Chapter 57
"Tag-hirap, amputa. Gumamela na naman," sabi ni Dani.
"Corny nga, e. Ganiyan ata talaga mga lahi niyo."
"What, Kayi? How dare you!" iritadong litanya ni Ate Rae.
"Ano? Ano? Tanginamo, ah. Mas corny ka, tanga. Kunwari daw na unbothered sa kasama sa bahay, pero excited mamili ng kulay ng couple na tsinelas at pantulog. Bobo! ‘Kala mo, ‘di ko natatanong si Jiro? Ulol."
"Buy 1, take 1 ‘yon. Tanggapin niyo na lang na mga corny kayong mga Jereos."
"Shut up, Kayi. Bakit hindi ka mag-mature at ayusin ang inyo ni Neve? Sinong mas corny, ha?" pambabara ni Ate Rae sa kaniya.
Kumunot lang ang noo ni Kayi at tumahimik. Tinapik siya ni Jiro sa likuran at binulungan. Ilang minutong napunta ang atensyon kay Kayi bago iyon basagin ni Rivo.
"Hoy, magsi-alis na nga kayo. Ang iingay, amputa."
Tumingin siya sa’kin kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. His knitted eyebrows straightened as he pursed his lips.
"Wow! Thank you, ha! Pasalamat ka-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Dani nang hilahin na siya ni Ate Rae sa loob ng kotse.
"Bye, babe! See you later!"
Jiro nodded. "Rivo, Daiyu, una na kami."
Nagpaalam lang sila ulit bago sila umalis. I just stood there, dumbfounded. Bukod sa nalilito ako sa mga nangyayari, parang ang dami ko ring na-miss out sa ilang buwan kong pag-aaral sa Boards.
Rivo cleared his throat. "Daiyu, tara."
Hinawakan ni Rivo ang kamay ko. Nagpatianod ako nang iginiya niya ako palapit sa inayos nina Ate Rae. Simple lang naman iyon. Ang nakalatag na puting sapin malapit sa lapida ni Tita ay may kalat-kalat na petals ng rosas at isang bouquet ng gumamela. Nakapalibot din ang fairy lights doon hanggang sa puno na malapit. Mayroon namang nakatirik na mga kandila sa puntod ni Tita at ilang mga bulaklak din na inilagay ata nina Dani.
Looking at the decorations, it seems to me that my friends were preparing for something before we arrived.
My throat ran dry. Ang kaba ni Rivo kanina ay parang nahawa rin sa akin. Sinong hindi kukutuban nito?
Inabot sa akin ni Rivo ang bouquet. It was beautiful. Iba’t-ibang kulay iyon.
"Thank you, Rivo. But what is this for?"
Inalalayan niya ang isang kamay ko habang patapak kami sa puting sapin. Namilog ang mata ko sa pag-aakalang huhubarin pa namin ang mga sapatos pero tinapak niya ang paa niya roon kahit suot pa ang kaniya.
"Riv! Your shoes! Hindi ba, uupo tayo riyan?"
He chuckled and pulled me in. Tuloy ay pareho na kaming nakatapak doon.
"Hindi, Daiyu. Luluhod lang ako rito."
Umawang ang labi ko, hindi alam ang sasabihin. He held me by the waist with both hands. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatama sa mukha ko. We stared at each other's eyes.
"Hindi naman talaga ito ang plano ko, pero sabi ni Dani, ayaw mo ng magastos at napapalibutan ng ibang tao kapag ganito. Gusto ko rin na makita ni Tita. Kailangan natin ng permiso niya. Ayos lang ba ‘to sa’yo?"
Napakurap-kurap siya dahil tinititigan ko lang siya. He looked away and nervously chuckled. "B-bakit ‘di ka nagsasalita?"
His Adam’s apple moved when he looked at me again. "Hindi ako papayag na ikaw lang, Daiyu. Luluhuran ka dapat, hindi dapat ikaw ang kakabahan sa pagtatanong."

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...