CHAPTER 2

2.9K 48 17
                                    

[ERIS]


Oo na! Sasabihin ko na kung nasan kami. Andito kami sa secret place namin. Bandang likod ito ng school Natatakpan na man 'to ng mga dahon kaya di agad nakikita. At isa pa, dating playground ito ng mga Elementary ng kabilang school. Yung All-Girls School. Yung dati kong school, actually. Tama pala. -_- Ako pala nagpatayo nito dati. HAHAHA! Nakalimutan ko yata.

Napansin ko naman na may kasama pala ako. Nakalimutan ko. Epekto 'to ng kabobohan ko eh!

"Dali! Akyat na!" Naunang umakyat yung kalandian ni Dylan kanina. Napansin kong di sumunod si Sapphire at kumuha ng stick sa bulsa niya. Magsi-sigarilyo nanaman. Tss.

Akamang sisindahan na kasi niya ng bigla ko siyang sinigawan, "HOY SAPPHIRE!!! GUSTO MO BANG MAMATAY NG MAAGA?!!! UTANG NA LOOB, TIGIL-TIGILAN MO YAN!!!!!" Agad na man niyang natapon yung cigarette niya. 

"Tss. Nakakabingi na man yang bunganga mo! Kanina ka pa ha." Aba! Aba! Aba! "tong babaitang 'to tinatarayan ako ah!

"Umakyat ka na nga lang!!" Umakyat na siya at ako nasa baba lang. Hinihintay ko yung mga bird brains na yun! Tagal na man eh.

[ZOE]

"Tang*na! Saan na ba yung babangasan natin? Kating-kati na 'tong kamay ko manabunot at manuntok eh!!" Ito talagang si Yesha, kahit kelan ang hilig sa gulo. 

Paano ba na man kasi 'tong si Jaili?! May nakaaway daw kahapon kaya ayun! Inaabangan namin ngayon! Natawa na nga lang kami nung nakita naming may sulat sa noo niya eh.

Zyshiee Scarlette Villafuente daw yung pangalan. Grr. 

"Nakoo!! Kung sino man yang babaeng yan, hayaan niyo na! Sayang sa oras eh! Ano ba! Tara na nga!!" Agad ako naglakad papuntang secret place namin magbabarkada. Oo, magbabarkada kami nila Eris. Sabay-sabay kaming lumipat dito sa Kingston University kasi araw-araw na lang namin binu-bully yung principal namin sa AGS. Panot kasi eh. parang Minion.

[KIANA] 

BURRRRRRRRRRRRRRRRP. Grabe! Busog na busog na ako! Di ko na keribels 'to!! Kanina pa ako kain ng kain. 

Nagpahinga muna ako sandali. Mygolliness! Ano bang kailangan ni Eris ngayon? Sigurado ako, may plano nanaman yun. Haynako! Ewan ko nga ba!!

"KIANAAAAAAAAAAAAA!!!!" Napalingon ako sa sumigaw. Alam na alam ko kung kaninong tili yan! Kay Martha. 

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now