CHAPTER 22

1.6K 24 5
                                    

"Hoy ano ba! Bitawan mo ako! Charles oy!!!" Bwisit na anak-araw 'to. Kanina pa ako hinihila. -_- Ano 'to? Ginagawa lang niya akong elastic girl ah!

"Manahimik ka na lang jan. Ipapakilala nga kita sabi eh!" Tapos hinila nanaman niya ako ulit. Matic na siguro magkakapasa ako neto sa bandang wrist mamaya. Pag nangyari yun sisirain ko pintuan nitong Charles na 'to sa room namin!

"Ano ba! Di mo ba nakikita?! Naka-uniform pa ako oy!!" Napatigil siya sa paghihila sa akin at ako nakatigil sa kaka-yawyaw. Uhh-kay?

Tinignan niya ako at.. Shet. Agad kong hinila pababa ang palda ko na above the knee. May hiya papala ako.

"Ayos na yan. Maganda ka na man." At hinila niya ako ulit. Hindi na ako naka-imik.

Ano daw sabi niya? Ang ganda ko daw? Emegesh. Alam ko!

Hindi na ako pumalag kakahila niya kasi pareho lang kaming naka-uniform. Pag ako pinandirian nung magulang nitong si Charles babalikan ko at bobombahan ko bahay nun.

Bakit ba na man kasi ako ipapakilala nitong si Charles? Eh hindi pa na man kami. Ano 'to? Ako na ang lalaki at ako ang unang mamamanhikan? Tapos magpapakasal kami? Tapos magh-honeymoon kami? Ay jusko po. Di ko halos ma-imagine na itong anak araw ang makakasama ko habang buhay. Magpapakamatay muna ako bago mangyari yun. Tsk. Ginagawa lang na man namin 'to para maka-move on siya dun sa pesteng rabbit na Gette na yun. Di ko kinakaya yung babaeng yun. Ang haba ng buhok. Biruin mo may nagkakagusto pa sakanya? Nagustuhan pa siya ng dalawa sa BG. Speaking of BG. Kamusta na kaya si Luke? Ay! Erase erase. Bakit ko ba inaalala yung lalakeng yun? Tsk. Istorbo sa utak eh.

"Andito na tayo." Agad ako napatigil kaka-imagine kung anong mangyari dito sa bahay nila dahil sa sinabi ng anak-araw na 'to.

"Agad agad? Pwede mag U-Turn ka ulit? Di pa ako ready eh." Di siya umimik instead lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. OY! Himala yan ah! Minsan lang maging gentleman 'tong anak-araw na 'to kaya sulitin!

"Halika na." At hinila nanaman niya ako. Anong klaseng anak ba 'to? Kanino ba nagmana 'tong si Charles? Kaloka! Ang lakas ng lalaking 'to. Baka may abs? O baka nagwo-workout? Ay shet. Ano kaya ang feeling pag hahawakan ko abs nitong lalaking 'to? Matigas kaya? Omaygas! Yung mga pandesal. Shet.

"Mom. Dad." Napatigil nanaman ako sa kaka-imagine ng makita ko ang magulang ni Charles. Ano 'to? Seryoso? Di niyo ba ako jinojoke?

"Umamin ka sa akin. Mga kapatid mo yan no?" Bulong ko sakanya Sabay nguso ko dun sa dalawang tinawag niya ng Dad at Mom. Seryoso. Sinaksakan ba ng Formalin 'tong magulang ni Charles? Di na ako magtataka kung bakit ganito ka-gwapo si Charles. Oo, I admit it. Gwapo si Charles. Kahit sino na man malalag-lag panty dito kay Charles. Di lang ako tinatablan. Bwisit to eh. Tapos ang kutis parang pinaliguan sa sampung libong gluta. Di na rin ako magtataka kung bakit ang puti ni Charles. Tapos ang nanay niya ang sexy tapos chinita. Ganun din ang tatay niya.

Ngumiti ako sakanila at sila ngumiti din sa akin.

"Andito ka na rin anak. Welcome home." Tapos niyakap ng Mama ni Charles si Charles. Pinaupo ako ng mama niya sa sofa at tinabihan ako. Mukhang mabait ata e.

"Ikaw ba yung girlfriend ni Charles?" Agad kong nabuga ang Juice na binigay sa akin nung katulong nila. Grabe. Girlfriend agad? Halos di ko ma-imagine. Pag iniisip ko tumatayo ang balahibo ko. Tinignan ko si Charles. Nakatitig lang sa akin. Jusko. Nakakahiya. Nabuga ko pa yung Juice.

"Ahh. Ehh. Sorry ho. Girlfriend po ba? Naku! Hindi po. Nanliligaw pa lang ho si Charles sa akin." Sabay ngiti ko sa Mama niya. Ano kaya 'tong pinagsasasabi ni Charles sa nanay niya? Baka sinisiraan ako nitong lalaking 'to sakanya.

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon