Chapter 47

1.8K 44 11
                                        

Chapter 47

"Pakibalik ang mga libro sa shelf na kinuhaan niyo at 'wag ilagay kung saan-saan," rinig kong paalala ni Rivo sa kauupo lang na mga high school students.

"Charm, pabalik naman 'to sa pinakataas nung shelf ng Bio. Napicture-an ko na ang mga kailangan d'yan, e," wala sa huwisyo kong sabi kay Charm.

"Okay, wait. Tingnan ko lang din saglit," seryosong sabi niya.

I gave her the book and she took pictures, as well. Nang isasauli na ay tumayo na siya. I concentrated on doing my own business. Napaangat ako ng tingin nang bumalik siyang nakasimangot.

"Ang taas nung shelf. Pinapasuyo ko kay Sir Rivo tapos sabi niya gumamit na lang daw ako nung hagdan. Kaloka, ano pang silbi ng height niya? Eme!"

My groupmate grinned. "Try mo gamitin ang 'Daiyu' card. Effective!"

"Ay, true! 'Kala ko ako lang gumagawa no'n."

"Mag-jowa 'yan sila. Pa-sweet girl lang ang atake ni Daiyu at gusto ata ng lowkey muna."

Charm winked at me as I sighed. Naghalakhakan sila habang nagbubulungan. They grinned at me as Charm stood up with another book in her hand. Sakto namang palapit sa may banda namin si Rivo, dadaan sana papunta sa computer area kung saan tinawag siya ng isang high school na nagpapaturo.

"Sir Rivo, sa pinakataas po 'to ng Bio ulit. Makikisuyo lang po sana kasi-"

"Pakigamit na lang po ng hagdan," mabilis na sabi ni Rivo habang sumesenyas sa high school na naghihintay sa kaniya.

Nagsenyasan ang mga kagrupo ko kay Charm. Charm looked at me with a sad expression. Nagkunwari siyang aalis na sa dadaanan ni Rivo.

"Daiyu! Gamitin mo na lang daw 'yung hagdan!" malakas na sabi nito.

Pinatahimik siya ng isang staff at tinapik ang natigilan na si Rivo. Nakatingin na ito sa akin. He licked his lips and went to Charm. "Ako na."

Ramdam ko ang sipaan ng mga kagrupo ko sa ilalim ng lamesa namin. Charm bit her lower lip to suppress a smile and slowly turned to Rivo. "Sigurado ka po, Sir? Tawag ka na nung bata, o! Kaya na po 'to ni Daiyu."

"Ako na. Baka mahulog pa siya."

"Ah.... okay po. Thank you!"

Nang maibigay na ni Charm ang libro at makaalis na si Rivo ay halos humagalpak siya ng tawa pabalik sa amin. Umirap ako at agad na dinapuan na naman ng kaba.

What the hell did he just do?

Umani tuloy lalo ako ng pang-aasar mula sa mga kasama ko. Hanggang sa paglo-log out namin ay pinuntirya pa rin nila si Rivo.

"Bakasyon na namin simula sa Monday, Sir. Hindi ka namin makikita. "

Natigilan ako habang pumipirma. Nang mag-angat ng tingin ay nakita ko ang interes sa mata ni Rivo sa sinabi ni Charm. Lumipat ito sa akin kaya tinapos ko na agad ang pagpirma.

"Kailan ulit ang pasok niyo, Daiyu?" I didn't expect him to ask that! Sa akin pa!

"Hindi pa alam. Baka ma-adjust pa ang schedule."

Dahan-dahang tumango si Rivo. "Mabuti 'yon, makakapagpahinga ka."

Agad na akong nagtago na sa kumpol ng mga kagrupo ko. Pasimple akong kinurot ni Charm habang nagl-log out ang mga ito. Malalawak ang ngiti ng mga kagrupo ko sa'kin. I arched an eyebrow.

I know I told my groupmates last time to not overanalyze things, but I probably have all the rights to overthink about his actions and words now, right?

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now