Chapter 30
"Merry Christmas! O ito, banana cake ‘yan. Dalhin niyo na at baka masira lang ‘yan dito. Alam niyo namang kahihina kumain ng mga apo ko," natutuwang sabi sa amin ni Lola Chayo habang inaabot sa akin ang malaking supot.
Kinuha iyon sa akin ni Rivo.
"Salamat po, Lola. Baka sa susunod na taon na po tayo magkita. Buksan niyo na lang po ‘yung regalo namin," nakangiting sabi ko.
Tumawa ito at saka bumaling kay Rivo. "Oh! Bakit parang tahimik ka ata, hijo? Nako! Nalulungkot ka ba dahil hindi kayo rito magpapasko? Itong batang ito, o. Ayaw mahiwalay sa nobya! Oo nga’t ayos kayo rito pero mas masaya pa rin kung kasama ang buong pamilya."
Rivo grinned and shook his head. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. "Hindi, ‘La. Napuyat ho kasi ako. Salamat ho pala rito," sabi niya sabay angat noong supot.
"Nasaan na si Scout, ‘La? Tulog pa?" mabilis na dagdag niya. Lola Chayo heaved a sigh. "Hay nako, oo! Tulog pa. Maya-maya gigising na naman ‘yon pero hindi na kayo maaabutan. Aabot ko na lang iyong regalo niyo. Salamat nga pala ro’n, magugustuhan niya ‘yon panigurado."
I nodded my head. "Thank you po. Merry Christmas ulit."
I leaned in to give her a hug. Tinapik nito ang likod ko at saka ngumiti nang maghiwalay kami.
"Alis na kami, ‘La. O, baka naman mag-mukbang ka d’yan ng mga taba? Pababantayan kita kay Scout," sabi ni Rivo habang nililiitan ang mga mata.
Hinampas siya ni Lola Chayo at saka hinila para yapusin din ito.
"Aba’y tarantado talaga ‘tong batang ‘to. Kita mong high blood ako, kakain pa ako ng gano’n?"
Nang kumalas si Lola Chayo ay humalakhak si Rivo.
"O siya, siya... sige na. Mag-ingat kayo sa biyahe. Merry Christmas ulit."
Nagpaalam pa kami ulit bago makaalis. Habang pababa kami ay hindi kami nag-uusap. My blood boiled in irritation.
Dani and their driver fetched us. Nasa unahan si Dani kaya hindi ko alam kung magpapalit ba sila ni Rivo o ano.
Rivo opened the door for me. Umusog ako at tumingin kay Dani.
"‘Di ka t-tatabi sa’kin?" tanong ko pa.
Nilingon niya ako at nginiwian. "Baka pumayag ‘yang shota mo? Dito na ‘ko. Baka Paskong-Pasko, mambwisit na naman ‘yang gagong ‘yan."
Napatikom ang bibig ko nang tahimik na tumabi sa akin si Rivo. Umusog ako palayo para hindi kami magdikit.
"Aba, himala! Hindi nakapulupot!" halakhak ni Dani kay Rivo.
In my peripheral vision, I saw Rivo gave her a side eye.
She narrowed her eyes at us. "Tangina niyo. Anong meron? Ang awkward ha! Nag-away ba kayo?"
Umiling ako at tumingin na lang sa bintana habang nagsisimulang umandar ang kotse.
Hindi na nagsalita si Dani pero ramdam ko ang panaka-naka niyang tingin sa akin sa rearview mirror. When our gazes locked, she widened her eyes at me.
I looked away and took in the moment to adore the scenery. Mas maganda iyon kapag gabi dahil sa mga pailaw na nilagay. If we just left last night, then maybe I could see the lights again before the new year.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon. In my peripheral vision, I saw Rivo looked at it before getting his own phone. Kinuha ko agad ang phone ko at tiningnan.

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...