Chapter 52
It was a rough semester. But when I survived my third year in med school, I swiftly moved on to my clerkship. It was tiring even during my 12-hour shift. Pinapangpalubag-loob ko na lang na huling taon ko na naman sa curriculum namin at kaunti na lang, magiging doktor na rin ako.
"Actually, gina-gaslight lang natin ang sarili natin kasi may internship pa tayo next year at board exam. Tangina, ano ba kasi ’tong pinasok ko!" reklamo ng isang kagrupo ko sa rotations.
Si Charmaine lang ang naging kagrupo ko at nagkahiwa-hiwalay na kami nina Lia.
"Ay ‘te, kung ayaw mo na, hala sige, sayangin mo tuition mo at tumambay ka na lang sa bahay niyo," sabi ni Charmaine sabay abot sa akin ng paper bag. I looked at the paper bag and accepted it even if a bit skeptical.
I heard my groupmates reacting to Charmaine.
"Bumili na kayo? Magkano? Babayaran ko na lang."
Nilingon niya ako. "Gaga! Pinapaabot ni pogi, lunch mo raw. Sabi niya ‘di ka na raw niya palalabasin, kumain ka na lang daw," bulong niya sa’kin.
At sa ilang buwan ko sa pagiging clinical clerk, bibihira ko na rin mabigyan ng oras sina Dani, Rivo, Denver at iba ko pang kaibigan. Tuwing uuwi kasi ako ay puspusan pa rin ang pag-aaral ko o pag-aasikaso naman ng negosyo. Rivo’s just consistently sending me lunch or dinners depending on my schedule. Madalas nga ay naaawa na ako sa kaniya dahil bibisita lang siya ng weekend para makita lang ako saglit.
The whole journey of my clerkship was a total roller coaster ride. It was tiring, physically, and mentally draining, but fulfilling at the same time.
Ang daming beses kong nagkamali, nakatanggap ng masasakit na salita, halos maputol ang pasensya sa pasyente at kinwestyon ang sarili kung ipagpapatuloy ko pa rin ba. The environment was kind of toxic. May iilang mga namamahiyang doktor, pero marami rin namang tutulungan ka talagang matuto kahit na istrikto. It gave me series of breakdowns. But I pushed through until I was molded to be strong enough to not take everything personally.
Dahil ang career na pinasok ko ay hindi tungkol sa akin, tungkol ito sa mga pasyente na dapat bantayan, gabayan at unahin. There’s no space in being a crybaby in this industry.
Pero sa huling pagkakataon, hindi ko na napigilan na umiyak sa teammates ko nang makumpleto na namin ang clerkship sa taong iyon.
Once, I cried to Rivo because I felt humiliated by my professor for the score that I got. But now, I am widely smiling with my teammates because we’re leaving the school, the hospital for the meantime, finally exiting our roles as clinical clerks and medical students.
"G-graduate na ba talaga tayo? Feeling ko dapat nag-e-endorse pa tayo sa sumunod na grupo, e," pagbibiro ni Charmaine.
"Same thoughts! At saka ‘te, ‘di pa humuhupa ‘yung eyebags ko, sinabak agad ako nina Mommy sa photoshoot. Jusko, mukha akong zombie ro’n!" reklamo pa ni Lia.
"Congratulations, Charm," bulong ko sa katabi habang nag-iingay ang mga kasama.
"Aba! Mas Congrats naman pala sa’yo, may M.D. na sa pangalan, Magna Cum Laude na, Class Valedictorian pa! Nakakapangilabot ka!"
I grinned. "Thank you. ‘Di ko rin expected."
"Ay ako, ‘te, expected ko na. Deserve! Grabe ang pagsusunog ng kilay!"
"Congrats, St. Patron of Beauty, Brains, and Freshness!" biglang yakap naman sa akin ng isa kong kagrupo.
Panay lang ang ngiti ko habang nasa labas pa kami ng venue ng commencement exercises. We took a lot of pictures and videos. Luminga-linga naman ako para hanapin sina Dani, Denver at Rivo. Hiwalay kasi ang pila ng mga guardian sa amin.

ESTÁS LEYENDO
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...