CHAPTER 13

1.9K 27 2
                                    

[Still Eris' POV]

"HOY! ANO NA?!!!" Tanong ko.

Tumingin siya ng blankexpression sa amin. Sabi ko na nga ba eh. Di papayagan 'tong baliw na Zy na 'to. Kami na man 'tong tanga. Nag-hintay dito sa wala. Tsk.

"Ano positive ba? Sumagot ka Zy uyy!!!" Sabay alog alog ni Zoe. Sinapak ko na siya at lahat, di pa rin natauhan. Malala na talaga 'tong si Zoe. Tsk tsk.

"U-uhm.." Inangat ni Zy yung papel na sinulatan niya kanina. More like a contract.

"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!!!" Sigaw ni Yesha. Marami tuloy napatingin sa amin.

"Totoo ba 'tong nakikita ko? Signature ng principal? HOY! Sumagot ka Zy!!" Napangiti na lang ako sa pinakita sa amin ni Zy. Kahit mukhang tanga kami dito. Worth it na man pala. Akala ko di na papayagan eh.

Pero nagtataka na talaga ako. May gusto ba 'tong si Zy kay Charles? Kaloka.

"Ice yan. Pwede mo na ako ligawan." Sabi ni Charles at umalis na kaagad. Hanggang kelan ba magiging cold yung baliw na yun? Porket broken hearted lang kay Sapphire e. Tss.

Iniwan ni Zy ang papel sa amin. Ayos to. Ipapa-frame ko at ilalagay ko sa SP. Haha. 

Tinignan ko kung saang direksyon papunta si Zy. Sinundan pala si Charles. 

"Psst. Guys. Tignan niyo yung dalawa." Napatingin na man agad ako sa direksyon na sinabi ni Yesha. Pati siya pala napansin niya.

"S-hit ang sweet." Sabi ni Aaron. 

"Sabi ko na nga ba may namamagitan sa dalawang yan eh." Sabi ni Dylan.

"Assuming kaagad. Malay niyo magkaibigan lang pala." Sabi ni Kiana. 

**

[ZYSHIEE]

"Psst." Ang bilis na man mag-lakad nitong si Charles. Palibhasaa parang ostrich ang legs eh. ang haba. -_- Kaya ito ako parang hinahabol ko siya.

"Hinay-hinay na man sa paglalakad uyy!!" Nabunggo ako sa likod niya. Ang tigas. Ang bango. Shet!

"What do you want?" 

"Tara! Mall tayo. Treat ko. Gusto ko mag-celebrate eh."

"Why don't you invite Eris or Yesha?" 

"Kasi ikaw yung gusto ko?" OOPS! Zyshiee na man! Ano bang pumasok sa bunganga mo? Aish!

Bigla siya lumapit sa akin at tingnan ako sa mata. 

"What did you just said?" Kung pwede siguro ako lamunin ng lupa ngayon, magpapalamon ako.

Sa totoo lang, wala na man talaga akong gusto kay Charles. Gusto ko lang siya maging kaibigan. Yun lang. 

"Sabi ko, ipagluluto kita mamaya sa room. Susubukan kong hindi sunugin ang munting bahay nating dalawa. Okay?" Tapos tumakbo na ako palayo.

Nung nasa parking lot ako, nagulat ako kasi nakita ko si Charles sa gilid ko. Parang kabute lang eh. Biglang sumusulpot.

"Sama ako sayo." Sabay ngiti niya. Shems. Ang gwapo.

"Ikaw bahala." Binuksan ko ang sasakyan ko tapos sumakay na rin siya. Ginawa niya pa yata akong driver niya.

**

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now