CHAPTER 4

2.5K 45 22
                                    

[ZYSHIEE]

"Achoo." Ang kati ng ilong ko. Grr.

"Achoo achoo achoo." Di ko napansin nasa isang bodega na pala ako. De joke joke lang! Andito ako sa secret place namin. Maka-namin ako no? Bakit ba? TGND na rin ako no.

Gagalaw na sana ako ng napansin kong nakatali pala ang kamay ko. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na may pinaamoy pala sa akin yung apat na pogi-- ay este apat na itlog sa akin! Grr.

"Pag ako nakatakas dito, kakalbuhin ko yang mga buhok niyo sa ilong!!! Alisin niyo nga 'to!!" Wala kasi akong mapansin sa lugar. Except lang dun sa parang ilaw lang sa taas. Langya! Ganun ba kalaki ang kasalanan ko? Sinira ko lang na man yung Ferrari nung pesteng Charles na yon.

"Kahit kelan, patawa ka talaga Ms. Villafuente. ALAM MO BA KUNG ILANG MILLION ANG SINIRA MO?!!!!" Maka-sigaw na man 'tong si Charles. Jusme.

"Oh. Kalma!! Babayaran na lang kita. Ilang minions ba gusto mo? O-order ako kay Gru. PWAHAHAHAHA!!!" Biruin niyo, nakuha ko pang tumawa eh nasa bingit na yata ako ng kamatayan.

Nakuujusme! Kung ako, mamamatay dito, paano na lang yung mga nagkakagusto sa akin? Edi mawawalan na sila ng inspiration? K, kapal ko na.

"Wala akong panahon makipag-biruan sayo." Napansin kong nasa gilid na pala siya. WOW! Invisible man! Oooh. HAHAHA!

"Nag-bibiro ba ako?" 

"TANG*NA!!! UMAYOS AYOS KA VILLAFUENTE KUNG AYAW MONG MAMATAY!!!!" Lord, help meeee!

"Oh! Jok jok lang. Kalma! Maka-react 'to! Ganito na lang, babayaran na lang kita basta alisin mo lang 'tong tali. Ang sakit na ng balikat ko, pag ako nawalan ng balikat mas mahal pa ang babayaran mo kesa sa babayaran ko!!!" Pero, wala pa rin akong naramdaman na maluwang sa may wrist ko banda. Sa likod kasi ng upuan nila tinali yung kamay ko. P-akshit lang! Oras na makawala ako dito, kakalbuihin ko 'tong mga to!!

"Bro, pakawalan mo na yan. Babayaran rin na man pala eh." 

"No need. May pera na man ako. Sa isang kondisyon, Miss Villafuentes. Kailangan mo lang sundin lahat ng iu-utos ko." Sabay smirk nito. Ano ako?! Katulong? LECHE!!

"Hindi ako pinanganak para pag-silbihan ka. Gusto mo mag-hire pa ako ng 20 na katulong para sayo? Tsaka utang na loob. Di bagay sa akin maging katulong mo. Bobo ka rin no?" Naramdaman ko na lang na sinampal niya ako. T-angina!

KINGSTON UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon