Chapter 28

2.3K 62 24
                                        

Chapter 28

"Gago! ‘Di nga?!"

Iritadong kinuha ni Dani ang remote at saka hininaan ang volume ng TV. Hinablot ko rin ang pala-pulsuhan niya. I don’t know if she’s mad or just stifling a laugh.

"Dani, oo nga kasi."

As if waiting for my confirmation as a cue, she laughed out loud.

"Umuwi ka na nga ro’n, oy," maangas na utos sa kaniya ni Rivo.

Hinampas ko naman iyong isa at saka kunot-noong binalingan. "Riv!"

I was stunned when Dani pulled a handful of Rivo’s hair without any trace of mockery in her face. Nakatayo na ito sa harap ni Rivo at seryosong-seryoso ang mukha. Kunot-noo lang siyang tiningnan ng isa.

"Hindi ako tutol, Daiyu. Pero kapag pinabayaan o sinaktan ka ng bobong ‘to?" Ginalaw niya ang ulo ni Rivo.

"Puta, Dani! Masakit na!" reklamo ni Rivo habang sinusubukang tanggalin ang kamay ni Dani.

Napalunok ako.

"‘Wag kang magulo!" Bumaling ulit si Dani sa akin. "Kapag sinaktan ka nito, kahit kamag-anak ko pa ‘to, ako ang unang-unang babasag sa mukha niya."

Tumango na lang ako at ngumuso para pigilan ang pag-ngiti.

"Tanga, amputa. Bakit ko ‘yon gagawin? Alisin mo na nga!"

"Tandaan mo ‘yon, Rivo. Hindi ako nakikipagbiruan. Mahiya ka kay Tita, tanga," banta pa ni Dani bago patulak na binitawan ang buhok ni Rivo at saka sumalampak ulit sa tabi ko.

Nagmura iyong isa at saka inayos ang buhok. "Hindi rin ako nakikipagbiruan. ‘Di man lang sumagi sa isip ko gumawa ng katarantaduhan," seryosong sabi ni Rivo saka ako tinapunan ng tingin.

He slowly grinned and caught my hand. "Bait-bait kong boyfriend, e. ‘Di ba?"

I rolled my eyes. "Walang nagtanong."

"Daiyu naman. Balagbag lagi," simangot ni Rivo.

Humalakhak si Dani at saka pinulupot ang kamay sa braso ko. "Feel na feel, amp. Nakakadiri! Tumaas ang balahibo ko! Ano bang nagustuhan mo d’yan?" busangot na bulong nito.

"Oh! Ano na naman ‘yan-"

Dani cut him off.

"Do’n ka nga muna sa apartment mo! Punyeta ka, makikigulo ka lang dito, e. Magsasawa ‘to sa’yo, tanga, masyado kang madikit!"

"Ba’t ‘di ikaw? Punta ka ro’n tapos untog mo ulo mo sa pader."

Napapikit ako nang mariin. I guess it’s the Jereos blood, huh?

Umusok agad ang ilong ni Dani at saka gigil na tinapat kay Rivo ang gitnang daliri niya. Hinuli ko iyon at saka hinila siya patayo.

"Makipaghiwalay sana agad sa’yo si Daiyu. Tanginamo!"

"Dani! Tama na. Let’s just go to my bedroom."

Binalingan ko si Rivo na kunot na kunot na ang noo. Sinabihan ko muna siya na kami muna ni Dani. He gave us time to chat.

Panay ang hampasan namin ni Dani habang nakahiga siya sa kama ko. I was just narrating how I made Rivo as my boyfriend when she brought up a sensitive topic. She just gave me few reminders and told me that I always have to prioritize if I am comfortable doing ‘things’ with Rivo. Wala pa naman ‘yon sa isip namin ni Rivo. He’s beyond respectful.

"Aba, dapat lang kamo! Parang siya nga ‘yung tipo ng boyfriend na nagpapagawa pa ng essay, e. Kahit sa pagiging marespeto na lang siya bumawi!"

Humalakhak ako at hinampas siya. "Dani! He’s doing good sa school nila! Ano ka ba!"

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now