Chapter 36
Alyssa:
Omg, I’m sorry.
But yes, I started working there a little later when he got the job, I think.
I’m just surprised na hindi mo pala alam na wala na siya sa kompanya? Even the offer? It focuses on skill sharing and joint research projects. Sayang talaga.
I’m sorry if this may cause a conflict between the two of you. Pag-usapan niyo na muna.
Our relationship wasn’t perfect. Pero kung magtalo man kami ni Rivo, wala namang nagtataas ng boses. Kaya naman kahit pagod ako at marami ang iniisip, sinubukan ko pa rin na maging kalmado sa pakikipag-usap sa kaniya tungkol sa hindi niya pagsasabi sa’kin tungkol sa pagre-resign niya at may ganoon pala siyang oportunidad sa trabaho na gustong-gusto niya.
"I’ll probably proceed to Med school abroad after my graduation. Kagaya kay Ate Rae," I randomly told him as a white lie.
Pinagmasdan ko ang naging reaksyon niya habang tinutulungan niya ako mag-review. Umawang ang labi niya at bahagyang gulat ang mga matang tumingin sa akin. I noticed how he swallowed hard.
"Abroad?" ulit niya pa.
Tumango ako. "Maybe LDR is alright with you? Ilang taon na rin naman tayong magkasama rito."
Nailapag niya ang mga index cards ko at nagbaba rin ng tingin. "Seryoso ka ba? Gusto mo ba talaga ’yon?"
When he looked at me again, I sighed and nodded. He stared at me as if he’s trying to read my mind. He released a sigh and bitterly chuckled after a while. "H-hindi ka naman nakikipag-break ‘no?"
Kumunot ang noo ko. "Stupid, of course not!"
Mabilis siyang lumipat sa tabi ko at yumakap. I can see that he’s uncomfortable with it, but he’s giving it a thought because I told him that I want it.
"Is it fine with you?"
Ilang minuto siyang tahimik. I let him think it all through.
"Ayaw ko... na magkalayo tayo. Sinong gugustuhin ‘yon?" nakasimangot niyang tanong.
Tumingin siya sa’kin at saka bumuntong-hininga.
"Pero... alam ko na kapag nagsasabi ka na ng desisyon mo, ‘yun talaga ang gusto mo, e. Ibig sabihin, pinag-isipan mo talaga. Hindi naman kita pipigilan lalo na at para sa magiging trabaho mo ‘yon. Ang akin lang, syempre...." Bigla siyang ngumisi.
"Sasama ako."Hinampas ko ang likuran niya at hiniwalay siya sa akin. I maintained a serious face as I crossed my arms. "I heard you quit your job. Bakit, Rivo?"
Agad siyang natigilan. Saglit siyang nagulat ngunit napalitan din ng takot, napapikit nang mariin at mahinang nagmura. It’s as if he was chanting curses towards someone who gave me the information.
"And you didn’t even tell me about Alyssa’s offer? Ni hindi ko nga alam na manager mo pala si Alyssa? Bakit, ha?" mabilis na dugtong ko.
Hindi siya umimik.
"Opportunity ‘yon, Rivo. Why do you keep rejecting offers? Kahit ‘yung mga simpleng conferences lang lalo na kapag abroad? Tapos nag-resign ka pa?"
He just chuckled. "Ha? May bagong trabaho na naman ako rito, Daiyu. Bakit pa ako mag-iibang bansa? Sinong nagsabi sa’yo?"
My lips turned into a grim line. Nang mapansin niyang seryoso ako ay unti-unting nabura ang ngisi niya. He licked his lips. "Hindi totoo na mag-a-abroad ka?"

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...