Chapter 21
"What?" takang tanong ni Ate Rae nang magpaalam si Rivo na aalis kami. I saw her gaping eyes when she took a glance at her brother’s hand on my wrist.
"Hoy! Saan mo..." sigaw ni Dani na tuluyan nang nilamon ng katahimikan dahil sinara na agad ni Rivo ang pinto.
Dumaan kami sa malapit na mini grocery store para bumili ng snacks. This City by Sam Fischer was playing on the speakers. Sobrang tahimik dito kaya ang naririnig lang namin ay ang hampas ng malamig na hangin sa labas, ang lumang aircon at ang tunog sa counter.
Nagtalo pa kami sa paghahati ng pera dahil siya naman daw ang nag-aya. I glared at him until he gave in. Siya ang nagbayad sa cashier at lumabas naman ako agad.
Nang makapasok kami sa sementeryo ay dumiretso kami sa lapida ni Tita. He parked the motorcycle and immediately took the eco bags from my grip.
For some reason, I don’t feel any eerie vibe even if we’re literally surrounded by hundreds of tombstones.
May mga lampposts na nagbibigay liwanag sa paligid at kalat-kalat din ang mga bituin sa langit.
Tita’s grave was near a pond and a tree. Naglatag kami ng tela na galing daw sa compartment ng motor niya. He planned this out, huh?
Itinawag niya muna kay Tita Precy na nandito kami at pumayag naman ito basta ay i-uwi ako bago mag-alas dose.
Dani kept on calling me so Rivo answered it once before blocking her number. Hinampas ko pa siya dahil sa kalokohan niya.
Nilagay ko ang mga pagkain sa sapin at saka sinuot na ang jacket nang makaramdam ng lamig. Umupo rin si Rivo at kinuha ang mga kandila.
Sinindihan niya ang isa at saka itinirik sa lapida ni Tita. He got another candle and also lit it up. I removed the dried leaves around her tombstone and smiled.
"First time ko ng gabi rito. Thank you."
"Gawain ko na ‘to nung mga nakaraang buwan," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Kinuha niya ang flowers sa eco bag at saka inilagay din iyon sa lapida ni Tita.
"Dito?" gulat na tanong ko.
"Oo."
"What? Bakit hindi mo ako sinama?"
Tanging mga kuliglig lang, kaluskos ng mga dahon sa puno, at lagaslas ng tubig galing sa pond ang narinig ko dahil hindi siya sumagot.
"Hindi ka pa ayos no’n at saka baka tuwing nakikita mo ‘ko, maalala mo lang ‘yung nangyari. Hindi ako... dumating agad no’n, e," mapait niyang sabi sabay tingin lang sa sumasayaw na apoy dahil sa hangin.
Pinakiramdaman ko ang sarili kung handa na ba akong pag-usapan ito. Napamura siya.
"Sorry. Sinabihan nga pala kami ni Tita Precy na ‘wag muna pag-usapan ‘yon," sabi niya sabay pikit nang mariin.
Napalunok ako at umiling. I took a deep breath. "Okay lang pag-usapan, Rivo."
Napatingin siya sa akin at saka inilibot iyon sa mukha ko.
"Sigurado ka?"
Tumango ako. "I’m fine. Don’t worry about it."
His eyes softened and I saw how his Adam’s apple protruded even more.
Natahimik siya kaya sa ibang direksyon ako tumingin.
My chest hurt when I saw how he’s gradually showing himself. Parang ang hirap atang makita iyon. He held back his emotions for months. He was the first witness. I wasn’t the only one who struggled.

BINABASA MO ANG
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...