Epilogue

3.7K 82 79
                                        

Epilogue

Nang una kong makita ulit si Daiyu ay tumatakbo siya palayo. Malilikot ang mga mata at halos yumuko na para umiwas. Takot. Hindi basta-bastang pwede makausap. Tumatakbo na naman siya palayo. Hindi sa akin, kundi sa mga tao na gusto siyang makilala.

Nahanap ko siya, pero dahil sa kasunduan namin ni Dani ay hindi naman ako pwedeng lumapit.

Napag-alaman ko na nasa bingit din siya ng kamatayan sa ilang buwan na nawala ako. Pareho kaming lumaban para mabuhay. At sa kasamaang palad, sinisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin.

Hindi ako pwede lumapit—gaya noon, dahil baka makasama ako sa ulo niya, sa memorya at sa pag-aaral niya. At kung pwede man, wala akong sasayanging minuto para sabihin sa kaniya na hindi niya kasalanan ang nangyari at hindi niya kailangang mabuhay sa konsensya. Na maaari pa rin siyang sumaya at kumilala ng mga tao. Na hindi niya kailangang magtago at tumakbo papalayo sa mga bagay na makapagpapasaya sa kaniya.

Sobrang hirap. Sa loob ng tatlong taon, pinagmasdan ko na naman siya sa malayo.

Alam kong ang pinaka-ayaw niya ay ang pabayaan ko ang mga pangarap ko para sa kaniya. Kaya nagsikap ako hanggang sa mapalago ko ang game studio. Nagtayo rin kami ng kompanya ni Aries bukod doon. Binuhos ko ang panahon sa pagta-trabaho kaysa mabuhay sa inggit kina Enzo at Dani. Basta ang mahalaga sa akin ay ang balitaan ako ni Dani lagi tungkol sa kalagayan ni Daiyu at ang pag-uwi roon tuwing weekend para makita ito.

"Pi-birthday, pre. Bumili ka na ng condo o bahay sa Cazelle. Pa-VIP, amputa. Sayang ka sa gas, e," pagrereklamo ni Kayi sabay lapag ng cake sa lamesa ko. Sinilip niya ang laptop ko at tinapik ang likod ko.

"Ikaw nagpapalago ng views sa vlogs niya. Supportive mo talaga, pre. Baka ‘yung mga pinapamigay niyang crop top sa fans, nakikipag-unahan ka pa, ah. Paawat ka naman."

Nasa apartment pa rin ako sa San Pablo. Hindi ako aalis dito. Pakiramdam ko kasi, kapag umalis ako, iiwan ko rin si Daiyu. Dito lang ako, maliban na lang kung magpapakasal na kami.

"Did you see the clips that she included? ‘Yung kasama si Enzo?" tanong pa ni Jiro na nilapag naman ang kaluluto lang niyang spaghetti sa lamesa ko. Humalakhak si Kayi na tinatawagan na sina Aries. Tangina, mambubulabog na naman ang mga tangang ‘to.

Gumalaw ang panga ko at ginulo ang buhok. Malamang nakita ko ‘yung clips na ‘yon. Ako dapat ‘yon, e. "Nahagip lang ‘yon ng camera. Tsk, nasa’n na ba ‘yung iba? Uminom na nga lang, puta. Nababadtrip ako."

Saktong sunod-sunod na pumasok sina Aries, Chico at Javi na pinipilit si Ron.

"Tangina niyo! Pupunta ako sa girlfriend ko! Ayoko uminom!" pagsisigaw ng nahuli.

"‘Wag kang KJ, Weasley. Birthday ng pinaka-papi nating tropa," nakangising sabi ni Chico.

"Kailan ko kayo naging tropa?"

"Rivo, o," nakangising sabi ni Aries sabay bato sa akin ng supot. Nang tingnan ko ang loob ay naghalakhakan sila lahat. Putangina, condom. Anong gagawin ko d’yan, palolobohin at lalagyan ng tubig?

"Putanginamo."

Hintayin ko lang talaga na makita niya ang mag-ina niya sa San Lorenzo, tatawanan ko siya. Namimigay ng condom, pero siya mismo ‘di nakapagsuot. Ulo lang ata ng tite pinapagana.

"Asus, kunwari lang ‘yan siya pero gagamitin niya ‘yan," pang-aasar ni Chico.

Pinakyuhan ko siya. "Tangina ka, kalibugan mo na naman."

"Ang babastos niyo, hoy!" sigaw ni Ron.

"Ang dumi ng budhi niyan ni Chico, e."

"Subukan mo ‘yang gamitin sa iba, Rivo. Puputulin ko tite mo," natatawang sabi ni Kayi.

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now