Chapter 45
"Daiyu..." Ate Rae laughed without humor.
"Wala ka na ba talagang...natitirang respeto sa pamilya ko? O kahit kay Rivo man lang? Let me tell you this, ha. Hindi mo ata pinapagana ang utak mo ngayon. You don't have a right to know because you were the one who left him. You hear me? Dahil kahit siya ang umalis para sa kagustuhan mo, ikaw ang totoong tumalikod sa kaniya! How dare you ask about his condition!"
Taas-baba ang dibdib niya sa galit.
Tinakpan ko ang mukha ng dalawang palad habang umiiyak. "Hindi t-totoo 'yan! Please, Ate... pakinggan mo naman ako, oh. Araw-araw akong pinapatay ng pag-aalala sa kaniya! Gusto ko lang malaman kung..."
"Will you please stop it? Alam mong mahal ka niya at susundin niya lahat ng gusto mong mangyari kahit na ayaw niya. I thought you also love him to the same extent pero... Daiyu, hindi ka nagpakita man lang sa amin nung mga panahong ikaw lang ang pag-asa namin para mahanap siya! Alam mo ang nangyari sa kaniya all this time, 'di ba? Tinakasan mo ang lahat dahil ayaw mong masisi! You only want positive validation so much, you can't take accountability for your actions!"
Para akong sinampal sa mga sinabi niya. I have no strength to defend myself anymore because I also blame myself for it! I understand her. I understand her pain as the eldest daughter. I deserve to hear all of these. I deserve to feel pain. Kulang pa ito sa sakit na naramdaman ng pamilya nila.
"You did nothing but run away. You're a coward! You don't really love him! You always put him in danger! Nung una, 'yung muntik na siyang hindi grumaduate, nawalan pa siya ng trabaho para maging komportable ka tapos pati ba naman sa pangingibang bansa? Kung 'di siya na-rescue, Daiyu, tingin mo bubuhayin siya ro'n?" she cried.
"I'm sorry, Ate... I didn't want that to happen. I-I... love him! So, so much!" my voice broke.
Matalim niya akong tiningnan. Hindi ko iyon matagalan dahil sa sobrang sakit na naiipon sa dibdib at lalamunan ko. Ramdam ko na rin ang pamamaga ng mga mata ko.
"No, you don't, Daiyu. You only needed someone to love you. He was always there for you, you weren't there for him. And guess what? Gusto mong malaman ang kalagayan niya, 'di ba? There. He's roaming every corner of this country just to find you. No one can stop him from doing so. Baka raw kung ano nang nangyari sa'yo. Bakit? Ikaw ba, nung nawala siya, hinanap mo? Hindi 'di ba? So let me get this straight..."
Tumango-tango ako, tinatanggap na ang inaasahan kong sasabihin niya.
"'Wag ka nang makibalita sa kaniya. D-don't involve him in your problems anymore. Kung kay Dani, ayos lang, sa'kin hindi na. Buhay na 'yung muntik mawala sa'min. Kaya please, tama na..." nanghihina niyang sambit.
"Will you please stop him... f-from finding me?" halos ipagmakaawa ko iyon.
Dahil alam kong kapag nandito na siya, mahihirapan akong pakawalan siya.
She looked at me with stern eyes. "You don't have to ask. Pino-protektahan ko lang ang pamilya ko."
"T-thank you... And I'm really, really sorry, Ate."
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Napapikit siya nang mariin na para bang may mahirap para sa kaniya.
"Don't get me wrong, I used to like you for my brother but now... Daiyu, I can't bear to lose him and let him waste his life just for you. Kaya pakiusap..."
Tumango-tango ako ulit ako habang umiiyak. "I didn't see in a million years that I would do this. At sa'yo pa. But p-please... iwasan mo na lang siya kung mahanap ka man niya. Ikaw na lang ang lumayo... tutal naman ay mukhang kayang-kaya mo 'yon."

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...