CHAPTER 41

843 23 12
                                    

"Z-zyshiee?" Agad ako tumingin-tingin sa paligid at tumakbo.

Sinigaw niya pa ulit yung pangalan ko pero di ko na pinansin. Matagal ko nang pinutol ang connection ko sakanila. Kahit kaibigan ko sila, kailangan ko pa ring mag-tago. Ayokong malaman nilang nagkaroon kami ng anak ni Charles. Mahirap na.

Pagkatapos ng takbo escapade ko. Hehe. Tumungo na lang ako sa ibang mall.

Binilhan ko na ng mga damit at kung anong pwedent masuot si Charles then I headed to the hotel.

"Charles. Paki-bukas ng pinto." Kanina pa kasi ako katok ng katok.

Binuksan niya ang pinto at sana ni-wish ko na lang na hindi niya na lang binuksan ang pintuan. Gawd!

Pati ba sa gilid ng kalsada may gym? Bakat na bakat ang abs. Jusko. Bigla tuloy uminit.

Iniwas ko kaagad ang tingin ko at nilapag ang mga paper bags at lahat ng iyon ay kay Charles.

"Mag-bihis ka nga muna. Ang laswa mong tignan." Sabi ko at umupo sa kama at nanuod na lang ako ng palabas.

"Nakita mo na rin naman ito e. Hahaha." Aba tengene. -_- Kinuha ko yung pinakamalapit na unan sa akin at binato ko sakanya pero sinalo niya lang yun at tumawa pa. Bwisit na yan!!

"Mag-bihis ka na nga. Leche to." At tinutok ko na lang yung tingin ko sa TV kahit wala akong naiintindihan.

Naramdaman ko na lang na tumabi na sa akin si Charles at ang bango-bango niya. Grabe naman. Kaiyak. Ang sarap niya tuloy yakapin. Leche.

"Nakita ako ni Aaron kanina." Pambasag tahimik ko. Pero wala siyang reaction. "Alam ba ng BG at TGND ang sitwasyon mo?" Pinatay ko na yung TV at tinignan siya. Yumuko na lang siya at napansin kong namumula yung tenga niya.

"W-wala. Wala silang alam." Napansin kong may tumulong luha kaya inangat ko ang mukha niya at ni-harap sa akin.

"Wag ka ngang umiyak. Ang bading mo e." Ngumiti naman siya dahil dun. Inalis ko na ang kamay ko sa mukha niya kasi ang awkward awkward!!!

"Bakit ka nga pala umuwi dito, Zy?" WTF?!!! Alam niyang umalis ako? Tang*na. Sasabihin ko ba ang rason kung bakit andito ako?

**

ERIS' POV

Andito kami lahat magbabarkada sa Secret Place. Mag-bago na ang lahat, wag lang itong lugar namin. Nasabi na ba naming nag-bago na ng patakaran ang K.U? Tsk. Mas lalo dumami ang Rich Kids dito. Ang dami na nga naming kaaway e.

"Ano bang problema at pinapunta tayo ni Aaron dito? Tsk. Ang sarap-sarap matulog eh. Umuulan pa naman." Sabi ng oh-so-great boyfriend ko na si Billy. Yes. Kami na.

"May sasabihin daw e." Sabi ni Sapphire na nakikipag-laro ng billiard kasama si Dylan. Mukhang going strong na tong dalawang to ah. Sino na lang ba ang wala pang lovelife sa amin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon