CHAPTER 26

1.5K 24 2
                                    

Naalimpungatan ako ng may bigla akong naramdaman na sumampal sa pisngi ko. Tang*na na man oo. Sa lahat ng sasaktan pisngi ko pa. Babawi na sana ako ng naramdaman kong mahigpit na nakatali ang kamay ko sa upuan. Nilibot ko ang paningin ko. Wala kami sa room namin ni Charles. Tinignan ko yung sumampal sa akin.

"Gette." Agad umusok ang ilong ko pagkakita ko sa mukha niya. Bwisit. Sumasakit ulo ko!

"Oh hello there little princess. Akala mo papalampasin ko lang ang ginawa mong pamamahiya sa akin sa harapan ng school?" Umupo siya na para matapatan ang mukha ko at hinawakan niya ang chin ko. "Hindi ko talaga alam kung anong nakita sayo ni Charles." Napapikit na man ako agad nang bigla kong naramdaman ang pag sampal niya sa akin. Nakakadalawa na itong bwisit na kuneho na ito ah! Papabugbog ko 'to kay Cedric Lee!

"Asan si Charles?" Tanong ko. Siya kasi ang humila sa akin kanina. Posibleng kasabwat niya itong kuneho na ito? Punye*a. Mav-Vhong Navarro ako neto! Piso lang sa akin ang 2 Million pero pwede ko na idonate sa Charity yun!

"Oh. Ang cute. Hinahanap ang love of her life niya. He's right there." Tinuro na man ni Gette kung saan nakapwesto si Charles. Nakita kong nakagapos siya sa isang upuan na kulay brown at nakayuko lang siya. Napapalibutan siya ng limang lalaki at sinusuntok nila si Charles. Tang*na! Oras na makawala ako dito susunggaban ng kamay ko ang pagmumukha ng Kuneho na ito.

"STOP PLEASE!! STOP!!!" Pagmamakaawa ko. God! Sana nasa tabi ako ni Charles para maprotektahan ko siya.

"Tigil muna. Babalikan na lang natin itong mga to mamaya." Tinignan ako ng masama ni Gette saka lumabas. Tinignan ko na man si Charles. Sinaksak pa ata ang paa niya. Tumayo ako hanggang sa makakaya ko. Paika-ika pa ako maglakad.

"Charles. Charles. Gising. Ayos ka lang ba?" Sabi ko habang tinutulak ko ang ulo ko sa ulo niya para maangat niya ang ulo niya.

"I'm in a blood bath and my knees are hurting like hell. My face is ruined. And I feel numb. Yes I'm okay. Tsk." Kinagat ko ang braso niya. Bwisit na ito! May nalalaman pang biro eh hawak na ni Kuneho ang buhay naming dalawa. Bwisit."ARAY NA MAN ZYSHIEE!!" Sigaw niya. Buti nga. "Napakasadista mong Girlfriend!!" Sinamaan niya ako ng tingin at sinamaan ko rin siya ng tingin. Tsk.

"Tinatanong ka ng maayos jan eh! Bwisit na ito! Ano bang nangyari?! Akala ko dadalhin mo ako sa room natin?!" Tapos magme-make love tayo. Ahihi. Hagikhik ng utak ko. Aba peste. Naisip ko pa yun sa kalagayan namin. Tsk.

"Tsk." Aba! Wala ata akong balak sagutin nitong bwisit na 'to!!

Humarap ako sakanya at umupo at sinipa ko ang paa niya.

"ARAY NA MAN!!! ISA PA ZYSHIEE!! ISA PA! HINDI AKO MAGDADALAWANG-ISIP NA HIWALAYAN KA!!" Ang sama na ng tingin sa akin ni Charles. Tinignan ko na man ang mukha niya. Yung mga mata niyang kulay brown. Ang deep. Sobrang deep. Nakikita ko ang mga sakit sa mga mata niya. Baka dahil lang sa ginawa ko. Napatingin na man ako sa mga pisngi niya. Puno na ng pasa at may mga konting dugo. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Those red soft kissable lips ngayon may cut na siya sa upper and lower lip. All in all ang gwapo pa rin ni Charles kahit nabugbog na siya't lahat. Ano ba na man itong mga iniisip mo Zy! Tumino ka nga.

"Edi hiwalayan mo ako. Tsk." Dahan-dahan akong tumayo pero agad niyang hinarang ang paa niya para maging dahilan ng pagkadapa ko.Binubwisit talaga ako ng lalaking ito eh!

"Arhhhh!!!! Bw--" Kakagatin ko na sana ang pisngi niya dahil sa sobrang inis ng bigla kong naramdaman ang labi niya sa labi ko. Agad lumaki ang mata ko at tinignan ko si Charles. Nakapikit lang siya. Gumalaw ang mga halik ni Charles at napapikit na lang ako ng naramdaman ko na gustong pumasok ng dila niya sa loob kaya hinayaan ko na lang siya. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko at umupo ako sa lap niya. Gusto kong hawakan ang mga leeg niya to pull him closer kaso nakagapos ang mga kamay ko. God! I want this kiss na lumalim pa lalo! Charles' kisses are driving me crazy.

.

Unang humiwalay sa halik si Charles at dinikit niya ang noo niya sa noo ko. Humahabol ako ng hininga dahil dun sa ginawa niya. God! Nawala lahat ng inaalala ko kung paano makakalabas dito sa bwisit na lugar na to!!

"Zyshiee don't you ever agree pag sasabihin kong hihiwalayan kita. Kahit hiwalayan mo man ako. O hiwalayan kita hahabulin pa rin kita." Hindi ako nakasagot agad dahil binigyan niya ako ng smack sa lips.

Shet na man oo! Room please! Get us a room please! Charles has his own ways para mapakilig ang isang babae at iba sa feeling yun. Ang sarap. Ang sarap pakiligin ng isang Charles Ocampo.

"Teka! Paano ka nakawala? Diba may tali yang mga kamay mo?" Pinakita niya sa akin ang kutsilyo na ginamit niya para maputol yung tali sa kamay niya.

"Parati ko 'tong dala. Now, mag-iisip ako ng paraan para makatakas tayo dito." Inikot niya ang paningin niya sa isang bulok na hindi ko alam kung ano ito. "Bahay nila Gette ito. Tsk." Agad sumalubong ang kilay ko at tinignan siya ng masama. Bwisit! Nakapunta na pala siya dito. Grr.

"NAKA--" Hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko kasi bigla nanaman akong binigyan ni Charles ng smack sa lips.

"You're cute when you're jealous." Sabay ngiti niya. Kahit nahihirapan siyang ngumiti nagawa niyang ngumiti sa akin. Yung ngiting sasabihin na ligtas ka sa akin. I feel protected. Umalis ako sa lap ni Charles at tumayo siya pero nabigo siya dahil napaupo siya ulit. Masyadong maraming saksak ang nasa paa niya at nakita kong medyo namumutla na si Charles.

God damn it Gette! Oras na makakawala ako dito hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!

**

Twitter: @MPepperWatty

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now