Chapter 14

2.5K 79 28
                                        

Chapter 14

Rivo:

nami-miss talaga kita

My heart pounded. Parang gusto ko ay ibato ang cellphone at magkunwaring hindi iyon nabasa.

Rivo:

asarin

hahahaha


Sa inis ko ay hindi na ako nag-reply. I even put our conversation muted to avoid another teasing session.

Weekdays swiftly came in and we just went on with our usual days. Kasama ko sina Ron at Kayi habang vacant namin. We’re sitting on a bench in Molina. Nasa gitna ito ng ABM at STEM buildings kaya malilim kahit papa'no.

I was retouching my face to get ready for our next class.

"Edi gano’n din sa 6? Kasi tingnan mo, o. Wala kasing pangalan ng supplier, puta. Nagtatalo-talo na kami d’yan," sabi ng kaibigan ni Kayi sa ABM strand.

"Oo, bumili siya ng inventory. 30,000 binayaran niya, cash ulit ‘yon tapos ‘yung natira utang na."

"Sige, sige, pre. Salamat!"

"Welcome, basta ikaw. Lakas ka sa’kin, e," sabi ni Kayi sabay kindat.

"‘La, pabida na naman siya..." bubulong-bulong ni Ron sa tabi ko sabay tayo at lakad palapit kina Kayi.

"Hoy, Mayor! Kalaban ‘yan, ah. Ba’t pati lesson nila alam mo?" sabat naman ni Ron na nagpapaypay pa gamit ang pamaypay ng isa naming kaklase.

"Baka mautangan natin sa future, e." Umakbay bigla ni Kayi kay Ron at dala pabalik sa lamesa namin.

"Nag-chat na si Ma’am sa’yo? Papasok daw siya?" I asked Kayi while curling my lashes.

Ron even mimicked the way my eyelashes turned upward using his fingers.

Umupo sila pareho. Kayi took his phone from his pocket. "‘Di pa nga, e. Kapag late na ‘yon ng 15 minutes, ‘di na ‘yon papasok. At saka midterms na natin next week, e. Wala na ‘yan."

"Sana wala ngang pasok, matutulog ako. Nakakainis kasi sina Rose, inunahan ako sa kurtina natin," reklamo ni Ron.

"May monoblock naman sa likod, ah," sabi ko sa kaniya.

"Wala namang sandalan! Mahulog pa ‘ko ro’n, e."

We were in the middle of talking when an ABM student approached us. It was a guy wearing a dark blue hoodie with a tray on his hands. May lamang mga taho iyon na nakalagay sa parang pang-milktea na packaging.

"Hi! P’wede ba kayo maabala? Need lang sana namin ng participants na sasagot sa survey. Tungkol kasi sa SWOT ng product namin mismo kaya kailangan niyo muna tikman."

Tumango naman ang babae sa likuran niya at bahagya pa siyang tinulak nang walang magsalita sa aming tatlo. Nang sabihing libre iyon ay nag-uunahan pa ang dalawa na kumuha.

The guy’s gaze bore into me and he offered me one. Kumuha rin ako.

"Here po. Pa... ano. Pa-fill out na lang po. Thank you," sabi noong babae sabay isa-isang abot sa amin ng bond paper.

Instead of having a sip, I scrutinized their survey questions. "Sige pre, abot na lang namin. Naghahanap pa naman kayo ng ibang participants dito ‘di ba?" tanong ni Kayi.

The guy nodded. "Oo, e. Balikan na lang namin. Salamat din."

I tried to sip on the product and found it normal. It’s just that, it tasted better than the regular taho and it’s chilled.

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now