Chapter 7
I am packing my things up for almost at the eleventh hour before heading to Kayi’s house. Marami kasi akong inasikaso pagkatapos ng graduation ni Rivo kaya hindi ako nakapag-impake agad.
We’re heading to Avalon tonight. It’s a beach resort and hotel that is known for their CSR every summer.
"O. Bilisan mo na. Maliligo na ‘ko, kapag may pinaabot ka na naman, bahala ka sa buhay mo," sabi niya sabay abot sa akin ng ziplock ng shampoo ko at balik ulit sa may C.R.
My forehead creased. I can do all of those if I just didn’t sprain my ankle! Fuck the high-heeled boots that I wore for a product promotion.
Sinubukan kong bilisan ang pagkilos pagkatapos ni Dani maligo at magbihis. I just wore a cream sweater and white jogging pants so I would feel comfortable later. Naka-dirty white na slides lang din ako dahil sa bandage sa paa.
I touched up real quick, then we went downstairs.
"Mag-text kayo kapag nando’n na kayo. Daiyu, ‘yang paa mo, ha. Sinasabi ko sa’yo, baka pwersahin mo pa, bahala ka kapag namaga ‘yan lalo," Tita said.
Nagpaalam lang kami ulit bago umalis. Hinatid kami ng driver nina Dani papunta kina Kayi. Nasa labas na ang van pagdating namin, ganoon din ang nag-uusap na si Kuya Aries at si Detective Arceo, tatay ni Kayi.
The door of the van slid open and it revealed the drowsy Rivo. Namumungay ang mga mata at mukhang pagod pa. He offered a hand and I took it as I sat beside the window.
Sina Jiro naman ang nag-ayos ng bagahe namin. Dani sat next to me. Sa likod ay sina Kayi, Jiro at Rivo habang magpapalitan naman sa pagd-drive sina Ate Rae at Kuya Aries. Nagbilin lang si Detective Arceo sa kanila.
Nang nasa biyahe na kami ay may kani-kaniyang usapan ang lahat pagkatapos mag-picture. Ginising pa si Rivo para doon dahil siya lang ang tulog. Nag-deliver pa raw kasi ‘yon sabi ni Ate Rae.
Nakatulog din ako. Ang sumunod na gising ko ay dahil na sa ingay nina Dani. Lumabas kami ng van. Nang sulyapan ko ang likod ay nakita kong nakapatong ang ulo ni Kayi sa hita ni Rivo at pareho pa silang tulog. Nasa labas na ang iba.
I heard the distant waves. Nakaupo kami nina Jiro sa may lounge area habang sina Ate Rae naman ang nakikipag-usap sa front desk.
"Gising na sila," sabi ni Jiro kaya napalingon din kami ni Dani sa tinitingnan niya.
Rivo and Kayi were casually walking with their luggage.
"Ba’t ‘di niyo kami ginising?" bungad ni Kayi sabay upo sa tabi ni Jiro.
Rivo just stood up, leaned against the wall, closed his eyes and folded his arms.
"Ayaw mo magpagising," sagot ni Jiro.
"Nahiya ka pa, sana nagbaon ka ng foam at unan mo," sabi ni Dani.
Nang makakuha ng rooms ay kani-kaniyang diretso agad kami sa loob. We booked two rooms. Iyong isa ay sa amin nina Ate Rae at ang katabi na kwarto naman ang kina Kuya Aries. The view of the beach can be seen from both rooms.
Nang sumikat na ang araw ay nag-ayos na kami ni Ate Rae.
"It doesn’t suit my undertone, ‘no? Nakakainis naman, ang ganda pa naman ng details nito," pagrereklamo ni Ate Rae habang nakaharap sa salamin at sinusukat ang swim suit.
"Anong undertone undertone? Ba naman. Okay na ‘yan! Ligong-ligo na ako!"
"Mauna ka na, Dani. Mauna ka na. I told you we’re having breakfast first. ‘Wag ka kumain, ah. Nakakahiya sa’yo at taeng-tae ka na naman lumangoy. Babe, ikaw nga. Tingnan mo muna ‘tong bikini ko."

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...