CHAPTER 19

1.7K 25 23
                                    

Naloloka na ba kayo sa sunod-sunod ko na update? Matagal-tagal din akong nawala. Matagal-tagal din ang hinugot ko na oras. Kaya maraming pumasok sa utak ko! 

BTW, sa mga readers ko maraming salamat! :) Subaybayan niyo ho sana to. May balak kasi akong ipa-50 chapters to. Subok-subok lang. Hanggang 40 chap lang kasi yung Two Hearts ko. Hehe. 

And, hindi na ito dedicated kay Yayanderella! HAHAHA! Dedicated na 'to kay asrah028 dahil thankful ako na nakausap ko siya sa skype. :3 Me is kinikilig! :D

--

"Sigurado ka bang papasok ka na?" Ilang beses na ba tinanong sa akin 'to ni Ate? Pang-sampu o pang-dalawampu?

"Ate, isa pang tanong makakatikim ka sa akin." Tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang susuko sa pulis at nag roll eyes tapos umakyat sa kwarto.

Papasok na ako ngayon. Hindi ko pa nga alam kung galit sa akin si Yesha. P-akshit na man, oo! Ang dami kong pinoproblema sakanila! Sa ganda kong 'to nagkakaproblema ako. Bwisit!

Napansin kong nagriring ang phone ko. Di ko na tinignan kung sino ang caller at sinagod ko to agad.

"Hello? Sino 'to?" Lumabas ako ng bahay at pumunta ng parking lot.

"Hi Zy. Remember me?" Anong remember me? Sira ulo na ba tong babaeng to? Tss.

"Hoy hampaslupa. Wala akong panahon para makipagtsikahan sayo. Kung wala kang matripan pakamatay ka na lang." Pumasok ako sa sasakyan ko at nilagay ko ang bag ko sa may passenger seat.

"Tsk. Ang hina talaga ng utak mo ever. Si Neko to. Ano ba!" Bigla ako napatigil sa pagtusok ng susi sa para ipaandar ang sasakyan ko.

"Anong kailangan mo sa akin mukhang katulong?" Napa-tss na man siya at tumawa ng mahina. Kailangan ko ba i-illustrate tong ginagawa ng babaeng to? Pake ko ba dito? Kabanas lang.

"I missed my bestfriend so much! Tara hang-out na man tayo." Hang-out mo mukha mo!

"Alam mo, Neko. kung puro kaplastikan lang yang alam mo sa buhay magpasunog ka. Bagay ka sa mga basura sa may payatas. Magsama-sama kayo."

"You're still a bitch ever. Come over! Andito ako sa tapat ng Kingston Univeristy and I hate their stares ah! Bilis na girl." Di na ako sumagot at tinapon ko ang cellphone ko sa gilid at umalis na ako sa bahay.

Ano nanaman bang trip nung babaeng yun? Di pa ba siya tapos sa akin? Bwisit na to. Nakuha pang pumunta dun sa K.U. Lakas ng loob.

[KINGSTON UNIVERSITY]

"Finally you're here." Sabay yakap niya sa akin. 

"Ano ba. Wag mo nga ako mayakap-yakap. Panget panget mo." Nag-pout na man siya at nag-flip hair. Anobayan! Puro kuto. Kadiri talaga tong hampaslupa na to. Hampasin ko sa lupa to eh!

"Tara na kasi! Hang-out na." At kumabit siya sa braso ko. Kainis. Dati si Martha ngayon itong si Neko. Mas minabuti ko pa ata na si Martha ang kumakabit sa braso ko kesa sa katulong na to.

Pumasok ako ng K.U tapos siya eww ng eww. Pupunta punta dito tapos mandidiri. Sabunutan ko siya jan eh!

"Oh anjan ka na pala Zy." Salubong agad ni Aaron sa akin at inakbayan niya ako. Di niya ba napapansin na may kasama ako? Tsk. Kung sabagay di na sila magtataka. Mukhang alalay ko lang tong si Neko eh.

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now