Chapter 16

2.2K 60 23
                                        

Chapter 16

"Daiyu, may friends ka na ba sa school? Gusto mo i-invite sila sa bahay? Para may kasama tayo mag-blow out ng cake mo. O kaya kahit sa school na lang, dadaan ako after ng work," sabi ni Tita habang nagmamaneho ng kotse.

Today is my 9th birthday. Tinanggihan ko siya at dinahilan na may gagawin pa ako.

I didn’t know why I felt guilty because of that. Tuloy ay nang nasa tapat na ako ng classroom ay inilibot ko pa ang tingin para tanungin ang sarili kung may naging kaibigan ba ako sa mga kaklase ko. I just transferred schools 2 months ago.

Papasok na sana ako sa room nang may tumama sa ulo ko.

"Boom! Headshot!" tatawa-tawang sigaw ng salarin.

"Hala, Rivo... natamaan mo si Kpop," rinig ko pang sabi ng isa.

"Sino? Siya? Abu, kasalanan niya ‘yan."

Galit akong humarap at hinanap ng mata ang nag-bato ng malaking paper ball sa ulo ko. I saw a familiar boy, grinning from ear to ear. Unti-unting nabura ang ngisi nito nang makita ako.

Sa inis ko ay binato ko rin iyon pabalik sa kaniya. He had all the chance to avoid it, but he didn’t. Tumayo lang siya roon at hinayaang tumama ang bola sa noo niya.

"Bobo," sabi ko sabay irap at pasok sa room.

Uupo na sana ako sa upuan ko nang makitang nakaupo roon iyong si Dani. Ngayon niya pa lang ginagawa ang homework namin sa Arts na paglililok sa sabon.

"Hoy, Dani! Uupo na si Daiyu! Bakit d’yan ka nag-kalat?" tanong pa sa kaniya ng isang kaklase naming lalaki.

Nag-angat ng tingin si Dani at kunot-noo pa akong tiningnan.

"Ba ‘yan..." reklamo niya pa sabay kuha ng sabon na inuukitan niya pati ng pusher.

I creased my forehead in annoyance. I don’t really like her. Kahit Vice President siya ay siya ang pinakamaingay pero hindi nalilista sa Noisy. Pasimple niyang binubura ‘yon minsan para hindi siya pabilihin ng soup. She’s abusing her power.

"Pakipunas po."

"Wait lang! ‘Di makapag-antay?"

She was cut off by our classmates. "Dani, bakit mo na naman siya inaaway? Birthday niya kaya ngayon, tingnan mo pa sa bulletin."

"Oo nga, Dani. Susumbong ka namin mamaya kay Ma’am..."

Dani looked at me and scoffed.

Nang mag-uwian na ay inilibot ko pa ulit ang paningin ko. I don’t have friends. I barely know their names. Siguro ay ayos lang naman kung kami na lang ni Tita sa bahay.

Tumayo ako habang nililigpit ang mga gamit pagkatapos mag-linis ng classroom.

Tumama pa ang tingin ko kay Dani na nakaupo sa likod ko. Hindi pa rin siya lumalabas ng room kahit kami na lang ang naiwan doon maging ang adviser namin na may ginagawa pa sa kaniyang laptop.

Akala ko ay pinasa niya na ang homework namin sa Arts pero nag-uukit na naman siya ngayon ng panibago. Humaharang pa sa mukha niya ang mahabang buhok kaya panay ang hawi niya.

I removed my butterfly clip and offered it to her. I have a spare hairband, I can use that. She doesn’t have anything but a bad temper.

"Here," sabi ko pa dahil hindi niya ata iyon napansin.

"Ano ba ‘yon?" inis niyang baling sa akin at tingin sa clip.

I rolled my eyes and placed it on her desk. Kinuha ko naman ang puting hairband ko sa bag at inilagay iyon sa ulo ko.

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now