CHAPTER 30

1.4K 24 6
                                    

Huminga ako ng malalim. Ito nanaman. Tatapatin ko nanaman ang magulang ko.

Naglakad ako palapit sa gate namin at lumapit sa bantay namin. Agad-agad naman niyang binuksan ang maliit na gate.

"Maam. Ikaw pala yan. Pasok ho kayo." Ngumiti naman ako. May kinuha ako sa bag ko at binigay ko sakanya.

"Ito manong oh. 500. Mag-miryenda ka muna." Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Salamat maam!" Agad naman siyang tumakbo sa malapit na tindahan sa subdivision namin. Gutom na ata talaga siya.

Hinarap ko ang bahay namin. Same atmosphere. Same feelings. Andito kaya sila?

Pagkapasok ko sa bahay parang busy lahat ng tao. Lumapit ako sa isang katulong namin.

"What's happening here?"

"Ah. Ikaw pala yan maam." Ginawa niya naman ang curtsy na nasa rules dito sa bahay. Pagkatapos niyang gawin yun ay ngumiti siya. "Ngayon kasi yung engagement party ng Ate mo." Napanganga naman ako agad sa narinig ko.

"Wtf. Sige." Tumakbo ako paakyat sa kwarto ni Ate. Pagkabukas ko nun tulog pa siya. Tsk.

"Ate ate! Gising. Hoy." Napa-hmm naman siya. "Totoo bang ie-engage ka na? Sagutin mo ako hoy!" Sabay alog-alog ko sakanya.

"Alam mo na pala. Good thing you're home. Makikilala natin siya." Umupo naman siya at nag-stretch. "Magp-prepare papala ako. Damn it!" Sa tono ni Ate parang ayaw niya pang ma-engage dun sa lalaki. Bakit kaya?

"Ate, okay ka lang ba?" Napa-sigh naman siya. Ang dali lang basahin nitong babaeng 'to e.

"To tell you the truth, No. Ayoko sa lalaking ipapa-engage sakin ni Mama. Nakakasakal 'to. To think na hindi ko pa nakikita yung lalaki." Hinawakan ko ang balikat niya. Naka-upo kasi siya sa harap ng salamin at ni-pat ko ang balikat niya.

"Everything will be fine, Ate." Ngumiti naman kaming dalawa.

"Sapphire." Narinig ko nanaman ang kinamu-muhian kong boses sa buong mundo. Pinihit niya yung doorknob at di na ako magtataka kung bakit ganyang ang tingin sa akin ng nanay ko.

"Look who's here. Ang ampon kong anak. Ano nanamang gusto mo?" Pumikit na lang ako at hindi siya pinansin. I'll pretend na hindi ko na lang siya nakikita. "Bastos talaga kahit kelan." Hindi na niya ako pinansin. Lumayo ako kay Ate at humiga sa kama niya. Invisible ang nanay ko. Invisible siya. "Dapat maganda ka ngayong gabi anak. You'll marry the son of the most illegable family." Pagod na pagod na ako. Kung sino man yang pamilyang yan wala akong pakialam.

"Mag-aayos pa ako, Ma."  Pinanood ko kung paano hawakan ni Mama si Ate Sapphire. Wow. Ang bait. T-angina. Ngumiti naman si Mama at ni-pat ang ulo ni Ate. Ang bait niya talaga kay Ate. Nakaka-inggit.

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon