Chapter 42
Life made it hard for me. I was comatose for two months and I spent another three while recovering from post traumatic amnesia. Dani said she found me after a month of searching for me. I was in a small hospital before, but she transferred me into a huge one here in San Lorenzo. Kalapit lang na probinsya nina Mama ngunit mas malaki at mas moderno.
I remember everything now, the reason why I was so eager to talk to Rivo. He’s probably freaking out because we haven’t talked for months!
I was over the moon as I was leaving the hospital because Dani and the doctors prevented me from using my phone or even borrowing one. Hindi ko alam kung anong koneksyon pero si Dani ang napansin kong sobrang higpit sa akin sa paggamit noon. Aniya, siya naman daw ang nagbabalita kay Rivo tungkol sa akin. At binabalita niya naman sa’kin na maayos lang ang kalagayan ni Rivo sa Thailand.
He should be. I don’t want him to get sick like me.
While I was in a comatose state, Denver’s father was detained along the process of its trial. Patuloy pa rin ang proseso nito hanggang ngayon. Si Mama ang nag-aalaga sakin habang hindi pa ako nagigising. When Dani took over, she sought for a job in Roxas and immediately got hired. Para daw sana iyon sa pagpapa-ospital ko pero tinanggihan ni Dani. Now, Cora and her moved there for good. Nagpaiwan naman si Denver para sa akin.
I have couple of passive incomes and a decent amount of savings. Iyong mga business naman ni Tita Bella ay si Tita Precy rin ang nag-asikaso kaya kailangan ko mag-compensate doon kahit tinatanggihan niya. Parang nahihilo tuloy ako sa pag-iisip sa mga naiwan kong trabaho. Unti-unti ko ring babayaran ang hospital bills ko na sinagot ni Tita Precy kahit tinatanggihan niya.
Nang makauwi kami sa apartment ni Dani rito sa San Lorenzo ay namangha ako. Parang nandito na lahat ng mga gamit niya. If I just didn’t know that we have plans of going back to San Pablo, I will really think that she will stay here for good.
I stared at Dani intently. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa huli naming sitwasyon bago ako napadpad sa kabilang probinsya. But to see her here, in front of me, after unconsciously hurting her, after everything... made me realize that she really is my family.
"Huy! Ano ba ‘yan! Parang timang ‘to! Magtitimpla muna ako ng juice!"
I shook my head and pulled her into an embrace. Ipinalibot ko ang braso sa baywang niya.
"Thank you, Dani. For finding me, for being here... for staying with me."
"G-gaga! Syempre wala lang akong choice ‘no. Ang hirap naman makipag-kaibigan sa bago ngayon, tangina ano ‘yon? Tatanungin mo pa kung anong favorite color niya tapos ‘di naman kayo makaka-relate sa chika ng isa’t-isa kasi hindi-"
"I’m sorry for hurting you nung huling kita natin sa apartment. I was overwhelmed and all. Pero babawi ako, promise! Babawi ako sa’yo."
Nang bumitiw ako sa kaniya ay nakita kong nagpupunas na siya ng mga luha. "Tanginamo talaga, lagi mo na lang akong pinapaiyak simula nung dumating ako rito. Sorry din. Masyado akong naging selfish no’n, hindi ko na naisip kung ano ‘yung nararamdaman mo."
Kumuha siya ng upuan at inilagay ‘yon sa harap ko bago umupo. I nodded.
"It’s okay. I also saw where you’re coming from. Alam ko ring worried ka lang sa’kin. I just took the risk because I am used to helping others."
"Puta, ‘kala ko pag-uwi ko no’n ng gabi, magkaka-ayos na tayo. Alam mo ‘yung feeling na pagkauwi ko, hindi na kita makita? Aba, umalis nga! Nagmatigas pa ako dahil sa sobrang sama ng loob ko. Akala ko nagpahatid ka sa driver. Tapos tumawag si Mama, nakita ka raw sa CCTV na pumasok sa bahay ni Tita Bella at hindi ka naman daw nagpahatid sa driver. Hindi ka rin daw nag-text. Putangina, Daiyu, alam mo ‘yung kaba ko no’n? Hindi ko alam kung saan ka hahagilapin!"

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...