CHAPTER 35 (PART 2)

874 14 2
                                    

"Shishi!! Where are you going?" Tanong ni Martha sa akin.

 

"Magpaparty" Sabi ko habang naglalagay ng eyeliner sa mata ko.

 

"At hindi mo kami isasama?" Tanong ni Eris.

 

"Pwede naman kayo sumama kaso baka pagod kayo."

 

"Ano ba kasing meron at ganyan ka kung magpaganda? Gigimik ka ba talaga o magdedate?" Napatigil ako sa paglalagay ng eyeliner sa tanong ni Yesha.

 

Bored ko siyang tinignan at tinaasan ng kilay, "Both." Humarap ulit ako sa salamin at nilagyan ang kabilang mata ko ng eyeliner.

 

"Asan kayo pupunta ni Charles?" Kumunot agad ang noo ko sa tanong ni Eris. Seriously?! Bakit ako ang nasa hot seat ngayon? Bawal na bang gumimik?

 

"Hindi si Charles ang ka-date ko. Yung lalaki kanina." Sabi ko at nilagyan ng lipstick ang lips ko. Bloody red.

 

"OMG! Yung pogi!! OMG! Sama kami! Hoy hintay ah!!" Sabi ni Yesha at tumakbo na sa closet. Presidential suite kasi 'tong pinili namin. Gusto ko sana ng normal lang na kwarto para ako lang mag-isa dun kaso ayaw nila Martha. Daming arte. -_-

 

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I smiled bitterly upon seeing myself in the mirror. Sigurado akong maraming lalaki ang titingin sa akin.

 

"Oh god, Zyshiee!! Wala nang short short?" Halos lumuwa na ang mata nila Yesha sa suot ko. So what?

 

"Normal na 'to. Tsaka ano ba? Bilisan niyo nga? It's already 9:45pm. 10pm ang usapan namin nung Sexy bad boy na yun." Tinignan ko ang cellphone ko 9:55 na pala. Asan ko nakuha yung 9:45? -_-

 

"Oo na! Ito na. Ready na kami.. Oh god, Zyshiee!! What on hell are you wearing?!" Napa-roll eyes na lang ako sa reaction ni Eris.

 

"I'm wearing a dress? Oh please guys! 21st century na. Ayoko magmukhang manang sa gimikan no." Umupo muna ako sa kama at hinintay sila. Seiously. These guys are wasting my time.

 

Hindi ko na hinintay ang sagot nila kasi biglang nag-ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. I smirked.

 

"Hey.." Sabi ko. Ito yung lalaki kanina sa Airport. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.

 

"Andito na ako sa labas."

 

"Okay. 5 minutes." Binaba ko na ang phone call at bumalik kela Yesha.

 

"Seriously guys? Iiwan ko na kayo! Sunod na lang kayo. Okay? Bye." Nakipag-beso beso pa ako sakanila at ayos lang naman sakanila.

 

Pag baba ko nakita ko pa sa Lobby si Charles. Nakatitig lang siya sa akin. Kasama niya sila Dylan. Bahala nga kayo jan.

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now