapo sa noo. Nakatikom pa rin ang bibig ni Dani nang sulyapan ko at nagpipigil ng tawa.

"‘Wag mo ipang-aasar!" singhal ko sa kaniya.

She feigned innocence. "Ang ano? Wala akong binabalak, tanga."

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya dahil bumababa pa lang kami sa kotse ni Tita Precy ay panay na ang pag-ngisi niya mag-isa.

I’m not sure if I should take her at her words because she’s already sporting a smirk as we step out of Tita Precy’s car.

I pinned her with a scowl.

Bumaba si Rivo sa parking lot kasama ang landlady. Nang lingunin ko si Dani ay kinukusot na nito ang ilong.

Nag-usap si Tita Precy at ang landlady bago kami pinasunod sa loob.

Running the Risk (Nightfall Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora