Chapter 44

1.7K 39 20
                                        

Chapter 44

Dani and I ran towards the commotion. Si Enzo sana ang tatawagin ko pero inutusan ni Cami. I’ll rescue the child myself.

Nang makalusot ako ay nakita ko ang walang kwentang pagtapik ni Chico sa nakabulagtang si Rivo. Para akong natuklaw sa kinatatayuan.

Si Rivo ang nalunod? But he knows how to... At akala ko ba bata? Bata ba ‘to? Fuck!

"Daiyu! Nandito ka pala!" masayang bati sa akin ni Ron.

"Ayaw magising! Anong gagawin?!" Chico shouted at me.

Napakurap-kurap ako dahil doon, dagdag pa ang ingay ng mga tao sa paligid na pine-pressure na akong i-CPR ang nalunod kuno.

I creased my forehead and tried to put all my personal feelings aside. Mabilis akong kumilos para makalapit.

"Tabi d’yan," pagtataboy ko kay Chico.

Ngumisi si Chico at itinagilid ang ulo. "All yours."

I heard Dani muttered curses.

Pumwesto ako sa gilid ni Rivo. I can’t help but notice the bruise on his cheek. I can also tell how his body became even more toned and fit. It seems like he grew taller and his skin turned a shade darker than before.

My heart beat erratically as I gave him chest compressions. I let my mouth seal over his. Hindi ko na alam kung ano ang puno’t dulo ng kaba ko—kung ang hindi niya paggising o ang pagkaka-lapit naming dalawa pagkatapos ng ilang taon.

"Please... please, wake up..." I whispered while pushing his chest.

Ilalapat ko na sana ulit ang bibig ko sa kaniya para bigyan siya ng hangin pero bigla siyang nagmulat ng mga mata. He stared right into my eyes in an intense way that I had to look away immediately.

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. Tumingin siya roon bago tumingin ulit sa akin. Umupo siya.

"Salamat... Daiyu."

Mabilis akong tumango at kinuha agad ang kamay ko. Lumayo ako agad doon kahit na rinig na rinig ko ang sinabi ni Chico.

"Para-paraan! Tanginamo!" singhal nito sabay halakhak.

"Huy! Tangina niyo, joke lang ‘yon? Hindi nakakatuwa!" sigaw ni Ron.

Mas lalong kumulo ang dugo ko. Halos manginig ako sa pinaghalong kaba at inis. Narinig kong pinagmumura ni Dani sina Chico. Bigla namang sumulpot sa magkabilang-tabi ko sina Denver at Lloyd. Nagtanong-tanong lang ang mga ito sa nangyari at sinamahan na akong bumalik sa suite namin.

Hindi na ako nag-isip pa at humablot na lang ng denim shorts sa bag para magbihis. Inimis ko ang mga gamit pagkalabas sa CR. Tahimik na lang na gumaya rin sina Denver. Nagpaalam ako kina Camila na mauuna nang umuwi.

I just briefly told them the details and bid my goodbye. I told them that I’m going somewhere first. Pagkatapos noong ginawa ko ay dumiretso na agad ako sa exit kung nasaan sila. I was shocked when I saw Ron. Nandoon na rin ang nakakunot-noong si Dani.

"Daiyu!" sigaw ni Ron.

Tinakbo niya ang distansya namin at agad na yumakap sa akin. Gulantang pa man ay unti-unti ko ring tinapik ang likod niya.

Nang humiwalay siya ay hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. I drew a small smile.

"Ang tagal mong ‘di nagpakita! Lahat na tinanong ko, ayaw nila akong sagutin. Ang dami mong utang na kwento sa’kin. Ilang taon ’yon, Daiyu! Kahit chat, wala," nakasimangot na sabi niya.

Tumawa ako. "Nagbago na ako ng account. I’m sorry, ia-add na lang kita. It’s nice to see you again. Pero next time na siguro tayo mag-catch up ‘no? Kung... magtatagal ka rito sa San Lorenzo? Kailangan na kasi namin umuwi, e."

Running the Risk (Nightfall Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن