CHAPTER 23

1.6K 26 9
                                    

Dedicated sakanya. Natutuwa kasi ako sa mga comments niya. At hindi siya silent reader. Thanks nga pala sa pagbabasa! Subaybayan mo hanggang matapos ha? Love you xx

**

"Uhm. Waiter. Kindly get us some any hard drinks, thanks." Tapos umalis na yung waiter.

Paminsan nagtataka na rin ako kay Tita. Binibiro ba ako nitong pamilya ni Charles? Seryoso. Si Tita Linette daig pa ako e! Daig pa pagka-teenager. Yung si Tito Richard imba rin yun lakas makisama eh. Parang walang iniisip na problema. Yung Anne, mas masahol pa sa aso ugali nun. Tapos itong si Charles tahimik lang. Paminsan maingay. Paminsan tahimik. Hindi ko tuloy alam tumatakbo sa utak nito eh.

Andito nga pala kami ngayon sa Starr. Isang bar na sikat dito sa lugar namin. Malapit lang din 'to sa K.U eh. Tutal friday na man ngayon at walang klase bukas malamang sa malamang maraming tao dito mamaya. 10pm pa lang eh.

Kung nagtataka kayo kung naka-uniform pa kami. Pwes hindi na. Kanina kasi pumasyal pa kami sa mall. Sabi kasi ni Tita magb-bar daw kami. The hell. Teenager nga talaga 'tong si Tita. Kung sakali ito ang naging nanay ko ituturing ko 'tong kaibigan ko at gabi-gabi kaming nasa club at pag labas lasing.

Inakbayan ako ni Charles at binulong sakin, "Okay ka lang ba?" Buti na lang at medyo madilim. Yung disco light lang pati yung ilaw sa may DJ ang naka-ilaw dito kundi kanina pa siguro mapapansin ni Charles na namumula ako. Paano ba na man kasi? Ang init ng hininga niya nung bumulong siya sa akin. And his.. god! His.. sexy voice. I can't take it. Bakit ko ba minamanyak si Charles eh wala na man akong gusto sakanya? Baka gutom lang 'to? Pero kumain na man kami bago kami pumunta dito ah! Baka na man nababaliw na ako? Aish!! 

"A-ah. Okay lang ako. Ano ka ba." Tapos tinulak ko siya. Medyo nahawakan ko yung sa bandang dibdib niya at hindi ko mapigilang hindi bumitaw. P-akshet. Totoo nga yung iniimagine ko kanina! May abs nga 'tong lokong 'to. Ay jusko po.

Narinig kong tumawa siya ng mahina at agad ako bumalik sa riyalidad na nakahawak pala ako sa katawan niya. P-unyemas! Anong kahihiyan nanaman ba 'tong mga pinag-gagagawa ko? Tumino ka nga minsan, Zy! Nakakahiya ka eh.

"Anyway, I called your father to come over here, Charles. Ayos lang na man diba? And I reserved you some table over right there." Tinuro niya yung sa medyo malayo sakanila. "So you could enjoy this night." Sabay ngiti niya. 

Dumating na yung order at kukuha na sana ako ng shot pero pinigilan ako ni Charles.

"Ah-uh. No." Sumandal ako ulit at nag cross arms. Takte. Ang kill joy na man ng anak-araw na 'to! Akala mo kung sino umasta e manliligaw ko pa lang na man 'to. Kabwisit na man oh!

"OH! Here's your dad na Charles. Alis na. Shooo! Bye iha." Hindi na ako nakapaalam ng maayos dahil hinila agad ako ni Charles papunta dun sa table namin at umupo kami dun. Inakbayan niya ako at shet. For the 2nd time. Namula nanaman ang pisngi ko. Goodness! Ano bang nangyayari sa akin? Baka pagod lang 'to? Oo tama! 

Nag-order ng Jack Daniel's si Charles. Really? Ang laki pa mand in ng inorder ni Charles. Nung dumating na yung order namin binigyan niya ako ng shot then I gave him a curious look. 

"Parang kanina. Ayaw mo akong uminom? Sira na ba utak mo? Ha?" Hindi niya lang ako pinansin instead hinawakan niya yung braso ko na may hawak na shot glass at pinainom niya sa akin yun. Naramdaman ko na man agad ang init nung sa baga at dibdib ko. F-uck this whiskey!

Nung naka-ilang shots na kami and I can see na 1/4 na lang ang natitira sa inorder ni Charles. Grabe. 1/4 ba talaga yun?

I can feel that this place is spinning around. I tried to stand up pero napaupo ako ulit. Goddamn it! Ang traydor ng whiskey na yan! I never thought na kahit ganun siya kasarap ganun din pala kalakas ang impact niya sa akin. I saw Charles drawing something in the table kahit medyo di ko maklaro. 

