CHAPTER 16

1.7K 26 10
                                    

Huh!! Anong akala niya? Siya una kong lalapitan?! Neknek niya. Manigas siya.

"Zy.. Buksan mo na man to oh." And another one. Sa tingin ko almost 1 hour na rin siya sa labas ng kwarto ko. Like duh?! The hell I care?! Manigas siya.

"Ano ba?! Ginto yang pintuan ko!! Umalis ka na! Shooo!!"  Tapos umupo ako sa fluffy chair ko. Bahala talaga siya.

"Please na man oh.. May pagkain akong dala." Agad kong hinawakan ang tiyan ko. Almost 1 hour na rin akong nagugutom. No scratch that. Magsimula kaninang umaga. At lunch pa na man ngayon. Hinawakan ko nanaman ulit ang tiyan ko kasi nagrereklamo na siya. 

Matinong Utak: Ano ba Zyshiee?! Pairalin mo yang pride mo! Siya ang may kasalanan. Dapat hayaan mo siya jan sa labas. 

O diba? Ang tino ng utak ko? S-hit lang.

Gutom na utak: Aarte ka pa ba? Wala na ngang laman ang utak mo gugutumin mo pa pati tiyan mo. Mag-isip ka nga ng matino Zy at nang maging matalino ka na man kahit paminsan. Kaloka ka ring babae ka e.

Agad ko na mang sinapak ang utak ko. Bwisit na yun! Ito ba epekto ng gutom? Kahit ano na lang naiisip ko. Totoo nga si Gutom na utak di na nga ako nakakapag-isip ng matino.

Ano? Pride o Pagkain? 

Bahala na. Kesa na man sa mamatay ako sa gutom. Bahala na yang pride na yan. Hanggang panlaba lang na man yan eh.

 Binuksan ko ang pintuan at nakita ko siyang nakatayo lang dun tapos bitbit niya ang pagkain ko. Tinignan ko siya at agad siyang yumuko. Bigla na man akong naawa sakanya. Pero ah basta! Ano bang pake ko? Bahala siya. Sa iba siya magpatulong mag move on.

"Sa wakas. Ito oh. Pagkain mo." Inabot niya sa akin ang pagkain at tinignan ko lang to. 

"Baka na man may lason yan?!" Tinignan niya ako ng nakakatunaw kaya wala sa malay na kinuha ko ang tray ng pagkain at nilapag to sa lamesa. 

"Sige. Enjoy." Tumalikod siya at tumungo sa kwarto niya. Sus. Duwag na man pala pag kaharap ako. Tss. 

Sinirado ko na ang pintuan at tumungo sa lamesa at umupo ako sa upuan at tinignan ko ang tray ng pagkain. 

Ito yung niluto niya nung bago pa lang kami dito sa room namin. Nakita kong may nakaipit na letter sa may plato kaya kinuha ko to at binasa. Ano nanamang pakulo nung anak-araw na yun? Tch.

"Hi Zy.. Alam kong galit ka sa akin. Sana kainin mo tong pagkain kahit labag sa kalooban mo. Niluto ko to kanina kasi alam kong gutom ka na. Sorry na rin at hindi ako tumupad sa usapan. Hayaan mo. Di na mauulit." 

Tinupi ko ang papel at tumingin sa pagkain. Pasensya na Charles. Talagang di na mauulit kasi hinding-hindi na kita tutulungan.

Napansin kong may mainit na tumulo sa pisngi ko. Di ko na namalayang umiiyak na pala ako. Ano ba Zy?! Bakit ka umiiyak? Dahil ba kay Charles? Oo, naaawa na ako sakanya. Pero pasensya siya. Di ko na siya matutulungan ulit. Dahil alam kong hindi niya kaya.

[KINABUKASAN]

"Oh ano? Kamusta kayo ni Charles?" Panimula agad ni Martin sa akin. Kita na ngang badtrip ako. Tsk.

"Pake mo ba?" Sabay snob ko. Wala nga kasi ako sa mood. Ayaw ko ng may kumakausap sa akin.

"Sus. Shishi na man e. Sige na. Chika na." Sabay hawak niya sa braso ko.

"Ano ba! Bitaw!" Inalis ko yung kamay niya pero ayaw pa rin paawat. Letse na man oh. Makaalis na nga.

"Saan ka pupunta Shishi? Sama akes!!" Tapos hinabol niya ako. Saan nga ba ako pupunta? Tss. 

Paglabas ko ng classroom bumungad agad sa akin pagmumukha ni Charles. Oh s-hit. Gandang bungad. Mas lalo akong nabadtrip. Bwisit.

"Hi Z--" Hinila ko na lang si Martin habang nagpapantasya sya kay Charles at umalis doon. Ayaw kong makita o marinig ang boses niya. Hindi pa sapat yung pagkain na binigay niya kahapon. Bwisit. Bahala siya. Pake ko ba?

"Oooh. Mukhang war kayo Shishi. Sabi na nga ba e. Gora na!! Chikabells!!" Umupo kami sa garden. Ewan ko ba kung garden ba talaga to. Patay na mga halaman e. Walang kwenta.

"Manahimik ka nga muna kung ayaw mong makakita ng itim sa mata mo mamaya!" Agad na man siya nag act na ni-zip yung bunganga niya. Tsk.

Pero after 10 seconds ata di niya natiis at nagsalita nanaman siya. Bwisit na man oh!! Sasapakin ko sana siya kaso may tinuturo siya. Lumingon ako at.. 

"Sino yan?" Nakita ko kasing may kalandian si Yesha. Ito siguro yung sinasabi ni Gette sa akin. So siya yung lalaki? Malapitan nga.

"Wag Shishi. Private matters yan. Anuberr." At pinaypayan niya ang sarili niya gamit ang kamay niya. May tama na man si Martin. Private matters yan e. Pero di pa rin tama. Ano bang makukuha ng lalaking yun pag nilalandi niya si Yesha?

Pinagmasdan ko sila. Halatang masaya si Yesha sakanya. Hahayaan ko na lang ba? Kaibigan ko siya. Ayaw kong nasasaktan ang isa sa mga kaibigan ko. 

**

Twitter: @MPepperWatty

KINGSTON UNIVERSITYWhere stories live. Discover now