Chapter 8
"Daiyu, paabot nga nung black kong damit! Nahulog sa sahig ‘yung dala ko, punyeta!" sigaw ni Dani sa may C.R. dahilan para malakas kong maitulak si Rivo.
Hinawakan ko ang gumamela para hindi ito tuluyang matanggal sa taas ng tenga ko. I regained my composure and walked pass Rivo to get Dani’s shirt.
"Hintayin ko kayo sa baba," rinig kong sabi nito habang tinitingnan ko ang bag ni Dani.
Nang makaalis siya ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. I took a glance at my reflection in the mirror and saw that I look drained of color. Pinagpawisan din ako nang malamig kaya naman sinapo ko ang noo ko at huminga ulit nang malalim.
The fuck just happened...
"Hoy, Daiyu! Bilisan mo na! Nasa bag lang ‘yon!"
Pagkatapos namin mag-ayos ni Dani ay sabay na kaming lumabas ng kwarto. Tinitigan niya pa ako nang matagal at saka niliitan ang mga mata niya na parang sinusuri ang mukha ko.
"Anong meron?"
Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
I tried to roll my eyes and shove her face away. "What are you talking about?"
"Mukha kang natatae na ewan. Tumae ka muna, hoy. Pa’no tayo makaka-chibog nang maramihan niyan, tanga?"
Napatigil tuloy ako sa paglalakad dahil doon. "Excuse me?"
"Joke lang, offend na offend siya agad, o. Nga pala, sa’n mo nakuha ‘yang gumamela?"
"Dani, bakit ang dami mong tanong ngayon? Vogue ba ‘to?" iritadong tanong ko sa kaniya at nauna na sumakay sa elevator.
Namilog ang mga mata niya. "Inaano ka? Malamang magtatanong ako kasi may napapansin akong bago. Pumitas-pitas ka pa talaga ng gumamela d’yan."
Inirapan ko lang siya.
Pagkababa pa namin ay nakita ko agad si Rivo na naghihintay nga habang nagc-cellphone. Nang magtama ang paningin namin ay binulsa niya iyon. He looked so normal! This is so frustrating!
Nilagpasan ko lang siya kahit na naririnig ko si Dani na tinatawag ako.
Buong gabi ay sina Ate Rae lang at Dani ang kinausap ko. Hindi nga ako mabiro-biro ni Dani dahil alam niya na na masama ang timpla ko. She only concluded that Rivo pissed me off again.
I can’t understand myself, either. Mabuti na lamang at nung tumagal ay umayos din ang mood ko.
Nag-speech lang muna si Ma’am Palermo tungkol sa opening ng CSR ng Avalon. An employee then discussed the flow of the activities that will start tomorrow. Pagkatapos ay mayroong kumanta sa stage. Buhay na buhay ang gabi dahil sa ingay at tawanan.
There were different sets of bonfires for each groups. Kami-kami pa rin ang magkakasama. Nasa tapat lang kami ng bonfire habang nakikisabay sa kumakanta sa entablado.
The cold breeze of the night and the heat from the bonfire are synergizing to make the perfect ambiance. I can’t miss the beauty of the sound of waves from the shore, the voice of the singer and people talking—unifying to complete this chill and slow night.
Dani is so focused because she is kinesthetically and musically driven. She loves dancing and playing instruments.
"I-kalma mo nga ‘yang si Dani, parang gusto niya na umakyat sa stage," natatawang bulong sa’kin ni Ate Rae.
I also chuckled and looked at Dani who’s sitting next to me. Sumandal siya sa’kin habang nakatingin pa rin sa stage.
"Swabe ng boses nito. Collab kaya kami? Tagal ko na hindi tumutugtog."

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...