Nilapit ko ang mukha dun sa dino-drawing niya. Goodness. Ang sakit ng ulo ko. I feel numb and all. 

"Ano yan, Charlesh?" Pinatong ko ang ulo ko sa table at tinignan lang ang ginagawa niya. He's writing something. Inangat ko ang ulo ko at pinikit-pikit ang mata ko.

"What is that?" tanong ko ulit. Hindi ko maklaro kung S o Z ang nilalagay niya. But the hell I care? Ang iintindihin ko ngayon kung paano kami makakauwi sa K.U. Takte na man. Hindi ko na man aakalain na mac-carried away ako ng ganito. Dapat hindi na lang ako uminom.

Nabibingi na rin ako sa patugtog ng DJ. Ayaw kong sumayaw because I can't carry my own body. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng nakapatong sa ulo ko.

Sumandal ako sa balikat ni Charles kasi nararamdaman kong anytime pipikit na ang mata ko. Gusto ko nang humiga at matulog forever.

Naramdaman kong may humawak ng pisngi ko pero hindi ko pinansin yun. I even buried my face at Charles Neck. Nararamdaman ng labi ko ang leeg ni Charles. Ang init ng pakiramdam. Naramdaman ko na yumuko si Charles paharap sa akin. And within a blink he kissed me.

Bakit parang pareho yung naramdaman kong kiss nung nag club kami ng barkada. Pakiramdam ko siya yung hinalikan ko?

Hinawakan ko siya sa leeg and even pulled him to me. I admit it. Masarap[ siyang humalik. Nadadala ako. Even if hindi ako marunong humalik pakiramdam ko ang galing ko na. He even deepen more yung halik and I feel like I'm drowning any sec.

He grabbed my waist and pulled me closer. Kaya mas lalong lumalim ang halikan namin. I can feel that his hands are travelling anywhere in my body at wala akong pakialam. Nadadala na din ako.

Bumitaw siya sa halik at hinawakan ang pisngi ko. "I love you Gette." At nung hahalikan na niya dapat ako. Bigla akong tumayo at sinampal siya. Very hard. 

Siguro yung apat na words na yun ang pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko. Dahil sa apat na salitang yun nawala ang lasing ko.

Umalis ako sa Starr at pumara ako ng taxi. Ayokong mag-lakad baka ano pang mangyari sa akin.

"Maam. Okay lang ho ba kayo? Bakit ho kayo umiiyak?" I touched my face. Hindi ko man lang naramdaman na umiiyak na pala ako. Why did I suddenly felt so hurt? Ang sakit. Sobra. 

"Wala. Sa Kingston University." At umalis na kami sa bar. Bahala si Charles. Wala akong pakialam kung mabugbog man siya dun at makitang marami na siyang pasa sa mukha. Because I DON'T F-UCKIN' CARE ANYMORE! All this time!! Si Gette pa rin ang nasa utak niya. Who am I kidding anyway? Panakip butas ka lang niya, Zyshiee. Keep that in mind. Wag kang tatanga.

I touched my chest and I felt suddenly na ang sikip sikip ng puso ko. Nakakainis. Ano ba 'to? Hindi na man siguro 'to sakit sa puso diba? Nakakainis. Bakit ako nasasaktan na ganito? Am I inlove with him?

HELL NO! You can't! You just can't, Zyshiee! 

"Maam andito na po tayo." I pulled 500 in my pocket and gave it to the taxi driver.

"Keep the change." At bumaba na ako sa Taxi. 

Pumasok na ako sa K.U at marami pa akong nakikitang tao. Pero hindi ko na lang pinansin. Wala na mang pakialaman dito eh.

Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga agad.

Nakakapagod. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko ngayon. Magkakasakit yata ako. 

"F-uck you Charles. F-uck you." At umiyak nanaman ako ulit. T-anginang yan! Ayoko ng ganito. Ayoko ng sinasaktan ko ang sarili ko. Remember Zy, you're too fab to be hurt like him. 

Nung medyo inaantok na ako. Dahil na rin siguro sa kakaiyak. Nakatulog na ako.

[KINAUMAGAHAN]

Naramdaman kong may humihimas sa ulo ko. Kaya minulat ko ang mata ko. Here it is again! Ang sakin nanaman ng ulo ko. Bwisit na 'to. Ang traydor talaga nung ininom namin ni Ch-- NO! Don't say that name! It's a bad word.

Tumingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Charles.

"What the f-uck are you doing here?!!!" Sigaw ko.

**

Twitter: @MPepperWatty

Si Zyshiee nga po pala sa gilid.

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now