CHAPTER 3

2.6K 45 9
                                    

[ZYSHIEE]

Homaygash! What to do?! What to do?

Paano ba lutuin ‘tong Corned Beef? Di ko mabuksan eh! May can opener ba sila dito? Mygash! And kalat pa dito sa kusina nila. Wala ba silang katulong? YUCKINESS lang.

“HOY! Matagal pa ba yan?!!! Gutom na gutom na kami!” Ugh! Ayan nanaman yung anak-araw! Sinisigawan nanaman ako. HELLO?! Di ko po pinangarap maging katulong.

BAHALA NA NGA! ITONG ITLOG NA LANG ANG LULUTUIN KO! Isang biyakan lang ‘to eh!

Kinuha ko yung Pan at pinainit yun. Pagkatapos nilagay ko ang itlog. Pati pag-crack ng itlog, di ako marunong. Marami tuloy nasamang shell dun.

Pagkatapos, nilagyan ko ng wait. Asan ang asin dito? NALILITO AKO! Wala pa na mang nakapangalan sa lalagyan. HOMAYGAS! Tatlo ‘tong pagpipilian ko!! Hayyyy! Bahala na nga.

Nilagay ko na yung asin (kung asin man yun) tapos nung hahaluin ko na sana, nag-taka ako kung bakit ayaw matanggal. Teka!! BAKIT AYAW MATANGGAL?! HOMAYGASSSS! Ano ‘to? GLUE?! Halaaaa!!!

TAMA!!! WALA KO PALA NALAGYAN NG OIL!!! OHMYGOSSSSSHHHH!!!

KINUHA KO YUNG CONTAINER NUNG OIL AT BINUHOS ITO LAHAT AT NAGTAKA AKO KUNG BAKIT BIGLA LUMIYAB YUNG PAN, LAGOTTTT!!! PAG-TINGIN KO, BRANDY PALA ANG NILAGAY KOOOOOOOOOO!! YOU’RE SO DEAD ZY!!

“NYET* KANG BABAITA KA!!! GUSTO MO BANG SUNUGIN ‘TONG SECRET PLACE NAMIN?” Ohno. Si Anak-araw po, sinisigawan ako. HUHUHUHU!!!

“KASALANAN KO BANG DI AKO MARUNONG MAG-LUTO?!!! SINABIHAN KO NA KAYO DIBA?!!! DAPAT KASI HINDI NIYO NA LANG AKO PINALUTO!!!” Nag-walk out ako tapos itong si Jaili, tawa ng tawa!

“HOY BIRD BRAIN!!! TINATAWA-TAWA MO JAN?!!! GUSTO MONG IKAW ANG LUTUIN KO?!” Sinigahan ko siya ng mata kaya napatahimik siya.

Umalis na ako ng tuluyan. NYETA! BADTRIP!!! Paano ba ako nakapasok sa gulong ‘to!! Tangina lang!!!

**

Nung nasa lobby na ako banda, nag-taka ako kung bakit ang daming nakatingin sa akin. Alam kong maganda ako, pero yung titigan ako ng nakakamatay? Goodness!

“Anong tini-tingin tingin niyo?!!!” Nakakainis kaya umalis na ako ng tuluyan sa K.U! LECHE!!!!

Tumungo ako sa car park kasi nandun ang kotse ko. Oo, kahit 16 yrs. old pa lang ako, may sasakyan na ako. Wala na mang bawalan dito eh! Subukan lang nila, bobombahan ko ‘tong K.U!

Sumakay ako sa loob ng sasakyan ko . TANG*NA LANG KASI!! Palutuin ba na man ako! Sayang pa na man yung kagwapuhan nun kung ganun kataray yung lalaking yun! KAINIS LANG!!!!

[CHARLES]

“Asan niyo ba kasi nahanap yung babaeng yun?!!! Pahamak eh!!” Nakakainis kasi. Malapit nang sunugin ‘tong secret place namin. OO, namin! Kaso, di kami masyado sumasama sa TGND kasi puro pambabae ang trip except lang dun kay Sapphire. Tomboy yata yung babaeng yun eh. Emote ng emote parati.

“Ano ka ba bro. Huminahon ka nga muna. Di na man nasunog eh. Wag kang OA.” Isa pa ‘tong si Dylan!! Kinakampihan pa yung babaeng yun!!!

“TANG*NA  lang kasi bro.”

“Kumalma ka nga! Tss.”

“Asan niyo ba kasi napulot yung babaeng yun, ha Eris?!” Naiinis na talaga ako!

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now