CHAPTER 31

1.1K 15 2
                                    

Omg! Salamat sa support niyo sa story! Sa tingin ko 9 more Chapters, matatapos na ang Kingston University. Pero who knows? Baka may bago nanaman akong twist. haha. :> At pipilitin kong alalahanin yung sinulat ko sa notebook ko habang nagbabakasyon kami nun. Naiwan ko kasi yung notebook eh. Sayang. Haha.

Follow niyo ako sa Twitter kahit di ako active jan! haha. @MPepperWatty

**

"What am I ever gonna do with you, Zy?!!!" Naalimpungatan ako sa sigaw ni Eris sa akin. Ang sakit ng ulo ko. Paano ako nakauwi?

"Calm down, Eris. Masakit pa ulo niyan." Pagpapahinahon sakanya ni Kiana. Friends na talaga sila. Who cares. -_-

"Paano ako nakarating dito?" Tanong ko.

"Well, kagabi kasi may katok nang katok dito sa room. Dinala ko pa nga yung baseball bat ni Drew galing dun sa Kwarto niya kaya ayun. Binuksan ko tapos papaluin ko na sana kaso nagulat ako na buhat-buhat ka niya and you're tracing you hands towards his lips." Napaupo naman ako kaagad dahil sa sinabi ni Yesha. Damn it! Ang sakit ng ulo ko. "Kalma lang. Tapos ayun nga Charles ka nang Charles. Tapos tinanong niya sa akin kung asan daw kwarto mo tinuro ko 'to tapos hiniga ka niya. Ang gwapo ni Kuya! Asan mo nabingwit yun, Zy? May pamalit na ba si Charles?" Sumakit lalo ang ulo ko sa narinig ko. Magmomove on na ako sa pangalang yan. Nakakairita!

"Charles's already awake, Guys." Sabi ko kaya silang tatlo napanganga agad. Kaming apat lang kasi nila Eris ang nandito. Baka yung iba nasa tambayan o classroom.

"H-how? Nakita mo ba siya?" Tanong ni Yesha.

"Yes. Nakita ko siya sa Engagement Party ng kapatid ko. And guess what." Umupo naman sila sa kama at handang-handa marinig ang mga chismis na ipaparinig ko sakanila. "Charles is my sister's Fiancee."Automatic na napanganga silang tatlo at ako nakayuko lang. Naiiyak nanaman ako. Damn!

"What?!/How?!/When?!" Sabay-sabay nilang tanong. 

"Kagabi ko lang rin nalaman. And I did made a scene tapos tinanong ko si Charles, ang sabi niya di niya daw ako kilala. P-utangina niya." Pinahid ko naman ang luhang tumulo sa mga mata ko. Hindi ko alam na masasaktan pala ako ng ganito. 

"Baka may Amnesia? Pero last month lang kakabisita natin kay Charles, buhay na agad siya. Ganun ba ang comma?" Agad binatukan ni Eris si Kiana. Paminsan kasi tanga 'tong si Kiana eh.

"Malamang may Amnesia. Ano yun nagpapanggap lang? Duh!" Sabi ni Eris. Tsk. Dito pa ata mag-aaway yang dalawa. Nakaka-stress.

"Ano nang balak mo, Zy? Hindi naman namin pwedeng gulpihin yung kapatid mo. Problema niyo yun." Kumuha ako ng tubig galing sa ref dito sa kwarto ni Yesha at bumalik sa kama ko.

Napag-isip isip ko lang. Bakit nga ba ako nagkagusto ng ganito kay Charles? Parang kelan lang nung sinabi ko kay Dylan na mamamatay muna ako bago ako magkagusto kay Charles. Edi magpapakamatay na ako? Labo ng buhay. Bwisit.

"Di ko alam. Wala. Wala akong magagawa. Pamilya ko babanggain ko? T-angina." Natapon ko yung baso sa dingding. Nakakabwisit na! Sobra sobra!

"Okay lang. Baso naman yan ni Drew. Eww ha! Share share kayo ng saliva, Zy? Hahaha!" Tinignan ko ng masama si Yesha kaya natahimik na lang siya. Ano bang pake ko dun sa Drew na yun? Dagdag problema lang.

"Kailangan natin 'tong sabihin sa iba." Sabi ni Eris. Siguro nga tama siya. Kailangan ko rin ng tulong nila. Sila yung matagal nang kaibigan ni Charles.

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon