Chapter 45

410 38 3
                                    

“Pero hindi ako mamimilit. You don’t love me anymore and I’ll accept it…ayokong mas lalo kang masaktan.”

I felt the lump forming in my throat as I heard how weak his voice was.

“Just let me stay by your side…and if you decide to love someone else then, I’ll leave.”

Hindi ko mapigil na manlambot sa mga binitawan niyang nga salita. This isn't right at all.

“Pero Pierce…ayokong pagbawalan ka sa mga baga—”

Kaagad siyang umiling sa akin.

“I’m not interested in anything aside from you and Luca. You are not closing any doors for me…unless you cut ties between us..iyon lang, Liberty. So let me stay here, and be by your side.” Nagsusumamo nitong pakiusap.

I bit my lips and looked at him, weighing all the possible scenarios in my head. Wala namang masama sa sinasabi niya, and my main concern is that I don’t want him to feel suffocated with his responsibility over Luca but if he feels otherwise then…I’ll let him.

Unti-unti akong tumango at napaiwas ng tingin.

“Ikaw na ang bahala sa kung ano ang gusto mo…have a good night.”

Iyon lang at tuluyan na akong tumayo at tumalikod. Ramdam ko ang bigat ng bawat apak ng paa ko pero mas mabigat ang dibdib ko.

I closed my door right after and felt the loud beating of my heart. Sumandal ako sa likod ng pintuan ko at tumingin sa kawalan habang ramdam ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko.

Umiling ako sa sariling nararamdaman.

Sa kanya lang talaga ako nakaramdam ng ganito…and it is always a bad news on my part. Dapat natuto na ako pero hindi ko pa rin maturuan ang sarili ko. I feel so bad and suffocated with my own feelings, I shouldn't let it consume me.

The next morning, I was hesitant to get out. Bukod sa hindi ako komportableng isipin na nandito siya ngayon sa pamamahay ko…I really thought he would just visit Luca and have some sleepovers but it wasn’t the case.

He will live here…unless I get a husband!

I don’t even plan on entering any other relationship, mag asawa pa kaya?

Nang may kumatok na sa pintuan ko, kasabay ng matinis na pag sigaw ni Luca sa tapat ng kwarto ko ay napilitan akong tumayo.

Nakaligo na rin ako at nakapambahay pero pinili ko lang talaga na hindi lumabas. Kaya naman wala na akong nagawa sa huli.

“Mama, Papa cooked breakfast for us!”

Hindi ko pa tuluyan na nabubuksan ang pintuan ko ng hinila na ni Luca ang kamay ko papunta sa hapag.

Pierce already prepared everything. Kulang na lang ang mga kakain.

I sat down and I couldn't even bear looking at him. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero pilit ko iyong pinagsasawalang bahala.

“Good morning.” He uttered and I didn’t have a choice but to look at him, who is now sitting across mine.

Napatikhim ako ng wala sa oras. “Good morning too.”

Pinilit kong buuin ang boses ko pero hindi ko mapigilan na mapaawang ang labi ng makita ko ang pagod sa kanyang mukha, he is sweaty too despite our our air conditioner.

“Ma’am sinabihan ko naman po si Ser na ako na lang magluluto pero pinagbawalan po ako, eh.” Ate Percy interjected as she get her own breakfast in the kitchen.

My eyes remained on Pierce who is now wiping his sweat off with his white towel.

Alanganin siyang ngumiti sa akin. “Sorry, nakakahiyang aminin pero…I’m not that used to cooking for three people and cooking in general…”

Midnights with Pierce Psyche EsquivelOnde histórias criam vida. Descubra agora