Chapter 48

1.9K 46 9
                                        

Chapter 48

I planned to camp in a campsite to replenish my body and mind for the next semester. Mag-isa lang ako at tatlong araw lang naman doon. Minabuti kong sa San Lorenzo lang para hindi masyadong hassle kapag pauwi na ako.

When I arrived at the campsite, I immediately worked on my tent. I have the perfect view of the sea while being surrounded by other empty tent platforms and tall trees. Wala masyadong campers at iilan lang ang nakikita ko.

The only establishment in the place was the campsite reception where people can do walk-in bookings or confirmation of online ones. Mayroon ding katabi iyong magkahiwalay na CR ng babae at lalaki, food shop, sink area at espasyo para sa mga dumating na package ng customers.

I have everything I need. Inabot nga lang ako ng ilang oras sa pag-aayos ng mga gamit. It’s difficult to do all of the tasks alone but it’s fulfilling.

Pagkatapos ng lahat ay umupo ako at nagbukas ng malamig na canned beer. Pinagmasdan ko ang dagat sa harap ko at ang dinama ang simoy ng hangin na sinasayaw ang aking buhok. Some rays of sunshine touched my skin.

Sinamantala ko lang ang tahimik na sandali na iyon kasama ang sarili ko. I just used my camera instead of scrolling on my phone.

Naglakad-lakad ako at minsan pa ay hinubad ang suot na tsinelas para damahin ang buhangin sa mga paa ko.

Nang malapit na ang hapunan ay nagluto na ako ng pagkain ko. I ate my dinner with serene calmness and warmth from the brazier. I listened to the sound of the trees getting swayed by the wind, the crashing waves, crickets, and woods getting burned by the fire.

Pagkatapos ay kumuha na ako ng mga gamit ko para maligo. I took a quick shower and put on a gray sweatpants and thin white sweater.

Nang lumabas ako ay naiwan pa ang tingin ko sa may reception dahil sa magandang ilaw roon bago nagsimulang maglakad pabalik sa tent ko.

Pre-occupied, I bumped into someone. Tumama ang gilid ng mukha ko sa dibdib nito.

"Daiyu..." he called.

Sa ‘di kalayuang ilaw ay natanaw kong si Rivo iyon pagkaangat ko ng tingin. His eyes were bloodshot, hurt and tired. Namilog ang mga mata ko. Bakit siya nandito?

As if my shock wasn’t enough, he then pulled me into an embrace. Ang mga gamit kong pang-ligo lang ang pumagitan sa amin pero niyakap niya pa rin ako.

"I’m sorry... sa mga nasabi sa’yo ni Ate. H-hindi ko alam..." he painfully expressed.

Parang pagod na pagod na siya sa paraan ng pagyakap niya sa akin. I just stood there, being attacked by Ate Rae’s words in my mind. Nanikip ang dibdib ko at naiwan ang sakit sa lalamunan.

"Tangina naman, e. B-bakit ako pinangunahan? Hindi mo naman kasalanan ‘yon... Wala kang kasalanan."

Lumabo man ang mga mata ko sa luha ay nagawa ko pa ring marahang itulak siya palayo sa akin. Hindi pa ako handang makipag-usap, pero gusto ko ring linawin sa kaniya na nasaktan man ako sa sinabi ng Ate niya, iyon ay dahil naniniwala rin ako na kasalanan ko ang nangyari sa kaniya.

"She was just t-telling the truth, Rivo. Bakit ka nagso-sorry?"

Umiling-iling siya at sinubukang hawakan ang palapulsuhan ko. Iniwas ko agad iyon. "Hindi naman gano’n ‘yon, e. Hindi mo ‘yon kasalanan. Kusa ko ‘yong ginawa, Daiyu, para maging karapatdapat sa’yo..."

Suminghap ako. "Do not sugarcoat it, Rivo. Alam ko...alam kong kasalanan ko dahil ‘di ka pupunta ro’n kung hindi dahil sa naging misunderstanding natin dati."

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now