Chapter 12
Nang magsimula ang pictorial ay inayos ko ang trabaho ko. Ate Rae and Dani accompanied me to another studio, but I insisted to let them go home first. Aksidente ko kasing nabasa sa phone ni Dani na may practice pala siya sa studio mamaya.
Nagkapilitan din kami ni Ate Rae pero sa huli ay napapayag ko rin siya na mauna na dahil baka may kailangan pa siyang aralin. Itong si Dani ay nagmamatigas pa.
"Tanga, wala kang kasama umuwi. Tara na, baka ma-late ka pa."
I made a frown. "I’m gonna be okay. Sige na. Ate..." hingi ko pa ng tulong kay Ate na nasa driver’s seat na at may kausap sa phone. She motioned Dani to get in but the latter sat on the ground.
"Dani, ‘wag mo akong umpisahan dito. I already called Rivo. Malapit lang dito ang apartment niya, ihahatid no’n si Daiyu pauwi. Get in," sabi niya nang putulin na ang tawag.
Parang ako naman ang gustong maglupasay sa lupa dahil sa sinabi ni Ate Rae. Nagduda pa si Dani kaya pinagsabihan na siya ni Ate.
I heaved a sigh then pulled my phone from the bag when Ate Rae asked me to. Binuksan ko ito at bumungad agad ang sunod-sunod na chats ni Rivo.
Hinablot iyon ni Dani, tiningnan saglit bago tumayo.
"Tingnan mo nga, ‘kala mo laging nakikipaglokohan. Get in now. At ikaw, Daiyu, ‘wag kang uuwi nang hindi si Rivo ang kasama mo."
Naitikom ko ang bibig, hinahabol ang tingin ni Dani para magbago ulit ang isip niya. I don’t want to go home with her cousin alone.
Nabigo ako nang maglagay siya ng pepper spray sa bag ko.
"‘Wag kang magbida-bida na naman, Daiyu, kapag uuwi na, ha. Sa’yo ko ‘yan i-spray kapag umuwi kang mag-isa, bobo ka. Mag-chat ka sa’kin!"
I just bid them goodbye before entering the establishment. Dumiretso ako sa studio para naman sa shampoo commercial.
Nang nag-announce na ang direktor ng wrap up ay chineck ko ang phone ko. There were a lot of messages but I chose to respond to Dani and Tita first. Hindi sila tumatawag kapag alam nilang nasa trabaho ako.
Then I pressed my conversation with Rivo.
Rivo:
dito na ko sa labas
pakitang-gilas ka lang dyan
lipad ka biglaMy forehead creased. He was already here one hour ago. Tatlong oras din kasi ang tinagal namin.
Rivo:
pinapasok ako ng guard
pak ganda ng buhok natin ah
seryoso mo naman
tingin ka ritoI surveyed around the area and spotted him somewhere farther, talking to a janitor. Nagpaalam lang ako saglit sa mga staffs at kay Devon, iyong artista na naka-trabaho ko.
Kinuha ko ang mga gamit at dumiretso sa pwesto ni Rivo. He was leaning on the wall with his bag on his chest and a water bottle in his hand.
"Hirap nga rin po ngayon, ‘tay. Grabe qualifications, dami pang requirements tapos ang baba naman ng sahod. Buti po binibigyan kayo ng bonus?"
I didn’t interfere but when Rivo’s eyes found mine, he stood properly while scrutinizing my face.
"O... siya ba hinihintay mo? Ma’am, magandang gabi po," baling ng janitor sa akin sabay punas ng pawis sa noo.
I flashed a smile. "Magandang gabi po."
Rivo snatched my things from my grip and I just let him because I was already too tired to argue.

YOU ARE READING
Running the Risk (Nightfall Series #1)
RomanceDaiyu Verity Sy is always thinking one step ahead. She studies every situation with a crazy amount of precision before she decides. If caution is personified, there's no doubt-it will be her. Running away is her forte. No one can make stop in her tr...