Stop and Stare

981 28 0
                                    

Enrique's POV

Ang kulit naman ni Diego. Tanong ng tanong about kay Hope. Halata naman type niya si Hope eh. Di siya maka paniwala na kilala ko si Hope. Mas lalo pa siyang nangungulit kunin ko daw number. Ayoko ko nga kami nga one week ng magkilala wala pa akong number niya. Tapos hihingan ko pa siya? Nako naman. Di nga ko maka hingi ng number sa kanya eh. Alam ko naman na maraming nagkaka gusto kay Hope sa ganda ba naman niya at sa sobrang bait. Sino ba naman di mag kaka gusto sa kanya. Balita ko nga dito sa school meron sa kanyang may gusto na varsity player ng basketball si Kobi Paras. Sikat siya dito isa kasi siya sa mayaman sa university nato. Tsaka ang daming nagkaka crush din sa kanya halos nga ng babae dito siya yung pinag uusapan. Siguro pag pinormahan nito si Hope. Siguradong may pag asa siya. Samantalang ako nako zero na agad. Tsk ano ba yan Enrique ang torpe mo naman. Wala eh, hanggang tingin nalang ako sa kanya. Pang second week na pala namin kay nag start namagpa try out ng mga players sa iba't ibang sports sa school namin. Pinag iisipan ko pa kung sasali ako ng basketball. Ang balita ko kasi pag naging isa ka sa varsity player ng school half ng tuition fee mo ay sagot na nang school. Mahilig naman akong mag basketball. Nung nasa Spain ako dun kasi ako nag aral ng grade school hanggang first year High School. Player ako ng school namin kaya marunong din ako mag basketball. Favorite sport ko talaga yung basketball. Naglalakad ako ngayon dito sa hall way namin. Wala kasing class kasi try out day ngayon. Pinag iisipan ko pa yung basketball thing na yun. Maya-maya lang nung nasa malapit ako sa field namin nakita ko si Hope! Oo si Hope siya nga yung nakita ko. May photo shoot siya eh. Para siguro sa school namin to. Naka lugay lang yung buhok niya tapos kinakausap niya yung kasama niyang photographer. Medyo malapit lang ako ng konti sa place kung nasaaan siya kaya abot tanaw ko. Habang pinag mamasdan ko siya. The more na nagkaka gusto ako sa kanya. Ang amo ng mukha niya tapos ang simple lang kasi niya. Bat ba kapag nakikita ko siya tumigil yung mundo ko. Siya lang yung nakikita ko. Kaya ite naka tingin na naman ako sa kanya hanggang tingin lang naman ako. Tss "Hoy! Anong tinitingin-tingin mo sa Best friend ko?!" Sabi ng babae sa likod ko. Kaya nagulat ako pagtalikod ko si Michelle pala! Nako naman. "Wala ah. Yung anoo.. yung.. Field tinitingnan ko ang daming tao." Haha natawa ako sa sagot ko. Medyo may pagka engot talaga ako kapag natataranta. "Sus, crush mo siya no?" Sabi ni Michell nang aasar ata to eh. Sabay kamot ko sa batok ko."Hindi ah. Aalis na ko. Sige bye." Sabi ko sa kanya. Tapos dali akong umalis di nako tumitingin sa dinadaanan ko. "Quen! Quen!" May tumatawag sakin familiar yung boses. Nagtaka pa ko eh si Hope lang naman yung nakaka alam ng nickname ko. Pucchaa naman Hope. Di pa ko nakaka layo oh. Nagtago na nga ako sayo kanina tapos makikita mo rin pala ako. Haist huminto na nga ako. Tapos nilingot ko siya tsaka ngumiti. "Ohhh Hi Hope." Sabi ko sa kanya tinitingnan ako ni Michelle na parang nang aasar. "Sabi ni Michelle nandun ka daw kanina sa photo shoot ko." Sabi niya na nakangiti. Tiningnan ko ulit yung best friend niya. Tapos nag salita siya ng silent lang pero na gets ko. Sabi niya aminin mo na kasi. Di ko siya pinansin. "Ano .. ano kasi.. wala.. ahh.. anoo.. napadaan lang ako." Sabi ko sa kanya. "Ahhh. Napadaan pala yung ang tagal na nakatayo dun." Sabi ni Michelle. Habang naka ngiting sarcastic. Nag smirk lang si Hope. Ako naman pinapawisan na. Nakoo pahamak naman si Michele nato. "Tapos na yung photo shoot mo?" Sabi ko sa kanya syempre para change topic. "Yeaah, it's done na. Actually pupunta kaming canteen. Want to join us?" Tanong niya since wala naman akong gagawin at kaka galing ko lang din sa canteen kanina para mag trabaho. Papayag nalang ako tsaka nagugutom na din ako. So babalik na naman ako ng canteen. Hahaha sawa na siguro si manang sa pagmumukha ko. Haha "Sige." Sabi ko tapos nag smile siya sakin. So yun naglakad kami papuntang canteen. Agad din naman kaming naka hanap ng pwesto. Kaya yun o-order na ko ng pagkain na volunteer na ko na ako ma yung bibili ng foods nila. "Okay lang sayo?" Tanong ni Hope. "Oo naman." Sabi ko sa kanya. "Thank yoouu." Sabi niya sagot ko naman welcome malamang.

Im No Superman(LizQuen Fanfiction)Where stories live. Discover now