CHAPTER 25

1.6K 22 2
                                    

Bumalik ang ratings ng story! Alam niyo bang napapangiti niyo ako pag bumabalik ang ratings ng story? Hart hart readers!! :)

**

"Ano nanaman ba itong kalokohan mo Yesha? Hindi porket lahat tayo dito walang kwenta at mga walang utak atleast pairalin mo na man sana yang pagiging tanga mo sa Love!! Hindi yang puro ka iyak jan! Pinagsabihan na kita dati eh!!!! Bwisit!!" Tinapon ko yung hawak kong cellphone. iPhone pa man din. Hayaan na. Bibili na lang ako. Badtrip kasi itong si Yesha!!!

Sinabihan ko na ito eh!! Kaso tatanga tanga!! Ayoko pa na man sa lahat may umiiyak na isa sa kaibigan ko. T-angina lang!!

"Charles. Alis muna ako. May pupuntahan lang." Aalis na sana ako kaso biglang hinawakan ni Charles ang kamay ko.

"Zy, saan ka pupunta? Sasama ako. Baka may mangyari pang masama sayo." Hinawakan ko ang kamay niya at umiling.

"Ano ba! Nakita mo na ba akong natalo? Bitawan mo ako kung ayaw mong mabaog." Binitawan niya agad ang kamay ko at umalis na ako.

Babangasan ko yang bangs ng bwisit na Gette na yan! Nagtitimpi lang talaga ako eh. Emotionally niya sinasaktan ang isa sa mga kaibigan ko. Bwisit. Alam ko pa na man kung paano masaktan emotionally. It will take you months. Paminsan years pa!! Bwisit.

Pagdating ko sa car park tinignan ko muna kung may dumadaan na taga-AGS sa labas ng K.U pero mukhang wala pa ata. Ayaw ko na mang hintayin yung bwisit na Gette na yun! Ano siya?! Pa-VIP?! Utot niya.

Kaya tumambay muna ako sa Canteen nitong K.U. Himala ang daming studyante dito. Ito lang ata ang pinakamalinis na lugar dito sa K.U. Bwisit kasi yang Principal namin si Leah!! Sayang ang ganda. Walang kwenta na man magpatakbo ng school. Bwisit.

Umorder ako ng Blueberry Cheesecake, Butterscotch Pudding at isang coke in can. May waiter at waitress kasi ang Canteen ng K.U kaya umupo ako kung saan ang pwesto ng TGND. Batas ata ang TGND dito sa school na 'to eh. Mag-isa pa na man ako. Ano ako loner? T-angina di bagay.

Pagdating nung order ko pinapak ko yun ng mapayapa. Kahit papaano di ko pinagtripan ang pagkain ngayon. Masama daw kasi sabi ni Charles. Sobrang bait nung anak-araw na yun sa akin. Parang dati lang gusto akong sapakin nun. Baka ginayuma ko? Pero di na man ako marunong mang-gayuma? Ah baka na man may sumuntok o inuntog ang ulo niya sa pader? Liit na nga ng utak nun eh. Tsk.

"Oh so you're alone." Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang impaktang kapatid ni Charles. Aba. Andito papala 'to. Tsk. Tanga ka na nga Zy bobo ka pa. Malamang suot ang uniform ng K.U dito talaga nag-aaral yan. Paganahin mo na man sana ang utak mo please. Nakakainis ka na brain cells ha!

"Hindi. Dalawa ako. Nakikita mo ba Imaginary Friend ko? Ayaw niya daw sayo dahil ang pangit mo. Kaya umalis ka na." Bobo lang nito kung maniniwalang may imaginary friend ako.

"Ugh. Whatever. So kayo na pala ng Kuya ko. L-O-L. Ganyan ka ba kadesperada? Pati kuya ko ginagamit mo?" Ginagamit ano?! Kelan pa naging gamit si Charles? Tao na man siya ah. Sino bang bobo? Ako o itong si Anne?

"Ginagamit saan?" Binaba ko yung kutsarita na kulang na lang mabali dahil sa higpit ng pagkakahawak doon. This girl really gets into my nerves down to spine sagad sa bones!

"Tsk. We're in reality bitch. Alam kong ginagamit mo ang kapatid ko para makabawi sa akin. Ang pathetic mo na man. Nakakaawa ka." Bigla ko naramdaman na tumaas ang dugo ko hanggang utak ko. Bwisit na babae 'to. Naging bitter na ang panlasa ko.

Hindi ako nagsalita at tinignan siya ng masama. Yung tipong lasog-lasog na ang katawan niya sa tingin ko. Hinawakan ko yung lalagyan ng Butterscotch Pudding ko. Mahal pa na man ito. tag-1k. Tsk. Ayos lang sinsilyo lang na man sa akin yan. Tinignan ko muna ang Pudding ko at nag-salita "Alam mo Butterscotch Pudding masaya sana kung sa dito ka sa tiyan ko lalanding eh." Tumayo ako at nakita kong iniangat ni Anne ang ulo niya sabay snob snob. Dukutin ko mata mo jan eh.

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon