Chapter 25
"Required ba i-tupi sa gitna?" nguso ni Trad sa tinupi kong page ng notebook.
I slightly pouted my lips. "It looks better this way."
We’re in the library, making our brief vacant worthwhile. I was writing the gist of the discussion in General Zoology to assess how much I learned. Writing notes is not necessary but this is how it works for me.
Binagsak ni Trad ang ulo sa yellow pad habang pinaglalaruan ang ballpen.
"Nanghihina na ‘ko, ‘te. Wala akong maharot," mahinang sabi niya pa.
Umirap ako. "The nerve! You ghosted the Chemistry guy, remember? Ang bait no’n, ah?"
Umirap siya at umayos ulit ng upo. "‘Yun na nga... mabait lang siya. I need other adjectives," bulong niya.
I pursed my lips and closed the lid of my pastel yellow highlighter. "Ang sama mo."
"What? Anong masama sa sinabi ko? Bakla, totoo naman kasi."
The screen of my phone lit up. Pareho kaming napatingin doon. Agad ko iyong kinuha nang natakip niya ang kamay sa bibig habang nang-aasar ang mga matang nakatingin sa’kin.
"Ganda-gandahan na naman ‘to. Palibhasa ‘yung sa’yo maraming adjectives. Kabog kung kabog." Umirap siya.
I just glared at him and opened my conversation with Rivo.
May pasok din siya. He sent a zoomed in picture of a score. Dalawa lang ang mistakes out of 25 items.
Napangisi ako. Trad slightly kicked my foot but I just jokingly flipped my hair.
"Harot!"
Daiyu:
very good
Rivo:
di ako si camel
at saka di akin yan hahahahaAgad na nagusot ang mukha ko. He sent a picture of the whole paper and it revealed a name that I am not familiar with.
Bigla ko tuloy narinig ang halakhak ni Dani sa isip ko.
Hindi ako nag-reply hanggang sa mag-send siya ng panibagong picture. It was a paper with his name on it. Sa bandang kanan ay nakasulat ang score niya gamit ang pulang ballpen. Walang mali. Perfect.
I arched an eyebrow.
Rivo:
salamat sa kasama ko mag-aral kagabi
The sides of my lips rose.
Tinulak ni Trad ang ulo ko nang lumawak ang ngisi ko.
"Tara na, ‘te. May next subject pa, shuta ka. Mamaya ka na umawra!"
Ganoon ang lagay namin hanggang ngayong sumunod na buwan pagkatapos niya magsabi na manliligaw siya.
Malapit na rin matapos ang buwan na ito at napag-usapan naman nina Ate Rae na magkaroon ng Halloween party para next month.
Hindi pa lang ako makapagsabi na sasama dahil next month din ang birthday ko. It would be my first birthday without Tita and the first anniversary of her death. Bumibigat ang dibdib ko sa tuwing tumitingin ako sa kalendaryo.
Kaya naman gabi ng October 31 ay hindi ko mapantayan ang excitement nina Dani para sa Halloween party. I just sit and smile every time they show me hilarious men fits.
"Babe..." pagpansin sa’kin ni Ate Rae nang makita niyang hindi ako nakikigulo sa kanila ni Dani sa pagpili ng costumes. "You okay? Ang tamlay mo," dagdag pa nito.

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...