Chapter 9

2.7K 63 25
                                        

Chapter 9

I took in the moment to adore the view in front of me. Dark sky, dispersed stars, full moon and the waves coming back and forth of the shore. I thought of both Science and the God who made all of these come into existence. They are beautiful. And the idea that people can learn how these things work is beautiful, as well.

"Pst, sipunin ka d’yan. ‘Di ka giniginaw? O," sabi ni Rivo sabay abot sa akin ng isang baso ng fresh milk. Thank the heavens, it’s almond.

Tinanggap ko iyon. "Thanks."

The corners of his lips rose.

Tumabi siya sa’kin at pinatong ang braso sa railings. May hawak din siyang baso ng fresh milk habang nakatingin sa view.

I thought he’s going to ask me about what happened with Brian earlier but he just stood in silence with me.

"Anong ginawa ni Santiago kanina sa inyo? Tigas ng mukha no’n e." Tuluyan na siyang humarap sa’kin.

"Binalik nila ‘yung phone ko kanina, nahulog kasi. S’yempre, nag-thank you ako ’di ba? Tapos sabi niya, if thankful daw ako, uminom daw kami ni Dani with them."

His eyebrows furrowed. "Halatang ‘di mapagkakatiwalaan, e ‘no? O, tapos? ‘Di ka pumayag?"

"Of course! I declined, tapos nag-offer ako ng pera as a reward since grateful nga ako sa pagbalik nila ng phone sa’kin. Then, ayon na, he blabbered things like average-looking lang daw kami ni Dani tapos kaya niya raw kaming bilihin kineme."

"Kapal naman ng mukha niya. Parang nilait niya na rin buong angkan namin no’n. ‘Wag mo nga pagsasamahin si Dani sa’yo, nasasabihan din ng average-looking, e. Pwede namang ikaw na lang—Ah!"

I glared at him after I hit his arm. He chuckled.

"Joke lang... joke lang. Ito, galit agad. Sige na, sige na. Ano na sunod na nangyari?"

"Ewan ko sa’yo, Rivo. ‘Wag na. Bumalik ka na nga ro’n sa inyo."

"Hoy, joke nga lang, e. Ito na, ‘di na ‘ko sasabat, promise. Ano na nangyari?"

"Where was I nga?" matabang kong tanong.

"Nandito, ‘di ka naman umalis, e," seryoso niya pang sabi.

Napapikit ako nang mariin at sinipa siya sa binti. Akmang papasok na ako ulit sa loob nang hilahin niya rin ang likod ng shirt ko pabalik habang tumatawa. Panay naman ang hampas ko sa kaniya pero sa lakas niya ay wala man lang akong kalaban-laban.

"Rivo! Bitawan mo ‘ko! Isa! Papasok na ‘ko sa loob!"

"‘Di pwede. Tapusin mo muna kwento mo. Seryoso na, dali. ‘Di mo pa nga rin ubos ‘yan, o," sabi niya sabay nguso sa gatas ko.

Inirapan ko siya.

"Ayon nga, sinabihan kami ng average-looking ‘di ba? I was like, ‘Excuse me?’ tapos ayon, nasabihan ko tuloy siya na low-grade ‘yung hitsura niya. Obviously, he got mad. Ano ‘yon, kapag ako nilait, dapat magpasalamat pa ‘ko?" irap ko pa.

I saw Rivo pushed his tongue to his cheek, suppressing a smile.

"True," tanging nasabi niya lang na ginaya pa ang usual na tono ko roon. "Hayaan mo, susumbong ko pa rin ‘yon sa tatay niya."

I stared at him, remembering how he held me by the waist to put the gumamela on my ear and how he drew looks at me earlier.

Uminom siya sa baso ng fresh milk.

"Anyway, Rivo, were you flirting with me kanina?" direktang tanong ko na ikinasamid niya.

Umubo-ubo ito at hinampas-hampas pa ang dibdib.

Running the Risk (Nightfall Series #1)Where stories live. Discover now